That Annoying BOY - 36

15.1K 478 31
                                    

"So bakit dito sa field mo ko pinapunta?" I asked to open up a topic. Ang tahimik niya kasi eh habang nakatingin lang siya sa kawalan.

"Para alam mo kung saan hahanapin ang pinaka gwapong lalake sa school." Sinubukan niyang magpatawa pero halata padin sakanya yung ewan.. takot dun sa panaginip niya.

"Ang hangin ah!" I said laughing, softly. He grins. Pinaglapat niya yung kamay namin na parang isang couple.

"Gusto mo bang malaman kung bakit ako natutulog bago ang klase?" Seryoso niyang tanong.

"Mmm.. dahil parin ba to sa pagiging vampire mo?" I joke, making him laughed.

"No baby, katotohanan ang sasabihin ko sayo."

"Okaay, anong dahilan?" Itinaas niya yung T-shirt niya at ipinakita yung abs niya. Oo na hot ka na, anong kinalaman niyan sa pagtulog niya bago ang klase?

"Naalala mo to?" He said pointing his scar sa tagiliran niya. Oh! Yun ba yung pinapakita niya? Akala ko yung abs. Haaay! Umayos ka nga Amber, mag focus ka sa kwento niya.

"Oo."

"Nabaril ako nung bata ako. Yan ang patunay." Oh my GOD! I blink at him shockingly. "Tumakas ako noon mula sa mga kidnapper ko kaya binaril nila ko, pero dahil masyado daw akong malakas kaya nabuhay ako."

"Paano kang nakidnap?" Gulat kong tanong.

"Natutulog ako noon mag isa sa kwarto ko ng bigla akong magising at tinatakpan ang labi ko para hindi ako magingay, isang katiwala sa bahay ang master mind ng pagkidnap sakin.." Naalala kong sinabi niyang may issue sila sa mga household, ang pagkidnap pala sakanya ang dahilan.

"Dinala nila ko sa di ko alam na lugar at tinakot na pag hindi nag bigay ng pera ang mga magulang ko, papatayin nila ko. Nagmakaawa ako sakanila dahil sa takot pero pinagtatawanan lang nila ko at sinisipa, hanggang sa mapagod ako kakaiyak. Nung araw na malapit ng ibigay ang ransom para sakin, nakahanap naman ako ng paraan para makatakas at yun nga nabaril ako na halos ikamatay ko."

"Simula ng mangyari sakin yun, lagi ko na napapanaginipan yung nangyari sakin kaya nahihirapan akong matulog at natatakot akong matulog mag isa.. natatakot akong baka sa gitna ulit ng pagtulog ko, may kukuha sakin at kikidnapin ako."

"Natatakot kang matulog mag isa?" Tumango siya.

"Mas komportble akong may kasama." Mas komportable siyang may kasama? Kaya sa classroom siya natutulog dahil madami siyang kasama.

"Alam ba ng mga magulang mo yan?" He shakes his head. "Bakit hindi mo ipaalam?"

"Dahil alam kong ayaw din nilang bangitin ang nangyari sakin noon dahil baka makaapekto sakin.. kaya mas naisip kong hindi nalang din sabihin."

"Pero nahihirapan ka."

"Nakasanayan ko na din. Pag di ako makatulog nagaaral ako, hanggang sa antukin ako at pag bigla akong magising at mahirapan na namang matulog magaaral nalang ulit ako. Ganun ginagawa ko gabi gabi."

Bigla ko siyang niyakap ko ng mahigpit. Hindi ako makapaniwalang may malalim palang dahilan ang pagtulog niya sa classroom, akala ko dahil ang antukin niya lang talaga. Sinong magaakalang may pinagdaanan siyang ganun? May mga nilalang talagang walang puso para magawa nilang manakit ng bata.

"Sabihin mo lang sakin pag inaantok ka, sasamahan kitang matulog." Bulong ko.

He chuckled. "Kahit gabi?" Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at tumingin sa mga mata niya.

"Mahihirapan tayo dyan pero, susubukan ko." He looked at my lips, smiling weakly. I'm mirroring his action. Unti unti niyang inilapit ang labi niya para halikan ako, i didn't hesitate to response. Kanina pa siya tempting halikan so sino ako para di ibalik yun?

"Thank you for listening, baby." He said after the kissed.

"Welcome, thank you for telling that to me."

He grins. "Uwi na tayo o date muna?"

"Date? Mag gagabi na nu!" I said chuckling.

"Kakain lang tayo."

"Hmm.. speaking of kain, namiss ko ang masarap mong luto." It's true, ang sarap niyang magluto. Nakakahiya dahil mas masarap siyang magluto sakin, di naman kasi ako palatambay sa kusina eh.

"Gusto mo bang ipagluto ulit kita?"

"Hmm.. baka maspoiled naman ako niyan sa pagkain."

"Gusto nga kitang maspoiled eh." Paglalambing niya. Hinalikan niya yung kamay kong hawak niya.

I chuckled. "Oo na, tama na ang paglalambing kasi di tayo mabubusog niyan."

Nag simula na kaming maglakad ng campus ng hindi magkahawak ng kamay, gustuhin ko mang hawakan kamay niya hindi pa pwede dahil baka masaktan si Samie. Kailangan ko na talaga siyang makausap, kaso umiiwas naman siya kaya paano ko magagawa yun?

Sumakay kami sa kanya kanya naming kotse at pumunta sa isang fast food chain. Para alam na, kumain ng fries.. alam na din ni Damon ang kahinaan ko. Haha!

Halos sabay lang kaming nakarating sa fast food chain kasi sinasabayan niya lang ng bilis ang pagpapatakbo ng kotse ko. Ako ang unang bumaba ng kotse at hinintay siya bago kami pumasok ng fast food chain.

At dahil wala na kami sa school, free na niyang nahawakan ang kamay ko tsaka kami sabay na pumasok. "Fries?" Damon asked. Tumango ako.

"Hahanap na ko ng mauupuan." I said. He just nods, smiling lovely at me.

Pumwesto ako sa di kalayuan, para makita niya agad ako. Hmm.. nakakapanibago dahil si Samie o mga kaibigan ko ang laging kasama kong kumain dito pero ngayon ang lalaking nakakapagpawindang na ng mundo at mga paro paro sa tyan ko. I don't know what to feel, i was just enjoying this.

Gusto ko tong mangyari araw araw kasama siya.

Lumingon si Damon habang nakapila sa counter para siguro hanapin ako kung saan nakaupo. He smiled as he see me. Diyos ko Lord, ang gwapo niya. I just smiled back at him.

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now