That Annoying BOY - 9

16.6K 583 3
                                    

Gusto niya bang mag kasakit kaya kahit umuulan naglalaro siya? Wala pang damit pangitaas. Ano na naman kayang pumasok sa isip nito? Naisip ko lang.. bakit ko pa iniisip kung anong iniisip niya? Dapat wala aking pakialam dun ah.

Naglakad ako papalapit sakanya, hindi padin niya ko napapansin kaya tinawag ko na siya. "Damon!"

Tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti ng makita ako, tsaka tumakbo papalapit sakin. Hindi ko maiwasang mailang kasi naman topless siya at okay sige aaminin, ang hot niya. "Akala ko di ka na darating eh." Sabi niya pagkalapit niya.

"Akala ko din." Pinayungan ko siya kahit useless na kasi basang basa na siya. "Bakit naglalaro ka pa eh, umuulan naman."

"Masarap maligo pag umuulan, sinabayan ko lang ng paglalaro." He said smirking. Inagaw niya payong ko tsaka tumakbo palayo kaya nabasa ako ng ulan.

"Daaaamon!!" I screamed. Tumakbo ako palapit sakanya para bawiin yung payong ko kaya mas lalo akong nabasa. Huminto siya sa pagtakbo at humarap sakin ng nakangiting nakakaloko.

"Give me back my umbrella!" Utos ko.

"Too late for that baby, you're already wet." I roll my eyes on him. Inagawa ko padin yung payong ko. Sabi ko na nga ba eh, iinisin lang ako ng mokong na to. Tinalikuran ko nalang siya.
"Amber!" He called.

"What??" I face him, frustratingly.

"Gusto mong gamitin yung jersey ko?" He asked.

"Why?" I asked confused. Tumingin siya pababa sa katawan ko. I look down at myself, dahil sa kabasaan ko nakikita na yung bra ko. Dali dali kong tinakpan ng payong yung katawan ko.

"Pervert!!" I yelled at him.

"Baby, ang pervert hihipuan ka. Ginawa ko na ba yun?" He jokes.

"Ha.ha.ha. very funny!" I sarcastically said. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa wrist tsaka hinila papunta siguro sa gamit niya. Kinuha niya yung bag niya at inabot niya yung jersey niya.

"Suotin mo." Utos niya. Kahit di niya sabihin gagawin ko talaga. Ayokong tignan niya ko ng parang manyak. "Gusto mo bang turuan kitang maglaro ng football?" Tanong niya.

"Yun ba ang dahilan kung bakit mo ko pinapunta dito?"

"Oo sana."

"Damon, kaya nga ko nasa Volleyball Team dahil ang braso at kamay ko ang may control hindi mga paa ko."

"Kaya nga kita tuturuan eh." Hinila niya na naman ako sa papunta field, tsaka pinakitaan ako ng trick sa football. Pinaglalaruan niya yung bola sa paa, hita at ulo niya. Edi siya na football player.

"Ayos lang bang pumwesto ka sa goal?" Tanong niya. Ano na naman kayang pinaplano nito? Dahil ayaw kong mag aksaya ng laway sumunod nalang ako at tumayo sa gitna ng goal.

Ano na ngayon?

Inalapag niya sa grass ang bola tsaka ngumiti ng nakakaloko sakin ang mokong. Sinipa niya ang bola papalapit sakin kaya napaupo ako sa gulat at hinarang ang ulo ko ng mga kamay ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa ginawa ng mokong na yun.

I glared at him, he's laughing hard at me.

"Baby, wala akong planong patamaan ka kaya bakit ka umiilag?" Tawang tawa niyang sabi.

"Tingin mo nakakatawa yun ha?!!"

"Sorry, sorry!" He said laughing. Lumapit siya sakin at halos manakit na yung tyan niya kakatawa. Pagkalapit na pagkalapit niya, binatukan ko siya sa likod ng ulo niya.

"Aww!" He mouthed.

"Sa susunod na ulitin mo yun humanda ka sakin!" I warned. Mas lalo lang lumakas yung tawa niya at sinabayan din siya ng malakas na pagulan kaya nawala sandali ang isip ko sa pagtawa niya.

I look up at the sky, the rain dropping into my face. Hmm. He's right, masarap maligo sa ulan. Naalala ko yung huling beses kong nagawa to, kasama ko pa noon si Samie. Bigla ko tuloy na miss yung best friend ko.

I caught Damon is staring at me, umiwas din naman agad siya nung mapansin ko yun. Umupo siya sa grass kaya tinabihan ko siya.

"Di ka ba nilalamig?" Tanong ko. Paano kasi topless padin siya, ako ngang doble na ang damit medyo nakakaramdam na ng lamig pero sakto lang.

"Hindi pa naman, gusto mo ba kong painitin?" Pilyo niyang sabi na dahilan para sikuhin ko siya sa braso. He just chuckled.

"No signs of your stalker?" I asked again.

"No!" I look at him, nakatingin lang siya sa malayo na tila may iniisip kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan siya. Ang kinis ng mukha niya, walang bahid ng pimples or pores, ang tangos din ng ilong niya, i wonder kung anong ginagawa niya sa labi niya kung bakit tila mamulamula. Tama nga sila, gwapo si Damon.

I shake my head trying to erase my thought. Ano ba tong iniisip ko? Hindi ako makapaniwalang pinagmamasdan ko siya ng ganun.

"You, okay?" He asked, confused.

"Yah!"

"Nakapag usap na ulit kayo nung best friend mo?" Tanong niya. I shake my head. He wasn't even calling me or texting me, i wonder why! "Gusto mo bang kausapin ko siya para sayo?" He asked smirking.

"No thanks, baka lalo lang kayong mag away."

"You're right. Hes was so mad at me, it's like he wants me dead." Natatawa niyang sabi. Natatawa pa siya sa ganun? Pambihira talaga.

He stands and offer his hands on me. "Alis na tayo, malamig na eh." Bago ko abutin yung kamay niya di ko naiwasang tignan siya sa katawan niya, kanina pa siya topless pero ngayon ko lang napagmasdan. Ang perfect ng katawan niya, siguro dahil sa sporty siya kaya pati katawan niya nabubuilt. I noticed na meron siyang scar malapit sa tagiliran niya.

"Enjoying the view?" He asked smirking, widely.

I feel my cheeks heat up, i think im blushing. Nakakahiyang nakita pa niya kong nakatingin sa abs niya. I cleared my throat. "What happen to that scar?" I ask trying to avoid his smirks.

Unti unting nawalan sa labi niya ang ngisi at biglang sumeryoso. "Wala lang yan." Mahina niyang sabi. Hmm.. mukhang ayaw niyang pagusapan edi pagbigyan.

Inabot ko yung kamay niya at tinulungan niya kong tumayo. Bitbit ang bola niya, hawak hawak din niya ang kamay ko habang naglalakad papunta sa mga gamit niya. Tsaka siya may kinuha sa bag niyang tuwalya at inabot sakin.

"Punasan mo buhok mo, baka magkasakit ka." He sounded concerned. Akalain mo marunong palang magaalala tong mokong na to.

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now