That Annoying BOY - 39

14.6K 507 29
                                    

Dumiretso kaming tatlo sa locker room at yung dalawa hindi maiwasang tumawa ng tumawa dahil sa ginawa namin.

"Grabe epic yung itsura ni Lexi." Natatawang sabi ni Luisa.

"Mas epic yung pahabol mong sabi sakanya." Maj said laughing. Hindi ko na pinansin ang mga tawa nila, iniisip ko kasi ngayon si Samie dahil paniguradong nakita na niya yun. Kailangan ko na talaga siyang makausap, gagawin ko ang lahat para makausap siya ngayong araw. Kahit pag tulakan niya ko.

"Anong iniisip mo?" Maj asked me.

"Uh.. si Samie, nagaalala ako sakanya, paano kung nakita niya yun? Kaya nga hanggang ngayon hindi nagiging kami ni Damon dahil gusto ko muna siyang makausap tapos makikita niya lang yun?" I sighed heavily. Bruha talaga yung Lexi na yun. Mukha lang pala siyang mabait.

"Kausapin mo nalang siya mamaya, after practice." Luisa said.

"Ano pa nga bang magagawa ko?"

Nagsimula na kaming lahat sa pagpunta sa Gym para makapag practice na, honestly di ako makapag focus. Haay! Bakit ba ganito kakomplilado lovelife ko?

Pwede namang normal lang din diba? Tulad nung iba?

Natapos ang practice at syempre ako ang nangungunang makaalis dahil disperada na kong makausap si Samie. Luisa and Maj offered na samahan ako, so hindi ko tinangihan yun kasi baka din mapahiya ako pag iniwasan ako ni Sam.

Nang nagsimula na kaming pumunta sa Basket gym ng makasalubong namin si Damon. "Baby, uwi na tayo?" He asked.

"Uh.. hintayin mo nalang ako sa parking, kakausapin ko lang si Sam." Tumitig siya sakin sandali at nasa selos mode na naman siya. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge at hinalikan ng mabilis sa labi niya. "Kakausapin ko lang siya, okay?"

"Okay, i love you baby."

I smiled. "I love you too." Yes, i love him. I can't hide it anymore.

Luisa cleared her throat. "Pwede yung mga katamisan mamaya na pag wala na kami?" She said making us laughed.

"Hihintayin mo nalang sa parking, okay?" I said again.

"Okay, pero irerescue na kita dun pag wala ka pa ng isang oras." He reassured. I just nod.

Nagsimula na kaming pumunta sa Basketball Gym, and sakto din na nakasalubong namin si Justin at Mario.

"Hi, babe." Mario greeted Maj. Ay.. ano to?? May pa babe, babe na. Sila na ba?

"Hi din babe." Maj greeted him back.

"Kayo na?" Tanong ni Luisa.

"Uh.. Oo, kahapon lang." Maj said, blushing. Oh my GOD!

"Bakit di mo sinabi?" I asked.

"Eh, masyado pang maraming nangyayari sayo eh kaya, pinagpaliban ko muna."

"Anyways.. si Samie?" I asked both of them.

"Nasa Gym pa, mukhang di pa pagod mag practice eh." Justin said then pasimpleng tumingin kay Luisa. Haay, hanggang ngayon totorpe torpe pa din siya? Kaya siya naunahan ni Lucas eh. Pero kung sabagay wala na pala si Lucas at Luisa.

"Sige, salamat." I said.

"Uhm.. Amber, suggest ko lang wag mo na kaya munang kausapin siya mukhang mainit yung ulo eh." Mario said. Hindi ko na pinansin yung sinabi niya kaya nagtuloy tuloy na ko sa pag punta sa Gym. Disperada na talaga ko eh.

Naabutan ko si Samie na nagpapractice ng shooting mula sa three point area. Naglakad ako ng dahan dahan palapit sakanya.

"Samie.." i called. Huminto siya sa pagtira ng bola at dahan dahang humarap sakin.

"May kailangan ka?" Halata sa tono ng boses niya ang galit.

"Can we talk?" Malumanay kong sabi.

"Tsaka na nag papractice ako." He said habang dinidrible yung bola.

"Sam, alam kong umiiwas ka." Binato niya sa inis yung bola na ikinagulat at panic ko. Tsaka siya humarap ulit sakin at sinamaan ako ng tingin. Ngayon ko lang siyang nakitang galit na galit.

"Para saan ba at maguusap pa tayo? Dahil kay Damon? Bakit kayo na?"

"Hindi pa."

"Ha! Hindi pa? May plano ka ganun?" Sarkastiko niyang sabi. "Ano bang nakita mo sa lalakeng yun Amber? Sabihin mo nga! Mas matagal mo kong nakasama sakanya at mas una kitang minahal pero siya padin ang pinipili mo? Bakit ba hindi mo ko magawang mahalin, mahirap bang gawin yun? Kahit sana manlang sinubukan mo!"

"Mahal kita Sam pero bilang matalik na kaibigan lang."

He laughed, sarcastically. "Dapat ba ko matuwa dahil mahal mo ko bilang kaibigan mo? Dapat ba kong mag diwang dahil mahal mo ko bilang kaibigan mo? Ang tagal kong hinintay yung pagkakataon na pumayag kang ligawan kita kaya nung pumayag ka sobrang saya ko kahit na alam kong aabutin pa ng matagal para maging tayo plano kong hintayin ka hanggang sa makagraduate tayo dahil ganun kita kamahal pero wala lang pala sayo yun. Ako lang pala ang nag isip na may hinihintay ako." He's crying. My best friend is crying and it's all because of me. Damn it! Hindi ko kayang nakikita siyang ganito, pero wala naman akong magawa dahil alam kong ako ang may dahilan nito.

"I'm sorry." I said trying to stop my tears.

"Do you love him?" He asked crying. I don't think na magandang sagutin yun ngayon.

"Samie-"

"Just answer me!" He snapped yelling.

"Yes, i love him." I said nodding, crying. Humakbang ako papalapit sakanya pero umatras lang siya kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Umalis ka na!" Patataboy niya.

"Sam please let's fix this."

"Sorry pero di na to maayos, umalis ka na at simula ngayon wag mo ng asahan na mag kaibigan pa tayo."

Mas lalong lumakas yung tulo ng luha ko. "Sam, please!"

"Please Amber, kung talagang mahal ko bilang kaibigan mo o pinahalagahan mo manlang yung pagkakaibigan natin. Layuan mo nalang ko."

That Annoying BOYKde žijí příběhy. Začni objevovat