That Annoying BOY - 2

25.2K 671 16
                                    

Finally nakarating na kaming tatlo sa Gym. Nag sisimula na nga yung practice tulad ng iniisip ko.

Hindi ko na tinawag si Sam para di na siya maistorbo sa practice. Umupo lang kami sa bench at itong si Majah hindi na inalis ang tingin kay Mario.

Pambihira talaga!

Kumaway sa direksyon namin si Sam na pawis na pawis dahil sa practice. Kumaway din ako sakanya.

"Jowa ang peg?" Pagbibiro ni Lulu.

"Best friend." Pagtatama ko ulit.

"Ah.. tama kay Damon ka na pala." Heto na naman siya. Buti nalang naka focus si Majah kay Mario at hindi niya nasusulsulan sa pangtitrip si Luisa.

Iopen ko kaya ulit yung topic kay Ian Somehalder, baka mabaling ulit sakanya ang topic.

Pero bago ko pa magawa yun muntikan nang tamaan si Lulu ng bola buti nalang nasalag ng kamay niya.

"Sorry, Luisa." Justin Sebastian said, siya ang Shooting Guard ng team.

"Ayos lang gwapo ka naman eh." Luisa said. Ibang klase, paano niya kayang nasasabi ng direkta sa lalake yun? Nakakahiya kaya.

Kinantyawan naman agad ng team si Justin dahil sa sinabihan siyang gwapo ni Luisa. Secret lang daw to pero crush daw ni Justin si Lulu sabi ni Samie.

Di ako tsismosa kaya di ko sinasabi kay Lulu ang tungkol kay Justin. Kaya lang ang type ni Lulu sa team ang power forward nilang si Rafael Rodriguez.

Nangangamoy love triangle.

"Sumisimple ng tingin si Raf sakin." Mahinang sabi ni Lulu.

"Kilig ka naman?" Majah asked.

"Hindi nu. Ibig ko lang sabihin dun, malapit ko na siyang maakit."

"So kung matipuhan ka niya, iiwan mo na?" Tanong ko.

"Oo." She said laughing. Ibang klase talaga.

Mas maganda talagang wag nalang sabihin ang tungkol sa pagkakaroon ng crush sakanya ni Justin kasi sasaktan niya lang, ang bait pa naman nun.

Finally natapos ang practice, tumakbo papalapit sakin si Sam at niyakap agad ako. "Ano ba pawis ka pa oh. Kadiri ka talaga!" Pagbibiro ko na may halong seryoso.

"Grabe ka sakin." He pouts.

"Samie itigil mo yan di bagay." Lulu said.

"Wag kang ganyan, papahalik kita kay Justin.. sige ka." Pagbabanta niya na may halong biro.

"Ako pa talaga pinagbantaan mo ah?" Kompyansang sabi ni Luisa. Tumayo siya at lumapit kay Justin, inalagay niya yung mga kamay niya sa braso nito at hinalikan sa labi na ikinagulat ni Justin.

"Bakit di mo magawa sakin yun?" Sam asked.

"Tumigil ka nga, magkaiba kami."

"Buti pa tong si Lulu, malakas ang loob." Majah said. Naiingit na ata, bat kasi di pa niya sungaban si Mar? Haha.

"Mag sashower lang ako Mama Ber, tapos uwi na tayo." Sam said then he kissed my forehead.

Mama Ber ang tawag niya sakin kasi nga AmBer ang pangalan ko, dinagdag niya lang ang Mama bilang pangasar.

Hinila na ni Samie si Justin na halatang hindi padin makapaniwala na hinalikan siya nung crush niya. Itong si Lulu naman ang laki ng ngisi dahil sa kalokohan niya. Haay! Buti nalang sanay na ko sakanya.

"Ibang klase ka talaga." Sabi ko pag kalapit niya.

"Kiss lang naman yun eh, dalawang balat lang yun na nagdidikit."

"Big deal kasi sakin yun."

"Tama, Ms. Never-been-kiss." She teased. I roll my eyes. Oo na! Never been kiss na ko, pasensya! Sadyang precious sakin ang kiss eh. Anong magagawa ko?

"Wag mong biruin ng ganyan si Amber, mamaya bigla nalang manghalik ng lalake yan." Pagbibiro ni Majah.

"Hay naku! Tigilan niyo kong dalawa!" I said making them laughed.

Haay! Bakit ba kasi ang tagal mag shower nila Samie eh. Yan tuloy pinagtitripan ako ng dalawang to.

Somebody please, stop them!

Di ko alam kung gaano katagal kaming nag hintay kay Samie, basta ang alam ko lang parang ang tagal dahil sa dalawa kong kaibigan na wala ng ginawa kundi alaskahin ako. Naku! Naku! Naku talaga!

"Mama Ber, sorry ang tagal namin." Sam finally showed up.

"Sa tagal mo muntik na kong umalis."

"Sornaman!" Kinuha niya yung bag ko at siya ang nagbitbit. Gawain niya yan, kahit naman hindi na kailangan pero pag pinilit ko namang kunin nagtatampo agad.

Sabay sabay na kaming umalis ng Gym. Kasama namin sa paglalakad si Justin na halatang naiilang padin sa ginawang paghalik sakanya ni Lulu. Itong kaibigan ko naman kinakantyawan niya pa. Ibang klase talaga!

Siya lang nakakagawa niyan.

Nagpaalam din naman kami sakanila para makauwi na. Nagkanya kanya na kami ng uwi, ako sumakay sa kotse ni Sam kasi plano niya kong ihatid. Ang totoo hatid at sundo niya ko kaya kahit may kotse ako di nagagamit dahil useless din sa pamumulit niyang pagsabay sakin sa pagpasok. Tsaka halos magkalapit lang kami ng bahay.

"Mama Ber, iniimbita ka pala ni Mama ng dinner sa bahay bukas. Pupunta ka ba?" Tanong niya habang nagmamaneho.

"Uh.. yah, Oo naman sige." Close ako sa pamilya niya ang totoo una talagang naging mag close ang parents namin na naging dahilan para maging mag best friend kami, kasi nung bata palang kami madalas na kaming magkasama.

"Ibaba mo nalang pala ako sa book store, bibili ako ng libro." I said.

"Samahan na kita."

"Wag na! Kaya ko na." I reassured. He pouts at me. Haay! Nagpaawa na naman. "Samie.. kaya ko na yun."

"Okay, basta itext mo ko ah." Paninigurado niya. I just nodded my head. Sa wakas! Kala ko susunod pa siya eh. Hindi sa ayaw kong kasama tong best friend ko kaya lang sa napapadalas naming pagsasama baka magkapalit na kami ng mukha. Haha!

Nakarating kami sa book store na lagi kong binibihan ng libro at itong si Samie, kinukulit na naman ako. Akala ko pa naman nagkasundo na kami. Pero buti nalang nagmatigas din ako kaya ayun waley siyang nagawa kundi pumayag sa nais ko. Haha!

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now