That Annoying BOY - 10

17.3K 622 41
                                    

On the way na ko pauwi, ng basang basa. Suot suot ko padin yung jersey ni Damon hindi na siya nag abalang bawiin yun dahil nga naman makikitaan ako. Kasalanan niya din kasi eh. Kung di niya kinuha yung payong ko edi sana hindi ako basang sisiw na uuwi.

Nakarating ako sa bahay at nanginginig na ko sa lamig, kaya dumiretso ako sa bathroom ko para makapag shower at makapag bihis na. Gusto ko ng humiga ng kama ko at magkumot para mainitan.

Natapos also ng mag shower finally medyo di na ko nakakaramdam ng lamig, pinatuyo ko lang yung buhok ko tsaka dali dali humiga ng kama ko at nagkumot ng makapal. Hmmm. That's feels good. Then nagbasa ng librong nabili ko.

Narinig kong may nag text sa cellphone ko kaya kinuha ko yun sa side table tsaka binasa ang text mula kay Damon..

*** Thank you for coming. :) *** with smiley face pa talaga ah.

*** Welcome. *** I replied.

Then suddenly my phone ring and it was Sam that calling.. i answered it hesitantly.

"Hi." He said from the other line. Hindi ako nag salita kasi naman inis pa din talaga ka sakanya. I heard him sighed. "Mama Ber, nasa labas ako ng bahay niyo pwede ba kong pumasok?" Tanong niya na nag pakaba ng dibdib ko. Papapasukin ko ba siya? Siguro dapat lang napapasukin ko siya para makapag ayos na kami. Well depende din siguro kung magsosorry siya.

"Amber?" He called.

"Wait me there." Kumuha muna ko ng jacket bago tuluyang tumakbo palabas ng kwarto ko para pag buksan siya ng pinto.

I saw him standing, handling a box of cake, bouquet of flowers. "Pwede ba kong pumasok?" Tanong niya. I just nodded my head.

Naglakad kami papunta sa sala tsaka ko siya hinarap. Hindi siya makatingin sa mga mata ko at naiintindihan ko kung bakit. "Sorry." He finally speaks. "Nagselos lang ako, hindi ko gustong sabihin yung mga nasabi ko nadala ako ng galit. Alam ko na ngayon kung ano talagang nangyari. Pasensya ka na talaga, Mama Ber." He sincerely said.

I sighed. "Ayos lang, naintindihan ko."

Inabot niya yung bulaklak at cake. "Peace offering." Tinignan ko lang yun, tsaka biglaan siyang niyakap. Hmmm.. na miss ko siya. Siguro mas gugustuhin ko ng mawalan ng jowa kesa ang kaibigan, well wala naman akong jowa kaya wala namang mawawala.

"Na miss kita Mama Ber." He whispered.

"Na miss din kita Samie." Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at kinuha yung cake at flowers. I smiled widely at him. "Pag saluhan natin tong cake?"

He grins. "Oo ba."

Pumunta kami sa kusina para masimulan na yung pagkain ng bitbit niyang cake.

Siya ang kumuha ng ng nga platito habang ako naman ang naghiwa nung cake. Inilapag ko na muna yung flowers sa lamesa para makain muna yung chocolate cake.

Magkatabi lang kaming dalawa habang kumakain ng bigla niya kong tawagin.

"Amber.." tumingin ako sakanya at nabigla ng bigla niya kong pahiran ng icing sa pisnge. He's smirking widely at me.

"Samie!! Don't play with your food." I scolded him. He just shrugged, grinning. Tinangal ko lang yung icing gamit ang daliri ko, pero nilagyan na naman niya agad ito. "Samie!!"

He just laughed at me. I give him a sweet glare, then this time ako naman ang naglagay ng icing sa pisnge niya. Ha! Kala niya ah! I smirked at him. He smirked back. Oh-ow!

Tumakbo na ko bago pa niya ko malagyan ulit ng icing sa mukha pero nag failed ako dahil nahabol niya ko kaya ang dami ko ng icing, pero syempre di naman ako papayag na hindi ako makaganti kaya nilagyan ko siya sa icing.

Nang pareho na kaming puro icing sa mukha tumigil na kami. I miss this bonding, i miss my best friend, i miss Samie.

Siya ang naglagay ng icing sa mukha ko pero siya din ang nagtatangal gamit ang kamay niya tsaka isusubo sa bibig niya. "Kadiri ka." Pagaangal ko.

"Tinutulungan lang kitang linisin yang mukha mo." He said chuckling. Since sobrang nice niya, tinulungan ko din siyang tangalin yung icing sa mukha niya gamit naman ang kamay ko at isinusubo sakanya pero bigla niyang kinagat ng mahina yung kamay ko.

"Ouch!" I mouthed at him.

He grins. Tumingin siya sandali sa labi ko then ibinalik din naman agad sa mga mata ko. Unti unti niyang nilalapit ang mukha niya sakin habang nakatingin sa labi ko. My eyes wide open, confused.

Plano ba niya kong halikan?

I step back but he just step forward.

"Sweetheart we're home." He froze as he heard Mom's voice. Sabay kaming tumingin sa direksyon nila Mama. "Haay, i told you kids not to play foods.. remember?" Mom scolded us.

"Sorry Tita, my fault." Samie said. Ano bang iniisip niya? Plano ba talaga niya kong halikan? Kung hindi dumating sila Mama baka nga nahalikan na niya ko dahil kitang kita sa mga mata niya na hindi siya papapigil sa paghalik sakin.

"Linisin niyo yang kusina at maghilamos na kayo." Utos ni Mama. Tumango lang kami sakanya.

Tumingin ako kay Samie na hindi makatingin sakin. Nauna na siya sa paghilamos habang ako nilinis nalang muna yung kalat namin. Hindi mawala sa isip ko yung ginawa niya, buti nalang talaga hindi natuloy.

"Ikaw naman maghilamos ako na tatapos niyan." Samie said. I look at him. Malinis na yung mukha niya at.. hindi parin siya makatingin sakin.

Hinayaan ko na siyang maglinis at ako naman ang nag hilamos at dun na sa kwarto ko. Sinabon ko yung mukha ko hanggang leeg para siguradong mawala yung lagkit na nagmumula sa icing then binanlawan din naman agad.

Lumabas ako ng bathroom ko habang nagpupunas ng mukha and i saw Samie seating on my bed. Tumingin siya sa direskyon ko nang makita ako.

"Can we talk?" I asked. He just nodded his head. "Plano mo ba kong halikan kanina?"

"Oo." He answered.

"Bakit?"

"Dahil mahal kita!"

--

A/N:

Hi guys thanks sa votes.. you inspired me more to write and finish this story. Anyways kung may errors man, wrong spelling or grammar pakiintindi nalang po. Unedited kasi.

Try niyo din basahin yung iba kong story.. same names lang yung mga character ko sa mga stories ko kasi naman mahina ako sa names, so isa na rin sa pakiintindi sakin. Haha.

* FLIRTY text

* Lasing ka lang, i understand!

* Hot chick

* Vacation Partner

and most recent..

* His Secret AFFAIR

Ayan basahin niyo pag may time. Sana magustuhan niyo din. Dagdagan niyo ng reads. :)

my_love_letter

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now