That Annoying BOY - 24

15.3K 479 25
                                    

Naghintay si Samie haggang sa matapos ang practice namin. Sobrang haba ng pasensya niya sa paghihintay dahil inabot kami ng gabi kakapractice lang.

Siya na ata ang pinaka pasensyosong manliligaw. Ako kasi mainipin eh, yan siguro ang kinabibiliban ko sa best friend kong yun, matyaga.

"Amber, malapit na birthday mo ah.. may plano ka ba?" Luisa asked. Haay, pinaalala pa niya.

"No, alam niyo naman ako eh. Walang hilig sa party."

"Sayang naman!" Maj said.

"Ganun talaga." I force a smile. Sinarado ko na yung locker ko. "Mauna na ko ah, kasi naman hinihintay na ko ni Samie."

"Speaking of Samie, bakit di mo pa siya sinasagot?" Maj asked.

"I'm still enjoying him as my manliligaw." I lied. Hindi ko din kasi alam kung bakit, basta masaya pa ko sa ganitong setup namin. Naisip ko lang, si Samie kaya ganun din?

"Kasi nga ang magkakatuluyan ay ang AMBON." Pagsisingit ni Luisa. Yaan na naman na siya sa Ambon, Ambon na yan. Kaloka!

"Lulu baka nakakalimutan mo, ang pangbato mong si Damon may kadate na Lexi." Pagpapaalala ni Maj.

"Well.. maybe hindi pa sa ngayon, pero soon.. i know AMBON padin sa huli."

"Mauna na ko!" Pagpapaalam ko at di na pinansin pa ang mga sinasabi nila.

Pinuntahan ko na si Samie na patiently naghihintay sakin. "Samie, uwi na tayo."

"Haay, salamat. Nagugutom na ko eh." He pouts at me.

I laughed softly. "Okay, sige kain muna tayo."

"Talaga?" Excited niyang sabi.

"Oo na! Wag ng pahalatang excited." I joke. He grins at me.

Sumakay na kami sa kotse niya at sinimulan ang ang byahe papunta sa fast food chain kasi naman mahilig ako sa fries eh at alam niya yun.

Siya na ang nag order ng makakain namin kahit di ko na sabihin kung ano yung gusto ko alam na niya yun. Kaya naghanap nalang ako ng uupuan namin.

"Amber.." a girl i don't know, called. I face her. Paano niya ko nakilala? "Ikaw yung Volleyball player ng Ashton University diba?" She asked. I nodded my head.

"Ohmygod, alam mo bang fan ako ng Volleyball at lagi kong napapanuod ang laro niyo, pwede ba kong mag papicture?" Ohh!!

"Uh.. yah, sure." Kinuha niya yung cellphone niya at kumuha ng litrato ko kasama siya.

"Salamat."

"Welcome!" I smile, nicely at her. Naglakad na siya papunta siguro sa table niya.

"What was that?" Samie asked, smiling.

"I think may fan na ko." I said giggling.

He chuckled. "Good for you."

"I know right." Umupo na siya sa table then di ko maiwasang kuminang yung mga mata ko ng makita ko ang fries na paborito ko.

"Wag pahalatang excited Mama Ber." Samie teased.

"I can't." Sinimulan ko ng kainin yung fries na inorder niya para sakin. This is so, yummy.

"Mama Ber.." Samie called.

"Hmmm??" I asked chewing.

"Uh.. pwede ba kong magtanong?" He seriously said. Nilunok ko lang yung kinakain ko tsaka nagtanong ulit.

"Ano yun?"

Huminga siya ng malalim. "Gusto ko sanang malaman kung.. payag ka ng maging girlfriend ko?" Napatitig lang ako sakanya dahil sa tanong niya, parang yung paligid namin biglang nawala at kami nalang ang tao sa mundo.

Hindi ako makapaniwalang itatanong na niya yan, hindi ako handa. I mean.. i don't think handa na kong sagutin yun.

Umayos ako sa pagkakaupo at huminga ng malalim. "I want to be honest Samie, im not ready yet. Uhm, kasi-"

"Ayos lang don't explain. Sinubukan ko lang naman eh." He forces a smile.

"I'm sorry."

"Don't be, i think masyado ko ding minadali. Alam kong nagaadjust ka pa sa sitwasyon natin ngayon. Kilala mo naman ako eh, matyaga ako maghintay kaya kahit matagalan kang maging handa ayos lang dahil mahal kita at hindi magbabago yun."

"You're very understanding."

"It's because i love you." And i to him.. as a best friend. I just smile, silently praying na sana maramdaman ko din sakanya yung nararamdaman niya para sakin. I don't want to hurt him.

Natapos ang pagkain namin at hinatid na niya ko hanggang bahay, tahimik lang kami habang nasa byahe siguro dahil sa pinagusapan namin.

"Salamat sa pag hatid, as always you're my savior." I said kissing his cheek. "Night."

"Night." He simply said. Bumaba na ko ng kotse niya at dumiretso sa pagpasok ng bahay ng hindi na siya nilingon. Baka kasi makita ko lang kung gaano siya nahihirapan sa di ko parin pag sagot sakanya.

"Sweetheart, kumain ka na?" Mom asked. Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisnge.

"Yes Ma, kumain kami ni Samie bago umuwi."

"Hmm.. ano ng nangyayari sa ligawan niyo ni Samuel?"

"Uh.. still there, sige po papahinga na ko." Pagiiwas ko. Hinalikan ko ulit siya sa pisnge niya at tumakbo na papuntang kwarto ko.

Pagpasok na pag pasok ko ng kwarto ko, ibinagsak ko yung katawan ko sa kama ko. Hmm.. di ko maiwasang maisip si Samie dahil sa biglaan niyang tanong kung pwede niya na kong maging girlfriend.

Kailan kaya ako magiging ready para maging kami? Magiging ready ba ko? Haay!

Narinig ko mula sa bag ang cellphone ko na may nagtext. Kaya kinuha ko yun at binasa ang text na nagmula sa annoying na lalake..

*** Nakakauwi ka na? *** Damon texted.

*** Yah. *** Matipid kong reply. Bakit kaya niya tinatanong kung bakit nakauwi na ko?

*** Okay, goodnight. *** Yun na yun?

*** Why are you asking? ***

*** Because, i care. *** he cares? oh my god. Talaga bang tinext niya yun? I read it many times.. yah, he really do texted me that.

*** Aren't you busy with your date? ***

*** Kakauwi ko lang galing sa date, why? Are you jealous? *** Tsss.. may pa care care pa siyang nalalaman eh kagagaling lang naman niya sa date.

*** Jealous?? Me?? Asa ka boy!! ***

*** Ayos lang umamin. ***

*** HINDI NGA!! ***

*** Nagseselos ka nga. 😊 ***

*** Whatever! Goodnight! ***

Me jealous with that girl?? C'mon, she's pretty yes.. but im prettier than her.

That Annoying BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon