That Annoying BOY - 4

18.6K 574 4
                                    

Nag basa nalang muna ko ng librong nabili ko habang nagpapalipas sa paghintay sa oras. Habang si mokong Lawrence naman ang sarap ng tulog na may kasama pang pag hilik. Grabe siya! Samantalang ako na nanakit na yung likod ko kakaupo siya naman ang sarap ng higa.

Sulatan ko kaya to sa mukha? Tama good idea! Pero baka magalit naman siya sakin. Dibale bawi ko nalang yun sa mga pangugulo niya sakin sa classroom.

Kumuha ako ng pentelpen sa bag ko tsaka dahan dahang lumapit sakanya para di siya magising. I smile evilly.

Dahan dahan akong umupo sa kama at pinagmasdan siya. Sinong magaakalang ang amo ng mukha niya pag matutulog? Sana lagi nalang siyang tulog. Pero kahit maamo ang itsura niya ngayon di nito mapipigilan ang evil plan ko.

Tinangal ko na yung takip ng pentelpen, tsaka dahan dahan inilalapit sa mukha niya. Pero nung aakma na kong sulatan siya, napansin ko ang pagbabago ng itsura niya na tila sinasaktan ng kung sino. Anong nangyayari dito.

"Tama na!" He speaks Nagsasalita siya habang natutulog? Shit! Baka binabangungot na to.

"Damon!" I called. Hinawakan ko siya sa balikat at tsaka malumanay na ginigising. "Damon! Wake up!"

Nagising siya ng hingal na hingal at pawis na pawis na akala mo tumakbo sa isang Marathon. Tumingin siya sakin, tsaka umupo sa pagkakahiga at niyakap ako na ikinagulat ko. "D'Damon?" Nauutal kong tawag sakanya. Hindi siya nag salita o nag response manlang sa pagtawag ko sakanya basta nakayakap lang siya sakin. Hindi ko din naman alam kung bakit di ko tinatangal ang pagkakayakap niya para akong naging istatwa at di makagalaw sa bisig niya.

"Are you okay?" I asked.

"Amber." He murmured.

"Bakit?"

"Anong gagawin mo sa pentelpen?" Patay! Nakita niya pala. Nagkaroon na ko ng pagkakataong tangalin ang pagkakayakap niya sakin tsaka tumayo.

"Ah.. eto ba? W'wala, ano uh.. may ginawa kasi ako kanina tapos narinig kitang nagsalita kaya lumapit ako sa para gisingin ka." Huu! Buti naka isip ako ng palusot.

"Liar! May plano ka nu?"

"Ako??" I pointed myself, innocently. "May plano?? C'mon Damon, wag mo nga kong itulad sayo!"

He smirked at me, shaking his head. Mukhang di siya naniniwala. Siguro talagang di ako marunong mag sinungaling. Pasensya, di ako pinalaking ganun eh.

"Ayos ka lang ba?" Seryoso kong tanong.

"Yah! Bad dream lang." Bumangon na siya sa kama at nag unat sabay hikab. "Anong oras na?" Tanong niya. Tumingin ako sa relo ko.

"8:17pm, late na pwede na ba tayong umuwi?" Tanong ko.

"Okay, sige." Naglakad na siya palabas ng kwarto nang hindi manlang ako hinintay, yung mokong na yun talaga.. makakasakit na talaga ko eh. Sayang di natuloy ang evil plan ko, kung di lang siya binangungot nagawa ko na sana. Sayang!!

Patakbo ko siyang hinabol, naabutan ko siyang nasa tapat ng elevator habang naghihintay na magbukas ito. He's still yawning, obviously inaantok pa siya siguro kung di dahil sa panaginip na yun tulog pa siya.

Pumwesto ako sa tabi niya, at naghintay din sa pagbubukas ng elevator. Sa pag bukas ng elevator, may kasabay kaming couple na kung mag lambingan akala mo walang ibang tao. Oo nasa hotel sila pero pambihira naman, di pa ba sila tapos sa kwarto nila kanina na pati sa elevator may paghahalikang nagaganap?

Tsk. Tsk. Tsk.

Nakarating kami sa ground floor, finally then hinawakan na naman agad ni Damon yung kamay ko. Imposible namang hanggang ngayon nandito padin yung stalker niya? Gabi na kaya!! Hello!!

Habang hawak ang kamay ko, pumara ng taxi si Damon tsaka pa gentleman na binuksan ang pinto nito para sakin. Sumakay ako at laking pagtataka ko kung bakit pati siya sumakay.

"Ihahatid na kita, binitbit kita dito kaya ihahatid kita." He said sensing my confusion.

"Di mo na kailangan gawin yun!"

"Gagawin ko padin, baka kasi nandyan pa yung stalker ko at magtaka siya kung bakit ikaw lang ang nasa taxi."

"Gwapo huh!" Sarkastiko kong sabi. He smirked, chuckling a little.

Nag simula ang byahe namin, papunta sa bahay. I wonder kung hinahanap na ko, na for sure na din naman. Bakit kaya di nag iingay yung cellphone ko? Di ko naman naalalang naka silent yun. Kinuha ko sa bag ko yung cellphone ko, kaya naman pala lowbat na.

"Nagtext na boyfriend mo?" Damon asked.

"Wala akong boyfriend!" I hissed, irritably.

"Diba lagi nakaakbay sayo yung Basketball player na si Sam?"

"Best friend ko lang siya."

"Ah.. so gwardya mo lang siya."

"Gwardya??"

"Oo, tinalo pa magulang mo sa pagbabantay sayo eh."

"Protective lang siya."

"Sabi mo eh." Obvious naman na di siya convinced. Well, di na ko nagtaka kasi nga yung mga biro nila Majah at Luisa na baka binabakuran niya ko hanggang makagraduate para maging kami eh.. parang nacoconvince na ko. Halos ang dami na kasing nakapansin nun eh, na minsan nga iniisip na nilang kami na kahit di naman.

Nakarating kami ng bahay, syempre di na siya bumaba ng taxi. I won't allow it either, baka kasi makita pa siya nila Mama.

Isang nagaalalang Nanay ang sumalubong sakin pagkapasok ko ng bahay. "Where have you been?? Tinawagan ko na yung mga kaibigan mo, teammates mo pero di mo sila kasama. Tinawagan ko din si Samuel, ang sabi niya iniwan ka niya sa book store pero binalikan ka niya dun wala ka naman. Kaya, saan ka pumunta?"

Diyos ko Ma, blood pressure mo!

"May kaibigan lang akong tinulungan." Napaisip ako sa sinabi kong kaibigan.. kailan ko pa naging kaibigan si Damon? Yuck!

"Who?"

"New friend, you haven't met hi-her." I was about to say him, buti nalang nagpreno ang bibig ko at her ang nasabi ko. Baka kasi lalo siyang mag freak out pag nalaman niyang lalake ang kasama ko.

"Hindi mo manlang pinaalam sakin?"

Lumapit ako sakanya at niyakap siya. "Sorry, Mom. Lowbat na kasi cellphone ko kaya di ako nakatawag." Alam kong paglalambing ko lang ang makaka pag pakalma sakanya.

"Next time, tumawag ka muna!"

"Opo."

"Kumain ka na?" I shake my head. Hinila na ko ni Mama papunta sa dining room para siguro pakainin ako.

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now