That Annoying BOY - 5

18.9K 553 2
                                    

Jogging.

Yan agad ang unang pumasok sa isip ko, pagkagising ko. Para makatulong sa Stamina ko sa laro namin sa Volleyball.

May laro na kasi kami bukas bilang pagbubukas ng competition. Di sa pagmamayabang pero lagi kaming pasok sa top four, pero hanggang dun palang. Magagaling talaga yung ibang school eh.

Pabalik na ko ng bahay nang marinig ko ang busina ng kotse, napahinto ako sa pajogging at nilingon kung sino yun.. si Samie lang pala. Ang aga naman niya? Mamaya pa naman ang pasok namin ah.

Bumaba siya ng kotse niya at lumapit sakin.

"Amber, san ka ba galing kahapon?" Tanong niya. Oh! It's all about yesterday. "Pinagaalala mo ko, akala ko ba itetext mo ko? Pinuntahan kita sa book store pero wala ka naman. Alam mo bang kung saan saan na ko pumunta-"

"Woe! Kalma pwede??" I said, stopping him. "Nasermunan na ko ni Mama, ayoko ng dumagdag ka pa."

He sighed heavily. "Nagalala lang ako, san ka ba kasi talaga galing?"

"May sinamahan lang ako." Di ko naman pwedeng sabihing si Damon, baka mag wala pa to at sabihin niya kay Mama.

"Who?"

"Samie!! Okay, ako.. kita mo naman diba?" Tinuro ko ng dalawang kamay ko yung katawan ko. "Buo pa ko, O.A na!" Patataray ko.

"Pasensya na, nagalala lang talaga ko." Seryoso niyang sabi na tila na hurt sa inasal ko at sinabi. I sighed. Niyakap ko siya bilang pag comfort. Alam ko namang nagaalala lang talaga siya kaya di ko din alam kung bakit medyo natarayan ko siya. Dala na rin siguro ng ng pagod sa jogging at salubong niya sakin na tila ako may nagawang masama kahit wala naman.

"Alam ko, pasensya na din. Biglaan lang din yun at ayaw kong pag usapan, intindihin mo nalang." Naramdaman ko ang mga kamay niyang yumakap din sakin.

"Wag mo na ulit gagawin yun." Mahina niyang sabi.

"Oo." Haay! Tila ko na guilty sa ginawa kong pagtataray. Tsk.

Bumitaw na ko sa pagkakayakap sakanya. "Umuwi ka na, mag jojogging pa ko pabalik ng bahay."

"Okay, sunduin kita mamaya."

"No, hayaan mo munang gamitin ko ang kotse ko baka mabulok nalang yun dahil di ko nagagamit."

He chuckled. "Sige, see you at school." I just nodded my head. Hinalikan niya ko sa pisnge tsaka sumakay ulit ng kotse niya at sinimulan ang byahe pauwi.

Nakarating ako sa bahay at dumiretso sa kusina para uminum ng tubig. Naabutan dun ko si Mama na nagluluto na kasama ang nagiisang kasambahay namin.

"Morning, Ma." I greeted then i kissed her cheek.

"Good morning, hija."

"Morning, manang." Bati ko kay Manang Nineth.

"Good morning din po." She nicely greeted.

"Where's Dad?" I asked Mom habang kumukuha ng tubig.

"I'm here, sweetheart." I heard Dad's voice. I looked at my handsome Dad, until now parang ang bata parin niyang tignan dahil sa tindig niya. Naka ready na siya sa pagpasok.

"Why so gwapo Dad?" I teased.

"Para di ako iwan ng Mama mo." Pagbibiro din niya na dahilan para tumawa ako at kinilig naman si Mama. Tong mga to, akala mo teenagers. Kaloka! Haha!

Pagkatapos kong uminum, lumapit ako sakanya hinalikan sa pisnge. "May laro kayo bukas diba?" Dad asked.

"Yup."

"Goodluck, sweetheart."

"Thanks po."

Pumunta na muna ko sa kwarto ko para makapag shower dahil nalalagkitan na ko sa katawan ko.

Natapos ako sa pag ligo, at narinig ko agad yung cellphone ko na nag ring ng nag ring. Kinuha ko yun sa side table ko katabi ng mga libro ko at tsaka sinagot ang tawag ni Samie. Magkasama lang kami kanina tumatawag agad.

"Oh? Namiss mo agad ako?" I joke.

"I always miss you, Mama Ber." He lively said. I roll my eyes. Minsan talaga korni na siya. "Nakalimutan ko sabihin sayo kanina yung tungkol sa dinner sa bahay." Aah! Tama, buti pinaalala niya dahil nakalimutan ko ang tungkol dun.

"Okay, sige."

"Okay, laters Mama Ber."

"Mmm." I hummed. Ibinaba ko na yung tawag tsaka inilapag nalang ulit sa side table ko yung cellphone.

Natapos ang lahat ng preparation ko sa pag pasok, kumain din muna ko ng niluto nila Mama na pagkain tsaka dumiretso sa school. Sana di ako malate, dahil ang bagal ko pa namang mag maneho di tulad ni Samie. Masyado kasi akong maingat sa byahe.

Nakarating ako school, at sa parking lot palang kapansin pansin na ang mga tinginan sakin ng mga schoolmates ko. Di naman na bago na pagtinginan nila ko pero para kasing iba ngayon, may kasamang pagbubulungan.

Dumiretso ako sa classroom ko. At ang una ko agad na napansin ay ang natutulog na si Damon, paanong di ko mapapansin eh seatmate ko siya. Wala akong planong gisingin siya o guluhin manlang dahil ito lang ang oras na tahimik ang buhay ko.

Dumating na ang professor namin, na dahilan para mag siupuan na ang mga classmates kong nagdadaldalan habang nakatayo.. pero si Damon naman tulog pa din na tila di pansin ang pagdating ng prof. namin kaya siniko ko siya ng mahina kasi tumingin na sa direksyon niya si Sir.

Inangat niya yung ulo niya at tumingin sakin. "What?" He mouthed.

I roll my eyes. "Nandyan na si Sir." Umayos siya ng pagkakaupo at humikab, di ko tuloy maiwasang mahikab din dahil sa nakita ko.

Walang anuman! I thought to myself. Di manlang kasi nag pasalamat sa pag gising ko sakanya.

All our class finally ended.

Dumiretso na ko sa locker room ng Volleyball team. Nandun na ang lahat at ako nalang ang kulang. Malamang puro kwentuhan ang naabutan ko tungkol na naman sa boys.. pero syempre di mawawala ang diskarte bukas sa laro namin.

"Amber.." Mae called me, she's looking at her cellphone.

"What?" I asked.

"Totoo bang nag didate kayo ni Damon?" Tanong niya na dahilan para tumingin sakin ang mga teammates ko.

What the hell???

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now