That Annoying BOY - 56

16.5K 614 38
                                    

Natapos ako sa pag freshen up at itong mga teammates ko kung ano anong tinatanong tungkol sa pag uusap namin ni Samie.

Actually mas nangunguna sa pag tatanong si Luisa. Sinabi ko naman sakanila na nag kaayos na kami, natuwa yung iba pero si Maj at Luisa medyo taas kilay pa siguro dahil alam nila yung kalokohang ginawa sakin ni Samie kaya ganun.

Haay! Kung yung dalawa nga taas kilay pa sa pakikipag bati ko kay Samie, yung mahal ko pa kaya?

Nang matapos akong mag bihis nag punta agad ako sa parking kung saan naghihintay ang boyfriend ko.

Nakita ko siyang nakasadal lang sa labas ng kotse niya. Nag lakad ako papalapit sakanya at niyakap agad siya.

"Namiss mo ba ko?" He asked hugging me back.

"Yup, pero.." Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at hinawakan siya sa mga kamay niya. "..masaya lang din ako ngayon."

"Bakit naman?" Tanong niya.

"Kasi nakapag usap na kami ni Samie at nagkaayos na kami." Tumitig siya sakin ng blangko yung titig na parang di siya sangayon sa pagkakaayos namin ni Samie.

"Hey, say something." I said, tightening my touched on his hands.

"Nakalimutan mo na ba yung kabastusan niya sayo?" Seryoso niyang sabi.

"Nakalimutan ko na yun at napatawad ko na siya."

"Pero ako hindi pa, nagagalit padin ako sa ginawa niya at hindi ko parin siya pinapatawad."

Haay! Mukhang mas mahirap pa to sa iniisip ko.

"Sana subukan mong magkaayos kayo, kahit para sakin nalang.. please?" Request ko. Sana pumayag siya.

"Susubukan kong wag siyang suntukin kapag nakita ko siya." Naloko na, mukhang wala ngang pagasa.

I sighed helpless. Naiintindihan ko naman kung bakit siya galit eh, kaya lang talaga nangibabaw sakin ang pagiging mag best friend namin ni Samie kaya siguro napatawad ko siya agad.

"Baby, hindi kita pipigilang makipag kaibigan ulit sa Sam na yun pero sana maintindihan mo kung bakit di ako makipag ayos sakanya. Yung ginawa niya sayo para sakin ay hindi katangap tangap, alam mo yan."

"Okay, i understand."

Niyakap niya ko. "Sorry kung di kita mapagbibigyan tungkol sa pakikipag ayos kay Sam, irequest mo na lahat wag lang yun."

"Okay." Matipid kong sabi. Hindi ko na rin naman alam kung anong sasabihin ko eh kaya okay nalang.

"Uwi na tayo?" Tanong niya.

"Sige." Bumitaw siya sa pagkakayakap at ninawakan niya ko sa kamay. Pinagbuksan niya ko ng pinto sa passenger seat tsaka ako umupo.

Sinimulan din naman agad namin ang byahe pag kasakay niya sa driving seat.

Tahimik lang kami habang nasa byahe siguro dahil sa pinagusapan namin tungkol kay Samie. Haay! Kailan kaya mag kakasundo ang best friend ko at boyfriend ko?

Tumingin ako sakanya at hinila yung sleeve ng T-shirt niya kaya tumingin siya sakin. Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi niya. "Para saan yun?" He asked chuckling.

"Wala lang pakiramdam ko lang gusto ko lang mag lambing."

"Sana lagi kang makaramdam mag lambing."

"Sira! Sige na mag focus ka na dyan sa pagmamaneho."

"Okay, pero pwedeng mag request pa ng isang kiss?" Sige na nga, pagbibigyan ko na para makafocus na siya. Haha! Hinalikan ko siya ng mabilis ulit sa labi.

"Focus now, okay?!" Utos ko.

"Yes, baby." He said with a salutes. I giggled, minsan talaga baliw tong jowa ko eh.

Nakarating kami sa bahay, invited him na pumasok muna tutal maaga pa naman. Pag pasok namin dumiretso kaming kusina kasi for sure nandun si Mama.

"Ma, nandito na po kami." Sabi ko pagkakita namin sakanya at nag luluto.

"Good evening po Tita." My boyfriend greeted.

"Good evening din hijo, tutal nandito ka na rin lang naman dito ka na mag dinner."

"Uh..Opo sige." Sagot niya.

"Sa sala lang kami, Ma." Sabi ko. Tumango lang siya bilang sagot.

Hinila ko na si Damon papunta sa sala at pinaupo ko siya sa couch. "Mag bibihis lang ako dito ka lang muna."

"Hindi ba pwedeng sa kwarto mo nalang ako mag hintay?"

I giggled. "Sige pero mag paalam ka muna kay Mama pag pumayag, payag din ako."

"Uh.. hindi na, okay na ko dito." I laughed at his words. Akala ko ipupush niya pa yun eh.

Hinalikan ko lang muna siya sa labi niya ng mabilis bago ako umakyat ng kwarto ko. Binilisan ko nalang ang kilos ko para hindi naman ma OP yung boyfriend ko sa sala. Nag suot ako ng short at medyo maluwag na T-shirt, tsaka ako lumabas ng kwarto at pinuntahan ko na siya sa sala bitbit ang cellphone ko.

Nakita kong pinaglalaruan lang niya yung cellphone niya habang hinihintay ako. Umupo agad ako sa tabi niya at isinandal yung ulo ko sa balikat niya. Tinignan ko kung anong pinagkaka busyhan niya sa cellphone and he's just playing uh.. football app. I don't know yung name ng app. Pero clinose naman niya agad yun kasi katabi na niya ko tsaka umakbay sakin at hinalikan ako sa ulo. Sweet niya nu? Hihi!

"Anong oras darating si Tito?" Tanong niya.

"Maya maya nandito na siya." Sagot ko.

"May laro kayo bukas diba? Manunuod ba si Sam?" Bigla niyang tanong kaya napaalis yung pagkakasandal ko sa balikat niya at tumingin sakanya.

"Uh.. hindi ko alam, bakit?"

"Naalala ko lang kasi bigla kung gaano mo kagusto dati na mag kaayos kami ni Sam, kaya susubukan ko na para sayo." Oh wow! Hindi pa din talaga siya nagmimintis sa biglain ako, kahit na boyfriend ko siya ang unpredictable pa din niya. And that makes me smile.

"Gagawin mo talaga yun?" Laking ngiti kong sabi.

"Basta di na niya uulitin yung ginawa niya sayo, gagawin ko yun." Bigla ko siyang niyakap dahil sa sobrang tuwa.

"Thank you, thank you baby." Hinalikan ko siya sa pisnge niya ng matagal. "Thank you."

He grins. "Happy?"

"Very!" I said giggling.

--

Keep voting babies.

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now