That Annoying BOY - 23

14.4K 469 16
                                    

Nagising ako kaninang umaga at ang unang bumungad sakin ay ang monthly period ko. Shit! Buti nalang at di nasaktuhan sa game namin. Pero ang nakakaiinis lang dito, ang sakit ng puson ko.

Kaya ngayon nasa classroom ako at sinasabayan si Damon sa pagyuko sa desk pero di para matulog kundi magtiis sa sakit ng puson ko. Tila ako nanlalamig, pero pinagpapawisan ako. Tila rin namamanhid yung binte ko. Haaay! Kaya hate na hate ko ang buwanang dalaw ko eh pahirap sa buhay.

"Ayos ka lang?" I heard Damon asked. Inangat ko yung ulo ko at tumingin sakanya. He looks concerned. Heto na naman siya, ngayon mukhang concern tapos mamaya dededmahin ka na.

"May nararamdaman ka bang masakit?" Tanong niya ulit.

"Ayos lang ako." I lied. Gusto na kong patayin ng puson ko! Yan talaga ang gusto kong sabihin.

"Tuazon di kita matutulungan kung di mo sasabihin kung anong masakit sayo, kasi obvious naman na di ka ayos. Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" Tila ako batang pinapagalitan nito.

"Hindi na, salamat."

"So ano ngang masakit?"

"Uh.. yung puson ko." Mahina kong sabi, yung tipong di niya maririnig kaya pag pinaulit niya dedemahin ko nalang at sasabihing nasabi ko na kaya wala ng ulit ulit.

Pero di na niya pinaulit pa sakin yung sinabi ko. Dali dali lang siyang tumayo at lumabas ng classroom. Saan pupunta yun? Magtatanong siya pero lalayasan din naman pala ako.

Ibang klase talaga.

Dumating yung professor namin sa first subject pero di parin nakakabalik si Damon. Saan ba pumunta yun? Di tuloy niya napasukan yung first subject namin.

Nagsisimula na si Ma'am sa klase niya ng biglang dumating si Damon..

"Mr. Lawrence you're late, stay outside."

"I'm not late Ma'am, may pinuntahan lang ako." Damon explained.

"I don't care, just stay outside. You're interrupting my class." Ma'am scolded.

"May ibibigay lang ako kay Tuazon." Damon said, may ibibigay siya sakin? Ano naman yun?

Bago pa makapag salita si Ma'am para tuluyang paalisin si Damon, hindi siya pinansin nito at naglakad si Damon papunta sa table ko na. Inilapag niya sa table ang gamot at isang boteng tubig. "Inumin mo yan." Pagkasabi niya nun lumabas na siya ng classroom.

Nakatingin sakin ang mga classmates ko dahil sa ginagawa ni Damon kaya di ko maiwasang mailang.

"Pwede na ba tayong magsimula ulot sa klase Ms. Tuazon?" Ma'am asked me.

"Ah.. Ye'yes, Ma'am." Nauutal kong sabi. Haay, bat pati ako madamay? Kinuha ko yung gamot at tinignan kung para saan a yun, then nalaman ko na para pala to sa sakit ng puson. Wow! Dali dali siyang lumabas ng classroom para lang ibili ako ng gamot?

Okay, i admit.. I'm touched.

Kinuha ko yung tubig at sinimulang inumin ang gamot na binili niya para sakin.

Natapos ang first subject namin kay Ma'am, tsaka naman pumasok ulit si Damon ng classroom at umupo sa tabi ko. "Salamat." I said pagkaupo niya.

"Kamusta na pakiramdam mo?" He asked.

"Ayos na, thanks again."

"Welcome."

Dumating ang sunod na professor namin at salamat talaga sa gamot ni Damon at nakakapag focus na ko sa klase. Pero nawala din naman ang focus ko dahil naramdaman ko ang unti unti paghawak ni Damon sa kamay ko. Tumingin ako sakanya, nakatingin lang siya sa professor at tila nakikinig. Sinubukan kong hilain yung kamay ko dahil baka may makakita pero di niya binibitawan.

Ano na naman ba to?

Since wala namang nakakapansin na magkaholding hands kami at ayaw din naman niyang bumitaw hindi na ko nag pumilit dahil baka mas lalo lang maghinala yung mga classmates ko pag naghihilaan kami ng kamay.

Natapos na ulit ang sumunod na subject namin pero di parin niya binibitawan yung kamay ko. "Damon, ano bang ginagawa mo?" Mahina kong sabi pagkalabas nung prof. namin.

"Hinahawakan kamay mo." Pilosopo talaga!! Bwiset!

"Bitawan mo na!"

"Ayoko!"

"Damon!!" I said more on warned.

"Ayoko, hindi ako bibitaw." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko. I just look away dahil mukhang wala talaga siyang planong bitawan yung kamay ko.

Natapos ang lahat ng klase namin at dun lang binitawan ni Damon ang kamay ko. "Mauna na ko." Pagpapaalam niya na ikinabigla ko. Kailan pa siya natutong magpaalam sakin?

Ito na ata ang pinaka weird na araw.

Lumabas na ko ng classroom at dumiretso sa Canteen kung nasaan ang mga kaibigan ko tsaka naman ako sinalubong ni Samie..

"Mama Ber, kanina pa kita hinihintay." He said.

"Bakit naman?"

"Wala para sabay tayong kumain, sweet ko diba?" He said grinning like an idiot.

I chuckled. "Ewan ko sayo."

Nilapitan na namin yung mga kaibigan ko bago pa tuluyang mag pacute tong si Samie. Pagkalapit namin nakatingin sila sa di ko alam kung saan.

"Ano tinitignan niyo?" Tanong ko. Sabay upo, tumabi naman sakin si Samie.

"May pagka nerd pala yung dinidate ni Damon." Luisa said.

"Ha?? Nakita niyo na?" Gulat kong tanong.

"Oo, katabi niya ngayon eh." Maj said. Tumingin na din ako sa direksyon kung saan sila nakatingin and we saw him with a girl wearing eye glass. She's pretty kahit na may salamin, mukha siyang mabait at.. i don't know, mabait ulit?

Hindi ko alam kung bakit parang nakakaramdam ako ng inis kasi naman kanina lang siya si caring Damon, na may pahawak hawak pa sa kamay ko tapos bigla nalang kasama na niya yung dinidate niya? Haaa!! Grabe ha! May paalam paalam pa siyang nalalaman kanina eh pupuntahan din naman pala niya yung dinidate niya!

"Mama Ber, kain na tayo." Samie said interrupting my thoughts.

"Okay, sige." I answered. Haay! Erase, erase that annoying boy in your head Amber, erase him! I scolded myself.

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now