That Annoying BOY - 45

15.6K 500 5
                                    

We're back on Damon's Unit. Ngayon namin planong asikasuhin yung pag reredocorate since no class naman ngayon.

Tinutulungan ko siyang ilipat sa isang kwarto yung mga paintings niya ng matapos namin yun sinimulan naman namin ang paglilinis.

Siya ang nag ma'mapped ng floor while me nag pupunas ng dingding. Ngayon na din kasi darating yung mga furniture na pinili namin kahapon.

I was kinda excited kasi naman ewan, parang ang saya lang kasi mukha kaming couple na planong mag live-in kahit na hindi naman. Inaaaikaso lang namin yung secret place namin. Kaya gustuhin ko mang humingi ng tulong kela Maj at Luisa di ko na ginawa kasi ng secret lang to. Hihi.

Ilang oras lang dumating na yung mga furniture, tinulungan ni Damon yung mga nag deliver nito dito sa Unit. Nang lahat na ito ay naipasok na sa loob ang kalat na naman ng buong Unit. Buti nalang yung bed, pinasok na nila sa kwarto mismo dahil mahihirapan kami kung ako lang ang katulong ni Damon dun.

"So.. simulan na natin?" I asked with my hands are on my waist. He grins at me.

"Aren't you tired?" He asked. Now that he said that.. feeling ko tuloy napagod na ko.

Lumapit siya sakin at niyakap ako mula sa likod. "We still lots of time to finish this, do you want to eat first?" He asked then kissed my cheek.

"Nag pa deliver ka na?" I asked.

"Mmmm.hmmm!" He hummed. Humarap ako sakanya at inilagay yung mga kamay ko sa balikat niya.

"Okay, let's rest first." I said grinning. He presses his lips to mine and gives me a soft kissed.

"You look pretty, baby." He admiringly said.

"Thank you!" I mouthed. Muling tumugtog ang doorbell na dahilan para mahinto panandalian ang paglalambingan namin. Yun na siguro yung pinadeliver niyang food.

Umupo nalang muna ko sa bagong bagong couch na may naka cover pang plastic. Hmmm.. rest time.

Hinila ko muna yung maliit na lamesa para dun paglagyan yung pagkain namin. Lumapit na si Damon na bitbit yung pagkain namin at inilapag sa lamesa ang foods na pinadeliver niya. Puro kami delivery foods, dibale pag naasikaso na namin yung kusina magluluto naman siya.. yup, siya! Mas masarap siyang magluto eh.

Syempre, subuan kami.. tamis diba?

"Baby.." he called.

"Hmmm?" I hummed drinking soft drinks.

"Nakalimutan kong ipaalam sayo na gusto kang mameet ng Parents ko." Nasamid ko ang sa paginum ko sa sinabi niya. I cough, looking at him. Inabutan niya kong tissue habang nag pipigil ng tawa.

"Are you okay?" He asked.

I cleared my throat. "Bakit gusto nila ko mameet?" Gulat kong tanong.

"Uh.. dahil girlfriend kita?" Sabi ko nga eh. Bigla akong nakaramdam ng kaba, kasi naman ano parents na niya yun eh.. tapos only son lang nila tong si Damon. Magugustuhan ba nila ako para sa anak nila?

Noong kay Sam, di naman ako kinabahan kasi kilala ko na sila bago pa kami napunta noon sa ligawan. Iba to ngayon, wala akong idea kung sino sila o ugali nila. Nakakaloka!

"Tingin mo magugustuhan nila ko?"

He chuckled. "Oo naman, baby."

"Paano ka nakakasiguro?"

"Basta sure lang." Wow! Napakalaking tulong ng sinabi niyang yun.

Tinapos na namin ang pagkain at ngayon tila windang padin ako sa sinabi niya tungkol sa kagustuhan ng parents niyang mameet ako. Nakakakaba talaga, buti nalang may ginagawa kami ngayon at medyo nawala ang focus ko sa topic na yun.

Gabi na ng fully finished namin ang pag reredecorate ng Unit niya. Sa Living room, may couch and speaker and DVD player na siya at may small table din. Plain lang naman ang lahat.

Sa kusina naman, electric stove, oven, refrigerator, table and two chairs only.

Sa bedroom.. well yung bed lang na may two pillows and one blanket. Black kurtina din para kung sakaling dito siya matulog di siya maiistorbo ng liwanag mula sa bintana.

Ganito lang namin kasimple niredecorate ang Unit kasi secret place lang naman namin to kaya simple lang.

Umupo kami ni Damon sa couch ni Damon para mag pahinga. Nakahiga lang ako sa lap niya at di ko maiwasang antukin dahil sa pagod.

Naramdaman ko halik sa labi ko na dahilan para magising ako. I slowly open my eyes and i saw Damon smiling down at me.

"Wake up beautiful, ihahatid pa kita." He said softly.

"Anong oras na ba?"

"Late na, pero don't worry tumawag ako sa bahay niyo at sinabing natutulog ka kaya maya maya pa tayo makakauwi."

"Thank you."

"Welcome." Umupo na ko mula sa pagkakahiga sa hita niya. Hmmm.. ilang oras kaya ko nakatulog? Honestly tinatamad akong kumilos, talagang napagod ako sa ginawa namin mag hapon.

Pero kahit ganun kailangan pa din naming kumilos para makauwi na, rule ni Papa na kahit anong oras umuwi basta uuwi!

Akbay akbay lang ako ni Damon kaya habang nasa elevator kami isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya kasi talaga namang nakakatamad kumilos, kulang na nga lang mag pa buhat ako. Pero nakakahiya naman yun.

Tahimik lang kami habang nasa byahe, nasense niya atang pagod talaga ako kaya di na muna niya ko kinausap. Nakakabawas din ng energy ang magsalita.

Nang makarating kami sa bahay, nagpakita lang siya sandali kela Mama tsaka nag paalam na din naman agad. Dumiretso na ko sa kwarto ko para ipagpatuloy ang pagpapahinga at niyakap si baby bear ko.

That Annoying BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon