That Annoying BOY - 25

15.6K 483 21
                                    

Nagreready na ko sa para sa pagpasok sa school ng biglang kumatok si Mama mula sa labas ng kwarto ko.

"Sweetheart nandyan na si Samuel." Mom yelled.

"Coming." I yelled back. Ang aga talaga niya lagi, kung sabagay alam niyang ayaw ko yung mabilis na takbo ng kotse kaya maaga siyang pumupunta para kahit mabagal ang takbo hindi kami malalate.

Lumabas na ko ng kwarto ko at nagpaalam na kay Mama na papasok na ko tsaka namin sinimulan ni Samie ang byahe papunta school.

"Wala ka parin bang plano sa birthday mo?" Samie asked. Araw araw nalang tinatanong nila yan. Isa lang naman ang lagi kong sagot.

"Wala."

"Bakit naman?"

"Gastos lang yun."

"I'm sure hahandaan ka nila Tita."

"No, i told them not to. Sabi ko cash nalang." I said laughing. He grins at me. Finally tingin ko ang usapan namin kagabi na dahilan ng awkwardness ay medyo nawala salamat naman.

Narating namin ang school at dumiretso kami sa parking. Pagbaba ko palang ng kotse ni Samie, nakita ko agad si Damon at sinalubong siya nung Lexi. Inangkla nung babae yung kamay sa braso ni Damon at sabay silang naglakad ng campus.

Naginit yung ulo ko dahil ang aga nilang maglandian, pinangangalandakan pa talaga sa buong school. Edi kayo nasa dating stage!! Para namang may pakialam ako!

"Mama Ber, tara na?" Samie asked, offering his hand. Inabot ko yun at magkahawak kamay kaming naglakad ng campus.

Nag hiwalay lang kami dahil nagkanya kanya na kaming punta ng classroom.

Pag pasok ko ng room nandun na si Damon at natural.. nagtutulog tulugan. Hindi na ko nagabalang batiin siya o gisingin manlang basta wala akong pakialam kung natutulog siya. Buhay naman niya yan.

"Mmm.. Amber, Hi." He greeted. Hindi ko siya pinansin. "Hey.. i said, Hi." So?? Paninindigan kong hindi siya papansin. "Amber!" He called again. Di ko alam kung bakit pa niya ko kinakausap eh may Lexi naman na siya. I heard him sighed.

"May nagawa ba ko?" He asked. Tumingin ako sakanya pero di parin ako nagsalita. Ano nga bang nagawa niya at naiinis ako sakanya? Teka.. di nga kaya talagang nagseselos ako? Nagkaganito lang naman ako nung nakita ko silang naglalambingan. Pambihira!

"Wala lang ako sa mood." I answered.

"So, hindi ka galit sakin?"

"Bakit naman ako magagalit?"

"Dahil kinulit kita sa text kagabi." Hindi ako sumagot. Ano bang nangyayari sakin?

"Amber yung tungkol samin ni Lexi.." he speaks making me look at him again. Bakit binabangit niya sa harap ko yung babaeng yun? "She's just nothing."

"Nothing?? Damon you're dating her. Tapos sinasabi mong nothing lang siya? Di ka ba naaawa sakanya?" Okay, inis ako sa girl na yun sa di ko malamang dahilan pero hindi niya deserve ang ganito. Nagdidate sila pero wala lang sakanya?

"Awa?? Eh hindi naman siya naawang iblackmail ako eh. Bat ako maawa?"

"W'what??" Nauutal kong tanong.

"Yung Lexi na yun ang stalker ko." OhmyGOD! "She saw us kissing nung birthday ko at may pictures niya tayo. Ikakalat niya daw yun sa Facebook page ng school pag hindi ako nakipag date sakanya."

That BITCH!! Naawa awa pa ko sakanya tapos binablackmail lang pala niya si Damon at to think na siya pala ang stalker ni Damon na may posibilidad din na siya ang nagkalat ng pictures namin na pumasok sa hotel.

Wala sa itsura ng bruhang yun na magiging stalker.

"Bakit ka pumayag na iblackmail ng bruhang yun?"

"Ayokong pagtsismisan ka na naman ng mga schoolmates natin, kaya pumayag ako."

