That Annoying BOY - 29

14.1K 468 13
                                    

Nagising ako mula sa tadtad na halik ni Mama sa pisnge ko. Para akong bata sa halik niya sakin.

"Happy Birthday, Sweetheart." Mom greeted.

"Thanks, Mom." Mahina kong sabi kasi naman inaantok pa talaga ko. Nagpalit lang ako ng posisyon sa paghiga at nagsimula ulit matulog. Si Mama talaga gigisingin pa ko para lang batiin, lagi nalang ganun tuwing birthday ko.

Buti nalang at hinayaan pa niya kong matulog.

Nagising ako muli sa pagtulog ng maramdaman kong may tumatalon sa kama ko at kumakanta ng Happy Birthday song.. nang tignan ko kung sino ang gumawa nun, i saw Maj and Luisa.

"Happy Birthday, Amber Tuazon." Sabay nilang bati.

"Haay, guys.. inaantok pa ko oh. Pwede mamaya na yan?"

"Bakit mo ba kasi iniisip magdamag si Damon yan tuloy napupuyat ka." Luisa teases.

"Very funny!" I sarcastically said. Paano niya nalaman yun? May clue ba na iniisip ko si Damon? Paano kasi hindi ko maiwasang magisip kasi kung anong mangyayari sa birthday celebration ko kasama siya. Oo na aaminin ko excited ako, di ko din alam kung bakit.

"Tumayo ka na nga dyan, prinsesa." Maj said pulling my hands.

"Okay, okay.. ano ba kasing meron?" Tanong ko habang umupo mula sa pagkakahiga.

"May surprise kami." Excited niyang sabi. Oh great, i hate surprises!

"Sumunod ka na sa baba, okay?"

"Oo na! Magmumumog lang ako." They nodded, smiling pero bago pa nila ko tuluyang iwan hinalikan muna nila ko sa pisnge at kaya naramdaman kong nagiwan yung ng lipstick sa pisnge ko. Pambihira talaga!

Mag hilamos at nag toothbrush lang muna ko bago tuluyang lumabas ng kwarto ko para puntahan na yung dalawa. Nasa hagdan palang ako ng biglang batiin ako ng mga kateammate ko na may hawak na cake, birthday hat, balloons, banner, and spaghetti, ice cream.. lahat ng pwede mong maisip na handa sa sa children's party.

"Anong trip to guys?" Natatawa kong sabi.

"Dahil ayaw mo ng mga party ng adults, ayan children's party ang surprise namin sayo." Maj said.

"Happy Birthday Baby Ber." They all greeted.

"Salamat." Saan naman kaya nila nakuha yung tawag na baby Ber?

Lumapit na ko sakanila at ang mga bruha nilagyan ako ng icing sa mukha. Gustuhin ko mang gumanti paniguradong silang lahat ang gaganti pabalik sakin kaya behave nalang ako.

Sinimulan na din namin ang pagkain kahit na ang lagkit ng mukha ko dahil sakanila, pero ako kunti lang ang kinakain dahil baka mapalaban din ako ng kain mamaya kela Damon.

Syempre hindi alam nung mga to ang tungkol sa sarili naming celebration ni Damon kasi baka mangintriga na naman sila.

"Bakit pala wala si Sam?" Joan asked.

"Oo nga di ba niya alam na birthday mo? Himala!" Mae said. Oo nga nu? Nakalimutan niya kayang birthday ko? Eh yun ang humihinga kong kalendaryo.

"I'll check my phone, baka binati na niya ko." I said. Umakyat muna ko ng kwarto ko at kinuha yung cellphone ko sa side table ko at binasa agad kung may text mula kay Samie.. di nga ko nagkamali at meron ding text mula kay Damon.. una kong binasa ang kay Damon.

*** Happy Birthday, Amber. I can't wait to celebrate your birthday with me.😚 *** i grin reading his text at dahil napangiti niya ko sa text niya nireplyan ko siya.

*** Thank you, Lawrence. Just make sure na masarap ang mga luto mo, pihikan ang birthday girl. ***

Next ko namang binasa yung text ni Samie..

*** Good morning Mama Ber. *** Wait! Good morning lang? That's it? Di kaya nakalimutan nga niya?

Itinabi ko nalang yung cellphone ko dahil nadidismaya akong yung best friend ko ay nakalimutang birthday ko. Siya pa naman ang human calendar and reminder ko tapos nakalimutan niya lang.

Bumaba na ulit ako ng sala kung nasaan ang mga kateammate kong kumakain at nagkukwentuhan. "Amber, nice necklace huh." Patricia said. Napansin pa niya yun? Napahawak tuloy ako sa kwintas ko na bigay ni Damon.

"Kanino galing yan?" Luisa asked.

"Uh.. kay Damon." Nahihiya kong sabi.

"Ha! I knew it, AMBON for the win!" Luisa yelled.

"Wag pakampante malay mo, SAMBER bandang huli." Maj said para lang may kumontra kay Luisa. Pati ba naman names namin ni Samie pinaghalo na nila?

"Tama na guys pwede?" Pagpipigil ko.

"Regalo ba sayo yan ni Damon?" Luisa asked again.

"No, hindi pa daw."

"Hindi pa daw? So meron pang iba?" Excited niyang tanong.

"Uh.. ewan ko." Hu! Ayokong magsalita baka madulas akong magsasama kami mamaya ni Damon.

"So.. bakit daw wala pa si Samie?" Pagbabago ng topic ni Maj. Buti nalang.

"Hindi ko alam, mukhang nakalimutan niyang birthday ko kasi di manlang ako naalalang batiin." May halong pagtatampo sa boses ko.

"Baka naman may pa surprise sayo." Mae said. Urgh i hate surprises.

"Wag nalang natin pagusapan ang boys. It's my birthday not them." Pagpapaalala ko.

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now