That Annoying BOY - 3

19.3K 600 13
                                    

Nag simula na kong mag hanap ng pwede kong basahin na libro. Hindi ko alam kung gaano akong katagal nakaupo sa tabi ng mga libro habang iniisip mabuti kung anong magandang basahin para mabili na.

Nang makahanap ako ng tatlong pwedeng mabasa, dumiretso na ko sa counter para mag bayad.. pero biglang may umakbay sakin na ikinagulat ko. Ang una kong naramdaman ay takot. Tinignan ko kung sino yun at hindi na takot ang naramdaman ko kundi inis.. si Damon Lawrence ang baliw kong classmate/seatmate ang nakaakbay sakin habang nakangiti pang nakakaloko sakin.

"Baby, buti naman may napili ka na." Sabi niya na ikinairita ko lang lalo. Anong bang problema ng mokong na to? Pati ba naman dito sa book store guguluhin niya ko? May pa baby baby pa siyang nalalaman, mukha niya!

Inilapit niya yung mukha niya sa tenga ko. "Makisama ka muna." Bulong niya. Ngumiti ulit siya sakin tsaka kinuha yung tatlong librong napili ko at inabot sa cashier tsaka siya ang nagbayad.

Ano bang nangyayari sakanya?

Pagkabayad namin hinawakan niya yung kamay ko palabas at dali daling lumabas ng store tsaka hinila ako palakad palayo ng store..

"Saan ba tayo pupunta? Ano ba kasing problema?" Irita kong tanong.

"Makisama ka muna, ngayon lang to!" Sabi niya habang hila hila ang kamay ko.

Pinilit kong hilain yung kamay ko kaya napabitaw siya sakin. "Baby wag ka na magalit." Sabi niya sabay yakap sakin. Ano bang pinagsasasabi nito? Tsaka ano ba tong ginagawa niya? Nababaliw na ata siya. "Makisama ka na muna kasi!" Bulong niya. He sounded desperate. Unti unti siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin tsaka hinalikan ako sa noo na ikinagulat ko, kaya natulak ko siya at umatras ng dalawang hakbang sakanya.

Pati ba naman paghalik kasama sa kabaliwan niyang kinikilos ngayon? Malala na to.

I open my mouth to say something pero hinila niya ulit ako kaya di na ko nakapag salita pa. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Damon, so ibig sabihin nun patuloy lang siya sa pagkaladkad sakin. Nakakairita na talaga pero di ko naman siya magawang sawayin dahil mukhang despirado siya sa kung ano mang dahilan kung bat niya ko tinatawag na baby at may pahawak pang kamay na nalalaman. Sasabihin din niya siguro yun mamaya.

Sa pagpapatuloy niyang pag hila sakin napahinto ako sa paglalakad dahil nakita ko kung saan niya gustong pumasok, sa isang Hotel!! What the fuck!! Seriously??

"Hoy, anong sa tingin-" di ko natapos ang sasabihin ko dahil hinila niya na naman ako. "Damon!!" I almost yelled.

Humarap siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Wala akong gagawin, sumama ka lang." Laking ngiti niyang sabi na halatang inaarte lang ang ngiti dahil di naman tugma sa ngiti niya yung sinasabi niya.

"Ano ba kasing nangyayari?" Tanong ko.

"Sasabihin ko sayo pag naka check in na tayo." Nag patuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa receptionist.

Pambihira naman ano bang ginagawa ko dito? Ano ba kasi talagang nangyayari? Dapat pala nagpasama nalang talaga ako kay Samie, edi sana wala ako dito ngayon at di ko kasama sa kabaliwan niya ngayon si Damon.

"One room for us." Sabi ni Damon kay Ateng Receptionist. Bigla akong nakaramdam ng ilang at hiya kasi naman, mag checheck in ako sa hotel kasama ang lalake. Sinong di mahihiya dun?

"May I.d po ba kayo Sir?" Tanong nung receptionist. Gusto atang malaman kung minor pa kami. Haay! Sana nga minor pa kami para di kami patuluyin pero hindi eh. Pareho kaming twenty years old.

Nag pakita si Damon ng i.d tsaka naman tumingin sakin yung receptionist siguro i.d ko naman ang gusto niyang makita. Kaya kahit labag sa loob ko pinakita ko sakanya yung i.d ko.

Nang makita niya ang mga i.d namin at masiguradong di kami minor.. ayun pinayagan kaming mag check in. Tsaka naman nag madali si Damon na hilain ako papunta sa kwartong tutuluyan namin.

Haay! Feeling ko kaladkarin ako dahil napapayag niya ko dito. Pambihira talaga.

Pagkasakay namin ng elevator tsaka niya binatawan ang kamay ko na tila nakahinga ng maluwag.

"Pwede mo na bang sabihin kung anong nangyayari?" Tanong ko.

"May stalker kasi ako."

I roll my eyes. Tingin ba niya paniniwalaan ko yung sinasabi niya? "Damon, yung seryoso naman!" Nakakairita na!

"Seryoso ako!" Tumingin siya sa mga mata ko para iconvince ako. Mukhang seryoso talaga siya.

"Kung meron nga, anong papel ko dito?"

"Para layuan niya ko. Pag may nakita siyang may kasama akong babae at dinala sa Hotel malamang baka tigilan na niya ko."

"Bakit ako pa?"

"Dahil ikaw ang nakita ko nung mapansin kong inistalk na naman niya ko." Gwapo niya ah! May stalker pa talagang nalalaman. Kung sabagay gwapo naman talaga siya, annoying lang talaga at napakayabang pa.

"So hanggang anong oras tayo dito? Di naman pwedeng over night dahil baka mag freak out ang parents ko."

"No worries Tuazon, two hours lang tayo dito." Balik Tuazon na, hindi na baby. Siguro dahil wala naman ng stalker sa paligid.

Nag bukas ang elevator at yung kaninang pag hawak ni Damon sa kamay ko ay tuluyan ng natigil, ewan ko nalang kung masundan pa siya ng stalker niya dito.. kung may stalker nga talaga siya.

Pag pasok namin ng kwarto, humiga agad siya sa kama at ginamit niyang unan yung dalawang kamay niya.

"Talaga bang kailangan pa nating mag stay dito?" Tanong ko, tsaka umupo sa nagiisang upuan sa kwarto. Ayaw ko naman umupo sa kama kasama siya, mamaya kung ano pang gawin niya lalake pa din siya at babae ako baka madala siya. Mahirap na!

"Para kapanipaniwala." Pumisiyon siya ng patagilid sa pag higa. "Gisingin mo ko pag two hours na."

Ayos to ah! Hinatak na nga lang niya ko dito uutusan pa niya ko? Batukan ko kaya to?

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now