"Hanggang kailan ka makikipag date sakanya?"

"Hangga't magsawa daw siya." Langya! "Hangga't na sakanya yung pictures hindi niya ko titigilan." Hangga't nasa kanya yung pictures?

"So.. pag wala na sakanya yun? Titigil na siya?"

"Maybe."

"Edi kukunin natin yung pictures." laking ngiti kong sabi.

"How? Laging niyang bitbit yung camera niya."

"Lets just use your charm to her."

"Ha?" He asked, confused.

"I have a plan. All you have to do is to act. Kailangang mabura na ang mga pictures na yun dahil baka pati ako gamitan niya nun."

"Anong gagawin ko?" Tanong niya.

"Invite her on the field play football with her, then be nice and sweet and gawin mo ang lahat para tangalin niya yung camera niya sa leeg niya at.. ako ng bahala sa camera para mabura yung nga pictures natin. Make sure na hindi niya ko mapapansin."

"Okay, i love that. What are we now partners in crime?" He asked smirking, chuckling a little.

"Pwede na din." I smirked at him. Napahinto na kami sa pagkukwentuhan tungkol aa bruhang Lexi na yun dahil dumating na yung professor namin.

Sana lang gumana yung plano ko mamaya. Haaay, ang sarap sabunutan ng babaeng yun dahil sakanya naisyo kami ni Damon na naging dahilan pa tuloy para magkainitan si Damon at Samie. Gagawin ko ang lahat mabura lang yung pictures na yun.

Damon and i now proceed to our plan. Naghintay na ko sa field at nagtago yung tipong di ako makikita ni Lexi habang hinihintay silang dumating.

Tinext ko muna si Maj na malalate ako sa practice at sinabi ang plano ko dahil alam kong magtataka yun pag di ko pinaliwanag kung bakit malalate ako.

So i waited for Damon and Lexi until finally nasa field na sila, hawak hawak ni Damon yung kamay ni Lexi na naging dahilan para ngumiti ng malaki at tila kinikilig pa. Grabe patay na patay siya kay Damon ah.

Kung sabagay gwapo naman kasi talaga si Damon. Woe what?? Umayos ka nga Amber.. focus ka nalang sa plano! I scolded myself.

"Amber.." i froze as i heard Luisa's voice. I face her she's with Maj.

"What the hell are you guys doing here?" Mahina kong sabi. Di ko alam kung bat kailangan ko pang hinaan eh for sure di naman ako maririnig nila Lexi.

"You texted your plan so.."

"We think it's fun, so we want to join." Luisa said finishing Maj sentence. I sighed. Ibang klase talaga basta pag dating sa kalokohan, present sila.

So, hinayaan ko nalang silang makijoin. Habang tyumityempo sa plano namin. Finally nagawa ni Damon patangalin kay Lexi yung camera niya at nilagay ito sa isa sa mga bench. Kaya sinimulan na ni Damon ang kunyaring paglalambing niya kay Lexi, di ko alam kung bakit naiinis padin ako sa nakikita ko kahit umaarte lang naman si Damon sa paglalambing niyang pagtuturo ng football sa bruhang yun.

"Amber, ano tititig ka nalang ba dyan at magseselos o gagawin mo na yung plano mo?" Luisa interrupting my thought.

"Im not jealous!" I snapped.

"Yah, whatever.. just stick to your plan." Maj scolded. Oo na!

Nagmadali akong makapunta dun sa camera ng di nahahalata ni Lexi, buti nalang talaga at magaling umarte tong si Damon, siguro maganda kung susubukan niyang mag artista. Haha!

Nang mahawakan ko yung camera, ang lakas ng kabog ng puso ko sa kaba tila ako may ginagawang krimen na wala naman, gusto ko lang naman burahin yung pictures namin. Sinimulan ko ng hanapin yung pictures.. and ilang sandali lang i finally found it.. i saw..

Me and Damon smiling, staring and kissing.

Shit! Bumalik na naman sakin yung alaalang yun at ngayong nakikita ko to parang nakakaramdam na naman ako ng kagustuhang mahalikan siya. I shake my head trying erase that thought. Focus on the plan, Amber. Focus!!

I finally delete it all.

But deep in me, sayang.

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now