That Annoying BOY - 28

15.1K 541 9
                                    

Sinimulan na namin hanapin yung magjowa dahil nakabili na kami ni Damon ng two large size of fries. At.. akin lang lahat yun! Madamot talaga ako pag dating sa fries. Haha!

"Hindi halatang favorite mo yung fries ah." Damon jokes.

"Actually ito ang drugs ko." I joke back. He laughed at my joke, wow! Nakakatawa pala yun? Siya palang ang natawa sa joke kong yun.

Baka sadyang masaya lang siya dahil sa pagpayag kong kasama siya sa pag celebrate ng birthday ko? Hmm.. pwede din. I wonder kung regalo na niya yung kwintas.

Kinuha ko sa bulsa ko yung kwintas at pinakita sakanya ito. "Regalo mo na ba sakin to para sa birthday ko?" I asked.

He chuckled. "No, hindi pa." Hindi pa? Kung ganun para saan to at binigyan niya ko nito? Kinuha niya sakin yun at pumwesto sa harap ko at isinuot yung kwintas sakin. Dahil sa paglapit niya sakin di ko maiwasang maamoy ang pabango niya, ang bango niya. "Nagustuhan mo ba?" Tanong niya ng masuot sakin yung kwintas.

"Uh.. pwede na. Para saan ba tong kwintas?"

"Matagal na sakin yan, ngayon lang ako nagkalakas ng loob na ibigay sayo."

"Ha'huh?" Nauutal kong tanong. Anong ibig sabihin nun?

"Wala! Hanapin na natin sila." He said then hinawakan niya yung kamay ko at tulad ng sabi niya sinimulan na ulit namin hanapin yung mag jowa.

Hmm.. so, ngayon lang siya nagkalakas ng loob na ibigay yung kwintas? Bakit gaano na ba to katagal sakanya? Gusto ko sanang tanungin kaya lang mukhang wala siyang planong sagutin.

Sa almost half an hour naming paghahanap sa mag jowa.. wala kaming napala! Nakakapagod ng maglakad ng maglakad kakahanap sakanila. Kaya buti nalang naisipan ni Damon na tawagan sila, bakit ba hindi namin naisip yun kanina?

"Hey, Lucas nasaan kayo?" Damon said. "Where? Wait i can't hear you.." tinakpan niya gamit ang daliri niya para takpan yung kabilang tenga niya. "You what?? Bakit niyo kami iniwan?" Iniwan?? Shit! Nasaan sila? Pambihirang Luisa yan, unti nalang iisipin ko na sinadya niya to kasi nga team Damon siya.

Inabot sakin ni Damon yung cellphone niya. "Gusto kang kausapin ni Luisa." Kinuha ko yun at itinapat sa tenga ko.

"Nasaan ba kayo?" Tanong ko.

"Pupunta kami sa Unit ni Lucas. Enjoy your date, beb."

"Luisa-" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil pinatay na niya yung tawag. Sinadya nga niya to!! Haay! Luisa, humanda ka sakin!

Inabot ko na sakanya yung cellphone niya. "Ano na ngayon?" He asked.

I sighed. "I don't know."

Nagkamot siya ng ulo niya. "Ano kaya kung ituloy nalang natin tong date?"

"Uh.. ano namang gagawin natin?"

"Hmm.. simulan natin sa pagkain, ginutom ako sa pagkain mo ng fries eh."

I chuckled. "Okay, sige."

So.. habang hawak again ang kamay ko, naghanap na kaming dalawa ng pwedeng kainan. Tila nasasanay na ko sa paghawak niya sa kamay ko.

Nakarating kami sa isang kainan at pinaghila pa niya ko ng upuan in a very gentleman-like. Wow ah! Si Damon ba to?

Ang bait niya ngayon baka naman mamaya magsungit na naman to. Ganun pa naman ugali nito. "Warningan mo na ko pag magsusungit ka na huh." I joke.

"Hah? What do you mean?" Pagtataka niya.

"Kasi naman pag nagiging nice ka sakin bigla ka nalang din sumusungit."

"Uh.. talaga? Ginawa ko yun?"

"Seriously?? di mo alam?"

"I didn't noticed it." Seryoso niyang sabi. So.. ano yun? Ako lang nakakapansin? "Sorry kung nasusungitan kita."

"Ayos lang, since di mo naman ata alam na dinidedma mo ko."

"Siguro, dahil lang yun sa nakikita kong kasama mo si Sam."

"Uhm.. anong ibig mong sabihin?"

"I think alam mo na yung sagot." He said then dumating na yung waiter para kunin yung order namin, kaya di na ko nakapag tanong pa. Alam ko na nga ba? Ang totoo may hinala na ang mga kaibigan ko, ayaw ko lang paniwalaan dahil masyadong assuming, mahirap maniwala hangga't hindi yun nanggagaling mismo sakanya. Pero paano nga kung.. paano nga kung gusto niya ko?

"Ayos ka lang?" Damon asked.

"Uh.. yah, may naisip lang." I suddenly heard my phone ring.. kinuha ko yun sa bag ko at di ko maiwasang mapatingin at mailang kay Damon dahil ang tumatawag sakin ngayon ay si Samie.

"Samie.. napatawag ka?" I answered it. Biglang nag bago ang mood ni Damon ng malaman niya kung sino yung tumatawag. Mukhang tama nga siya, dahil kay Samie kaya niya ko di sinasadyang nadededma. So, nagseselos siya?

"Anong oras ka uuwi?" He asked.

"Uhm.. hindi ko pa alam eh, magtitext nalang ako pag pauwi na ko."

"Okay, magingat ka pauwi. Mahal kita."

"Okay, salamat." Ibinaba ko na yung tawag at tumingin ulit sa nawalang mood na si Damon. Buti nalang at dumating na yung order namin. Sinimulan na naming kumain.

This food is so.. good!

Natapos kaming kumain ng tahimik kasi nga nawala na ang nice mood ni Damon at balik dedma mood. Si Samie nga talaga ang dahilan ng pagiging masungit niya.

Nag offer ako ng hati kami sa pagbabayad ng bill pero di naman siya pumayag.

"Uuwi na ba tayo o magmumukmok ka na lang?" I asked. Tumingin din siya sakin finally, kanina pa kasi siya umiiwas eh. Naglakad siya papalapit sakin at bigla akong niyakap na ikinailang ko kasi naman ang daming tao.

"Pasensya ka na, seloso lang talaga ko." He whispered. Okaaay, i admit.. unexpected itong pagamin niyang nagseselos siya. Kaloka! Bigla nalang umaamin. Hindi ko talaga siya mabasa.

That Annoying BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon