That Annoying BOY - 22

15K 476 4
                                    

The crowd are yelling and shouting, cheering for us. The game started.. and ito na ang pang third set at kami ang lamang. Pag napanalo namin tong set, panalo na kami sa game.

But the score is 23-24 match point na ng kalabang team tapos service ball pa nila, for sure di nila sasayangin to para makapasok sa next set. Pero syempre di rin naman kami papayag.

Miss-best-in-service.. serves the ball and it directly hit the hands of Riza, then Joan set the ball to Luisa pinalo niya ang bola at direkta itong tumama sa ground.

We all jump, smiling, enjoying that hit. "Nice hit, Lulu." Maj said to her.

So, all 24 ang score mag aadd ng 2 points para makuha namin ang set na to.

Now it's my time to serve the ball. Goodluck sakin, soooobrang goodluck.

"Give us a service ace, beb." Luisa shouted. Easy to say, hard to do.

Sa hudyat ng referee, sinerve ko na yung bola and it luckily tumama ito sa tip ng net at nag bounce na di inasahan ng kalaban. Ha!

"Nice one, Mama Ber!" Maj compliment, smiling.

"Last one, you can do it!" Our coach yelled. Huu! Walang ka pressure pressure ah.

Sa hudyat ulit ng referee, sinerve ko ulit yung bola and it landed straight to the hand of opponent but luckily hindi niya yun na control kaya napalayo ang bola. It means...

WE WIN!!!

"That's our beb, two aces!" Luisa said playfully and full of pride. Nag high five kaming dalawa gamit ang dalawang kamay tsaka nagyakapan.

Pagkatapos namin mabati ang kalaban after naming manalo, dumiretso na kami sa locker room namin syempre tulad ng ritual kapag nananalo nagbabasaan kami.

"Ayos yung two aces mo, Mama Ber." Maj said as she throw me a cold water on my head.

"Lucky two aces!" I humbly said.

"Tama na ang basaan girls, hinihintay na tayo ng boys." Luisa said smirking.

"Teka Lulu, seryoso ka na ba kay Lucas kasi lagpas ng one week mo siyang dinidate." Maj asked teasingly.

Speaking of Lucas, nanuod siya ng game kasama si Damon. Di ko alam kung bakit sinama pa niya si Damon, siguro para may kausap. Buti pa siya kinakausap, ako kasi dinidedma na naman niya.

"10 days palang naman kami, ano ba.. maaga pa para magsawa."

"Alam mo okay naman si Lucas eh, mabait siya.. pasado siya para sakin." Pag bubuild up ko kay Lucas kasi totoo naman eh.

"Alam mo hagga't di tumitibok ang puso ni Luisa para sa lalake at korning love na yan, hindi ito titigil sa paghanap ng iba." Lulu said.

"Kailan naman kaya titibok ang puso ni Luisa?" Maj asked teasingly. Lulu just shrugged, grinning.

Natapos din kaming lahat sa pag shower at naglakad na kaming lahat palabas ng coliseum at pinuntahan ang boys na naghihintay samin.

Si Luisa, kay Lucas na kasama si Damon.

Si Majah, kay Mario na kasama Justin at si Samuel na manliligaw ko.

Masaya ako dahil walang pagaaway na nagaganap kahit nasa iisang lugar lang si Damon at Samie. Kasi naman tuwing nagkikita tong dalawang to, lagi nalang nagaaway. Buti nalang nabawasan na ni Samie ang init ng dugo niya kay Damon.

"Ang galing mo kanina, Mama Ber." Samie said then niyakap niya ko bilang pag congrats.

"Salamat."

"Anong plano?? Alis na tayo? Wala bang inuman muna?" Mario asked.

"Game ako dyan!" Luisa said. Lagi naman eh.

"Uh.. pass ako dyan!" I said making them look at me.

"Are you sure? Join muna tayo kahit sandali lang." Samie said.

I shake my head. "Next time na, wala ako sa mood uminim ngayon eh." Ang totoo gusto ko lang umiwas sa gulo, pag pumayag ako magsasama sa iisang lugar na naman si Damon at Samie, baka pag nakainum na sila di na nila mapigil ang init ng ulo nila. Ayokong maging referee nila.

"Mauna na ko, may date pa ko eh." Damon said, we all look at him. May date? Ang mokong may date? Ha! Ngayon confirmed ko na, wala nga siyang gusto sakin kasi.. may kadate siya. Kailan pa siya nakikipag date? Kailan pa ko nagkaroon ng pakialam?

"Sino kadate mo?" Luisa asked.

"Dude, don't tell me ididate mo si-" Hindi natapos ni Lucas ang sasabihin niya dahil pinutol siya agad ni Damon.

"Oo!" Sino ba kasi yun? Pambihira, may pa mysterious effect pa tong mga to. "Paano, enjoy nalang kayo." Pagkasabi niya nun nagsimula na siyang maglakad papunta sa kotse niya at nag maneho palayo.

"So ano Mama Ber, di ka padin sasama?" Maj asked. Tinutukoy niya ata yung inuman, since wala na si Damon at paniguradong wala ng gulo..

"Sige na sasama na ko."

Nag simula na kaming pumunta sa Club kung saan kami madalas umiinum at tulad ng dati.. hindi kami iinum ng madami, yung keri lang.

Since may kasama naman kaming lalake kay di na kami ng VIP pa, tsaka kami umorder ng beer para sa boys at cocktails saming girls.

"Sweetie, sino yung makakadate ni Damon?" Luisa asked Lucas kaya di ko naiwasang tumingin at makiintriga dahil sa totoo lang kanina ko pa gustong malaman kung sino yun.

"Uh.. di niyo kilala yun eh, di naman kasi kilala sa school.. simpleng studyante lang yun hindi athlete, ang alam ko photography ang kinukuha niyang kurso."

"So, sino nga? Malay mo kilala namin." Maj asked.

"Lexi ang pangalan niya." Lexi?? Wala akong kilalang Lexi na photography ang kinukuhang kurso.

Haay! Bakit ba ko masyadong nagiisip? Eh ano naman kung may dinidate siyang Lexi ang pangalan? Pakialam ko sa mokong na yun, sasakit lang ulo nung Lexi na yun kay Damon dahil magulo utak nun. Sala sa lamig, sala sa init.

Mabait sa simula at tila friendly pero maya maya galit na agad at dedma na sayo. Ha! Goodluck sa Lexi na yun!

That Annoying BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon