That Annoying BOY - 8

16.3K 540 0
                                    

Sakit ng ulo agad ang naramdaman ko sa pag gising ko. Di ko alam kung dahil bitin sa tulog o bitin sa alak kagabi, sumasakit kasi talaga ulo ko kapag bitin sa alak. Hmm..

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko.. nag bukas ang pinto at pumasok si Mom. "Sweetheart, aalis kami ng Papa mo. Hindi mo na kami makakasabay kumain, naghanda na ko ng makakakain para sayo sa kusina."

"Saan po kayo pupunta?"

"May Lunch meeting ang Papa mo, sinasama niya ko." So diretso date pala sila.

"Mmm.. okay po." Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo.

"Aalis din si Manang kaya, wag mong kalimutang ilock ang mga bintana at pinto pag umalis ka."

"Yes, Mom." Mahina kong sabi. Naglakad na siya palabas ng kwarto ko, ipinikit ko nalang ulit yung mata ko. Hindi na ko inaantok basta gusto ko lang ipikit yung mga mata ko.

Narinig kong biglang nag ring yung cellphone ko na dahilan para imulat ko yung mga mata ko at tumingin sa side table ko kung saan dun nakalapag ang cellphone.

Kinuha ko yun at tinignan kung sino yung tumawag.. si Baby.. teka sinong Baby?? Wala akong maalalang sinave na number na ang pangalan ay Baby. Then biglang pumasok sa masakit kung ulo si Damon.. ang nagiisang lalakeng tumawag sakin ng baby at hinayaan kong mag save ng number niya. Bakit Baby pa ang nilagay niya? Ang laki talaga niyang baliw!

"Oh?" Irita kong sinagot yung tawag niya.

"Bakit ganyan salubong mo sakin? Meron ka ba?"

"Shut up, dude!" I sighed frustratingly. Masakit na nga ulo ko lalo pa niyang pinapasakit. I sense he's smirking. "What makes you call?"

"I was just wondering.. do you know the nearest field at school, except syempre sa mismong school."

"Yah i do, why?"

"Pwede ka bang pumunta?"

"And why?"

"Dahil sinabi ko."

"At tingin mo susunod ako dahil lang sinabi mo?" Irita kong sabi.

"No!" He chuckled. "Alam kong hindi, pero hihintay padin kita." He ended the call. Hindi pa ko nakakapag salita binaba na niya agad. Wow! Para namang may pakialam ako kung mag hintay siya. Mag hintay siya hanggang mamuti ang mga mata niya wala akong pakialam.

Lumabas ako ng kwarto ko para makainum ng tubig. Ako lang mag isa ngayon sa bahay parang ang lungkot tuloy. Ngayong magkagalit kami ni Sam walang bibisita sakin at pupunta sa bahay para samahan ako habang walang ibang tao kundi ako lang. Lumabas kaya ako? Saan naman ako pupunta? Kay Majah o Luisa? Both nalang kaya? Hmm.. tatawagan ko nalang muna sila mamaya.

Tumingin ako sa bintana habang umiinum ng tubig, mataas ang araw ngayon at perfect para gumala. Buti nalang at nakisama ang panahon.

Kumain lang muna ko ng inihandang pagkain para sakin ni Mama tsaka umakyat ng kwarto ko para tawagan ang dalawa kong bruhang kaibigan. Si Maj ang una kong naisip tawagan, one ring lang sinagot agad.. mukhang hawak niya yung cellphone dahil ang bilis niyang nasagot.

"Napatawag ka, Amber?" She asked from the other line.

"Busy ka ba? Gala tayo."

"Hindi ako busy, pero sad to say may lakad ako."

"Saan naman?" Ano ba yan bigla akong nalungkot.

"May date ako." Woe!!!

"What??" I almost yelled. "Kanino?

"No idea, Dad wants me to meet this guy. Anak daw siya nung kaibigan niya." She sounded, frustrated.

"You haven't met him?"

"Not even in dreams."

"Shocks!"

"I know, sorry. Yayain mo nalang si Luisa pero goodluck nalang din kung hindi busy yun sa pakikipag date." She's right, kaya din siya ang una kong tinawagan dahil nga baka busy yun si Luisa sa lalake. Haay!

"Okay, goodluck sa date."

"Thanks."

Alam kong two percent lang ang chance na walang kadate si Luisa pero gusto ko pading subukan. Dinial.ko yung number niya at tinawagan na siya.. umabot na ng four rings, five, six hanggang nag call ended. Yaaah! Busy siya.

I lay at my bed, sighing. Anong gagawin ko nito ngayon sa bahay??

Hmmm... puntahan ko kaya si Damon? Tutal wala naman akong magawa eh. Kaso.. baka badtripin lang niya ko dun. Bakit nga kaya niya ko pinapunta dun?

I run to my bathroom para makapag shower. Tama, pupunta nalang ako ng field since wala akong magawa at wala rin namang mawawala kung pupunta ko. Lalayasan ko nalang siya pag binadtrip niya ko.

Natapos ako sa pag ligo at nag bihis ng, ripped skinny jeans, plain white t-shirts and rubber shoes.

Tulad ng sabi ni Mama dinoble check ko muna kung nakalock yung mga bintana at pinto tsaka akmang lalabas ng bahay pero napahinto ako dahil biglang lumakas yung ulan.

Kanina lang ang taas ng araw tapos biglang uulan? Senyales ba to na wag akong pumunta? Kaloka siya!

Haay! Mas lalo namang boring kung mag iistay ako sa bahay ng umuulan. Bahala na!

Dumiretso ako sa kotse ko para masimulan na ang byahe papunta sa field na malapit sa school. Dahil umuulan nakadagdag ito sa traffic, dahil din mabagal akong mag maneho ayun mas lalo akong natagalan sa byahe.

Nang finally makarating ko ang aking papatungan, nag payong ako syempre. At sinimulang hanapin si Damon. Makikita ko pa kaya siya dito eh umuulan, paano kung umalis na yun?

Sa paglibot ng paningin para hanapin siya may nakita akong tao sa football field na naglalaro magisa habang umuulan at topless. Finocus kong mabuti ang paningin ko dahil medyo nakakablurd sa paningin ang ulan at nakilala kong si Damon yun.

That Annoying BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon