That Annoying BOY - 11

17.1K 563 35
                                    

Nag madali akong pumasok sa school kasi naman tinanghali ako ng gising. Salamat sa confession ni Samie kaya di ako nakatulog agad kaya tuloy malalate ako sa klase.

After niyang sabihing mahal niya ko wala akong ibang nasabi at tila na nanigas ang dila ko sa bibig ko kaya kahit isang salita walang lumabas sa bibig ko na tingin ko kina disappoint niya kaya nag walk out nalang siya sakin.

Haay! Kakabati lang namin heto na naman kami mukhang di magpapansinan dahil sa biglaan niyang confession.

Nakarating ako sa school at nag madaling pumunta sa classroom ko pero huli na talaga ko dahil nagsisimula na yung klase, kaya di na ko nag abalang istorbohin pa yung klase naisip kong mag stay nalang s hallway para sa susunod na subject.

Tsk! Ngayon lang ako nalate ng ganito. Haay! Patay ako pag may bumagsak na isang subject sakin baka maapektuhan ang pagiging Varsity ko.

Naman kasi tong si Sam eh, di marunong tyumempo.

"Late ka din?" I heard Damon's voice. I face him.

"Late ka din?" I asked back.

"Well kung nadito ako sa labas malamang late ako." Pilosopo to ah! Batukan ko kaya to? Hindi wag na, sayang sa energy.

Tumabi siya sakin. "Anong ginawa mo at nalate ka?" Tanong niya.

"Napasarap ng tulog." Yan na ang mas safe na sagot, ayaw ko namang sabihing dahil sa pag confess ang best friend ko sakin kaya napuyat ako sa pagiisip kaya tinanghali ako ng gising.

"Ah.. kala ko kakaisip sakin." He jokes.

"Asa ka boy!" I said making him laughed. "Shhh, baka pagalitan tayo sa lakas mong tumawa."

"Sorry, sorry." He's still laughing pero hindi na malakas. Ang saya po niya!

Kinuha ko nalang yung IPod ko at nilagay sa sa tenga ko yung earphone para makinig nalang ng music habang naghihintay sa next subject.

Pinakingan ko ang Avril Lavigne playlist ko.

Kinuha ni Damon yung isang earphone sa tenga ko at inilagay sakanya. Makikimusic trip din siguro kaya hinayaan ko na.

Napansin ko nalang bigla na nag ha'hummed na siya ng pinapakingan namin na Why ni Avril kaya di ko mapigilan mangiti pero di ko pinahalata sakanya para di siya huminto. Maka Avril din siguro tong mokong na to.

Finally nag bell na, ibig sabihin second subject na namin. Lumabas na yung professor namin sa first subject at huminto siya ng makita kami ni Damon.

"Ms. Tuazon, Mr. Lawrence, naisip niyo bang mag date nalang kesa pumasok sa subject ko?" Ma'am Borejon asked.

"Uh-" i was about to say something pero pinigilan ako ni Ma'am.

"Don't do this again, or else ibabagsak ko kayong dalawa." What?? Grabe naman siya, di naman kami perfect para di malate. Tsaka tama bang pag hinalaan kaming nag date ni Damon? Baka nalaman din niya yung tsismis samin kaya ayan tuloy. Haaay! Pahamak yang tsismis na yan!

Pagkatapos kaming sermunan ni Ma'am pumasok na kami ng classroom kaya pingatinginan kami ng mga classmates namin, siguro iniisip din nilang nag date kami. Ge lang mag tsismisan lang kayo.

All our class finally ended..

Dumiretso ako sa canteen at naghanap ng friends.. i saw Maj, Lulu, Riza, Joan na nasa iisang table kaya naki join ako.

"Hey, Maj anong nangyari sa date?" I asked. She instantly blushed. Oh!! Mukhang may nangyari di namin alam.

"May date ka? Paano na si Papa Mario?" Lulu asked. Bakit ba ang hilig niyang bigyan ng names yung mga Basketball player? Di ko tuloy maiwasang maisip si Samie. Haay! Erase, erase.. focus sa kwento ni Majah.

"Actually, nabigla ako dahil si Mario pala ang kadate ko." She said blushing.

"Ohmygod!!" Me, Lulu, Riza and Joan said. Pero gusto kong matawa nung pati si Joan naki Ohmygod, kung wala tong girlfriend iisipin kong girl talaga to eh at hindi tomboy.

"Alam ba ni Mario na ikaw ang makakadate niya?" I asked.

"No, pareho kaming nabigla. Ang tahimik nga ng simula ng date namin eh. Pero nung medyo nawala na ang shocked saming dalawa ayun lumabas pagiging madaldal namin pareho."

"Buti di mo sinungaban at hinalikan?" Luisa said smirking.

"Tulad mo naman ako sayo! Kahit bet na bet ko siya di ko keri manungab nu."

"Edi masusundan pa yung date?" Joan asked. Oo nga! Oo nga! Masusundan pa kaya?

"Yup." Laking ngiting sabi ni Maj na dahilan para kantyawan namin siya.

Napahinto kami sa pangangantyaw kay Maj nang makarinig kami ng tugtog ng gitara na di kalayuan samin. Sabay sabay kaming napatingin sa direksyon ng nag gigitara ang we saw, Mario and the rest of his team walking closer to us. Then nag simula ng kumanta ang buong team at sa totoo lang ako ang unang tumawa kasi naman wala silang talent sa pag kanta buti nalang Basketball ang kinarir nila.

Kinanta nila ang kanta ni Justin Timberlake na Not a Bad Thing.

Nang nasa second verse na sila biglang humati sila sa gitna, then biglang lumabas si Samie at siya nalang ang tanging kumanta na may bitbit pang bulaklak habang nakatingin sakin. My mouth fell, what the hell is going on? what is he doing?

Naramdaman ko ang paniniko ni Maj dahil sa kilig, ako dedma lang at di pa din inaalis ang tingin sa kaibigan kong hindi na ko na surpresa na magaling kumanta.

Palapit nang matapos ang kanta at lumapit sakin si Samie.

"Mama Ber, alam kong nagkasundo tayo na after nating makagraduate tsaka natin iisiping maging tayo pero di ko na mahintay na makagraduate tayo. Mahal kita at alam mo yun at gusto ko araw araw pang iparamdam yun sayo.. sana, sana pagbigyan mo ko. Sana pumayag ka ng ligawan kita."

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now