That Annoying BOY - 27

15.1K 494 4
                                    

On the way na ko papunta sa Mall kasi ang kaibigan kong si Luisa nagyayang gumala. I wonder kung niyaya din niya si Maj.

Sakto din ang yaya niya sakin kasi pag nagstay ako sa bahay maaalala ko lang si Damon. Ngayon pa nga lang naaalala ko na eh.

Hindi, bura bura dapat tangalin siya sa isip ko, magpapakasaya ako ngayong araw.

Tinext ko na din si Samie tungkol sa plano naming to para di na siya bumisita mamaya sa bahay.

Nang finally marating ko ang Mall, hinanap ko na si Luisa at sakto namang nakita ko siya sa entrance.
"Bat ba ang tagal mo? Kanina pa nila tayo hinihintay." Nila?? Sinong nila?

Bago pa ko makapagtanong kay Luisa kung sino yung naghihintay samin hinila na niya ko hanggang sa nakarating kami sa Arcade. Then dun ko nakita si Lucas kasama ang lalakeng gusto kong mabura ngayong araw sa isip ko.. si Damon.

What the hell??

"Anong ginagawa nila dito?" Pagtataka ko kay Luisa.

"Sila ang date natin."

"What??" I almost yelled. "Bakit di sinabing date pala to?"

"Eh binaba mo na agad yung tawag ko kagabi eh." Pambihira!

"Hi, Sweetie." Lucas greeted his girlfriend. Then kissed her on her lips, umiwas na ko ng tingin kasi naman nakakailang katabi ko lang kaya si Luisa.

Lumapit sakin si Damon ng hindi inaalis ang tingin sakin at ngiti sa labi.

"Hi." He greeted.

"Hi." I greeted back.

"Oh tara na, simulan na natin tong double date." Excited na sabi ni Luisa. Haay bakit kailangan oa niyang iemphasize ang salitang double pwede naman hindi nalang niya sabihin.

Nag simula na silang maglakad ng magkaholding hands pa. Oo na! Kayo na mag jowa! Sinundan ko nalang sila at ganun din si Damon.

Hmm.. i wonder kung ginulo pa din siya ni Lexi.

"How's your stalker Lexi?" I asked.

"I don't know and i don't care." He answered. I chuckled. Bitter ang peg?

Naramdaman ko ang unti unting paghawak ni Damon sa kamay ko kaya medyo nailang ako, sinubukan kong hilain yung kamay ko pero di siya bumitaw. Sana lang di to makita nila Luisa dahil paniguradong aasarin na naman ako nun.

Nakasunod lang kami sa mag jowa ng magkaholding hands nung aakmang haharap samin sila Luisa at Lucas biglang binitawan ni Damon yung kamay ko kaya tila ako nakaramdam ng pagkadismaya dahil sa pag bitiw niya sa kamay ko. Pero nawala din naman agad yun nung maramdaman kong may hawak ako sa kamay ko na tila magaspang at tila bakal. Tinignan ko to at laking pagtataka kung paano nagkaroon ng silver necklace sa kamay ko na may pendant na bola.

I look at Damon, nakatitig lang din siya sakin at tila binabalanse kung magugustuhan ko o hindi yung kwintas. Inilagay niya kaya to sa kamay ko kanina nung magkaholding hands kami?

"Anong gusto niyong laruin?" Lucas asked.

"Kayo bahala." Sagot ni Damon sakanila.

"Basketball nalang, dito kita natatalo eh." Pagmamalaki niya kay Damon.

"Pare football ang sports natin kaya malamang talo mo ko dyan!"

"Hindi ka marunong mag shoot ng bola?" Pagsisingit ko sa usapan nila.

"Bakit marunong ka?" Damon asked.

"Subukan mo pa!" Kompyansa kong sabi. Para san pa't may best friend akong Basketball player kung di ako marunong mag shoot.

"Di na matalo ka pa!" Pagmamayabang niya.

"Alam mo ang mga talunan maraming dahilan."

"Okay, sige. Pustahan tayo?" Punong puno ng kompyansa niyang sabi.

"Game, pag nanalo ako ililibre mo ko, fries."

"Eh pag ako ang nanalo?" He asked smirking.

"Choice mo."

He smirked widely. May pinaplano ba to? Well sorry nalang siya dahil mapupurnada ang plano niya. "Okay."

I smirked back. "Okay." Ibinulsa ko muna yung necklace para masimulan na siyang talunin. Kompyansa akong mananalo dahil ang huling score ko sa game na to ay 50 points. Ha! Ihanda na niya ang pang fries niya sakin.

Pinauna ko na siya kasi naman matatalo din naman siya. Sa pagsisimula niyang nag shoot sa simula palang sablay na siya kaya ang naging score niya 15 points.

"Pss.. yan lang? Ihanda mo na yung fries ko." Kompyansa kong sabi.

"Naku Damon, talo ka na." Luisa said. Alam din kasi niyang magaling ako dito eh.

"Show me first." Damon said. Sabi mo eh.

Sinimulan ko na ang pag shoot ng bola simula palang pasok na lahat.. Ha! Thanks to Samie, kaya ang naging score ko ay 41. Not bad!

"My fries??" Laking ngiti kong sabi kay Damon.

He sighed showing of his giving up. "Oo na! Sumunod ka!" I nodded my head, grinning like an idiot.

"Kakain lang ako ng fries." Sabi ko kay Luisa at tumango lang siya.

Nakapila kami na kami ngayon ni Damon sa counter para umoder ng fries. Excited na ko kasi makakakain na naman ako ng fries, libre pa. Halata parin sa mukha ni Damon ang badtrip dahil natalo ko siya.

"Alam mo dapat marunong kang tumangap ng pagkatalo." Pangaasar ko.

"Hindi naman yun ang kinaiinis ko."

"Ano yun?"

"Hindi ko kasi makukuha yung prize ko dahil natalo mo ko."

"Eh ano ba kasi yun?" Tumingin siya sakin at biglang sumeryoso yung mukha.

"Makasama ka sa birthday mo." I blink at him. Yun ang kapalit pag natalo ako? Ang makasama ako sa birthday ko? "May plano ka na ba nun?" Tanong niya.

"Wala pa."

"Pwede ka bang pumunta sa bahay? Magluluto ako para sa birthday mo." Nahihiya niyang sabi. Oh my GOD! Gagawin niya yun?

I cleared my throat. "Nagluluto ka?"

"Oo, marunong naman akong magluto nu."

"Uh.. sure."

Tumingin siya sakin at tila na excite sa sinabi ko. "Ta'talaga?" Laking ngiti niyang sabi. Hindi ko alam kung bat ako pumayag. I nodded my head.

"Anong oras ba?" Sana wag naman uber sa late.

"Ikaw ang bahala."

"Uh.. how about 5pm? Para makauwi na ko ng 9pm."

"Okay, yun nalang." Sobrang laki ng ngiti niya kaya di ko maiwasang mahawa. So it turned out na may plano na ko sa birthday ko yun eh ang pumunta sa bahay nila para ipagluto niya.

That Annoying BOYWo Geschichten leben. Entdecke jetzt