That Annoying BOY - 38

14.9K 469 11
                                    

So.. since nandito na si Damon sa bahay at nakapag pakilala na siya sa Papa ko, sa kotse na niya kami sumakay para masimulan ang byahe namin.

"So.. anong pinagusapan niyo ni Papa?" Tanong ko. Naiintriga ako kasi naman yung ngiti niya ang laki na akala mo nanalo siya ng lotto.

"Hmm? Uhm.. he said, magpakabait daw ako kasi hahanapin niya daw ako kahit saang sulok ng bansa pag sinaktan kita." He said grinning.

I raised my eyebrow, confused. "Diba parang pinagbabantaan ka niya? Bakit parang ang saya saya mo pa?"

"Eh kasi parang sinasabi niya na alagaan na kita." Hmmm? Napaisip ako dun ah! Ganun ba ang dating sakanya nun? Para kasi sakin pagbabanta yun eh. Well kung dun siya masaya pagbigyan.

Nakarating kami finally sa school.. still holding hands are not allowed. Well hindi naman yun ang pinunta namin dito ng ganito kaaga sa school kundi ang pagidlip niya. Dumiretso kami classroom namin at kami palang ang tao.

"Umidlip ka na." I told Damon nang finally makaupo kami. Humalik muna siya ng mabilis sa labi ko at hinawakan ang left hand ko bago tuluyang yumuko sa table niya.

Kinuha ko nalang muna yung IPod ko at nakinig ng music tsaka nag basa. Hmm.. matagal na din pala mula nung huling bumili ako ng libro, di ko tuloy maiwasang mapangiti dahil feeling ko kahit matagal na kaming magkakilala ni Damon dun talaga nag simula ang lahat. Siguro kung hindi niya ko ginamit para palayuin yung stalker niya at pumunta sa hotel na dahilan para maisyo kami baka until now mag seatmate lang ang turingan namin.. no, siya pala matagal ng may hidden feelings sakin. Ako na develop lang dahil sa di ko alam na dahilan. Siguro nga tama yung sinabi sa kanta na.. Kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito.

Unti unti nang nagsisidatingan ang mga classmates namin at syempre di nila maiwasang tumingin samin.. at malamang siguro magtaka. Buti nalang di halata yung holding hands namin ni Damon.

Lagpas na din isang oras ang pagtulog ni Damon.. so far, no nightmare.. thank god. Pati kasi ako kinakabahan kapag nananaginip siya ng masama. Sana lang mawala na sa isip niya yung nangyari sakanya dati para di na niya mapanaginipan, pero napaka imposible din nun.. napakalaking trauma ang binigay sakanya nun.

Nang malapit ng dumating ang oras ng klase namin, sakto ang gising ni Damon. He squeezes my hand and looked at me with his kagigising eyes and smile. I instantly blushed kasi naman sobrang gwapo niya pag bagong gising.

"Hi." He greeted.

I cleared my throat. "Hi."

"I sleep well." Mahina niyang sabi.

"I'm glad to heard that." I said, smiling. He kissed my hand not taking his eyes on me.

"Thank you." He mouthed.

"Welcome." I mouthed back.

Dumating na yung professor namin kaya na break na ang paglalambingan namin at nakinig na muna kay Ma'am Borejon.

Finally all our classes done..

"Diretso ka ba sa practice?" Damon asked.

"Yup." Matipid kong sagot.

"Excuse me.. excuse me.." napatingin ako sa pintuan ng classroom dahil narinig ko yung boses ni Luisa. Sinasalubong niya yung mga palabas kong classmates at kasama niya si Maj.

"What are you guys, doing here?" I asked.

"May kailangan kang makita." Luisa said. Tumingin ako sakanilang dalawa ng nagtataka. Inabot sakin ni Luisa yung cellphone niya at may pinakita.

Laking bigla ko ng makita ang pictures namin ni Damon nung nasa field kami kahapon..

Me and Damon talking..
Me and Damon holding hands..
Me and Damon kissing..

Nakapost to sa Facebook page ng school at ang sabi..

Two athletes of A.U spotted having an affair. Is this the end of Amber and Samuel, relationship?

Having an affair? What the hell??? Wait! Nakita na kaya to ni Sam? Fuck!!

"Who did this?" Inis kong tanong.

"What was that?" Damon asked, confused. Kinuha niya sakin yung cellphone ni Luisa at tinignan yung post sa Facebook group.

"Same account nung nagkalat din ng pictures niyo nung nasa hotel kayo." Maj said.

"So.. si Lexi??" Tanong ko ulit. They nodded. Naginit yung ulo ko sa nalaman ko. That bitch, what does she wants? Bitter ba siya kasi ako mahal ng inistalk niya? Haaay! Makakasabunot ata ako ng tao, di ba niya alam na maldita ako? Well, ipaalam ko sakanya.

"I'll talk to Lexi." Damon says.

"No! Hindi ka makikipag kita sakanya!" Pagpipigil ko.

"Pero, baby-"

"No!" I snapped angrily. I stand in frustration. "Ipapaalam ko bruha yung kung gaano ako ka maldita!"

"Go girl!" Pagpapalakas ng loob ni Luisa.

"We're here to support! And.. maging referee mo." Maj said. Nagsimula na kong maglakad at sinamahan ako ng dalawa kong kaibigan. Narinig ko pang tinawag ako ni Damon pero di ko na siya pinansin.

Ang ganda ganda ng simula ng araw namin ni Damon, sisirain pa talaga ng bruhang yun? Humanda ka talaga sakin.

Hindi ko pinansin ang mga tinginan ng mga studyante sakin. Dahil alam ko sa sarili ko kung ano ang totoo kaya wala akong pakialam sakanila, nag tuloy tuloy lang ako sa paglalakad kung nasaan ang building ng mga photographer students at sinimulang hanapin si Lexi, sakto namang nakita namin siyang palabas ng classroom niya.

"Amber not too much okay, baka isuspend ka sa team." Pagpapaalala ni Maj. Buti nalang pinaalala niya dahil susugurin ko na sana yung bruha para sabunutan.

"Lexi!!" I called.

Tumingin siya sakin ng blangko. "Bakit?"

I chuckled, bitterly. "Alam mo ang spelling ng insecurity?" I asked sarcastically. Tumingin lang siya sakin.

I smirked. "It's.. I.K.A.W, IKAW! Dahil hindi mo nakuha si Damon sa pangbablackmail mo kaya sinisiraan mo kami sa mata ng iba. You know the truth, kaya ayusin mo to! Oh wait!!.." i paused. "Thank you for sharing that, tinulungan mo lang kaming ipaalam sa lahat ang matagal na naming gustong ipagkalat sa lahat. Kahit papaano may nagawa ka ding maganda, congratulations you deserves a clap clap!" I said and smirked sarcastically at her. Then i turned around and walked away.

"Ha, Loser!" I heard Luisa told to her. Tsaka sila sumabay sakin sa paglalakad.

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now