That Annoying BOY - 20

15.8K 496 12
                                    

School days again..

Sa wakas makakalabas din ng bahay, kasi naman dahil sa sakit ko naburo na ko sa bahay. Si Mama pa naman ayaw akong palabasin ng bahay, buti nalang talaga may pasok na.

Gamit ang kotse ko papunta na ko ng school. Hindi na ko sinundo ni Sam.. ang totoo hindi pa ko kinokontak ni Sam simula nung mga sinabi ko sakanya. Nasaktan talaga siguro siya, malamang warningan ko ba namang ihihinto ko yung panliligaw niya eh.

Nakakakonsenya tuloy.

Nakarating ako sa parking ng school at dumiretso na sa classroom ko. Pagpasok na pagpasok ko, nakita ko na si Damon na nakaupo na sa tabi ng silya ko, mukhang tapos na yung pagiwas niya ah kaya seatmate na ulit kami. Medyo nakakailang lang dahil sa kiss namin, sana wag niyang ibring up.

Umupo na ko sa silya ko, as usual, he's sleeping. Ano bang pinanggagagawa nito pag gabi at lagi nalang tulog bago ang klase?

Di ko na muna siya inabala sa tulog niya, kasi baka talagang antok na antok siya eh. Nagbasa nalang muna ko habang wala pang professor ng biglang iangat ni Damon ang ulo niya, pikit pa ang isa niyang mata nang tumingin siya sakin. Umiwas agad ako ng tingin.

Wag mong ibibring up yung kiss. Wag mong ibibring up yung kiss! I prayed silently.

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong niya kaya tumingin ako sakanya.

"Ha?" Alam ba niyang nagkasakit ako?

"Sinabi ni Luisa na nagkasakit ka." Ang daldal talaga niya, siguro kaya niya binalita kay Damon dahil iniisip niya talagang may gusto sakin tong mokong na to. Pasensya siya di talaga ako naniniwala.

"Uh.. okay na ko."

"Mmm.." he just hummed and balik tulog na naman.

"Antukin." I murmured.

"I heard you."

"Bakit ba lagi ka nalang tulog bago ang klase?" Tumingin ulit siya sakin.

"Rumaraket kasi ako sa gabi." He seriously said.

"Ha? Anong raket?"

"Isa akong bampira tuwing gabi." He said laughing softly.

"Ha.Ha.Ha very funny, Lawrence!!" I roll my eyes at him. Nagtatanong ng maayos eh, pabalang na namang sasagot. Bwiset!

"I can't sleep at night." He murmured. Seryoso na ba siya o nantitrip na naman? Kasi pag to nantitrip na naman babatukan ko na to.

"Bakit?"

"Kasi.." he paused.

"Kasi??" I asked for him to continue his words.

"Kasi.. hindi natutulog sa gabi ang pambira." He laughed hard.

Ting!! Tunog ng dugo kong kumukulo sa inis. Napahinto siya sa pag tawa ng batukan ko siya sa likod ng ulo niya. "Aww!" Pagaangal niya.

Frustrated Vampire ba siya kaya puro Vampire ang dahilan niya?

"Alam mo hindi na ko magtatanong sayo dahil wala naman ako laging makuhang matinong sagot sayo!" Irita kong sabi. Tumawa lang naman siya na tila nabaliw na. Buti nalang dumating na yung professor namin at nahinto din siya sa pagtawa.

"Get some yellow sheet of paper, you have a surprise quiz." Our professor said making my classmates groans. Haaay! Kagagaling ko lang sa sakit, quiz agad? Gusto ba nila talagang pasakitin ulo ko?

"May papel ka?" Damon asked.

"Meron, gusto mo?" He just nods. "Bumili ka." Pabalang kong sabi. Ha! Payback time.

"Damot mo, sige ka di kita hahalikan." I look at him, shockingly, my mouth fell open. Hindi ako makapaniwalang sinabi niya yun. He smirked at me.

"Ewan ko sayo!!" Inis kong sabi. Binigyan ko nalang siya ng papel bago pa siya mag sabi na naman ng kung ano.

"Thank you, baby." He winks playfully. My God!! May pa kindat kindat pa siyang nalalaman at balik baby na naman siya, may nakain ata to eh.. maalam nga ng maiwasan.

Natapos ang quiz at si Damon ang unang natapos. Tinignan pa niya ko ng punong puno ng bilib sa sarili. Edi siya na!

Finally all our classes done..

Ako ang unang lumabas sa classroom namin dahil nagkukwnetuhan pa yung mga classmates ko.

"Amber.." Damon called. I face him.

"What?" I asked.

"Uh.." nagkamot siya ng ulo. "Ayos lang bang sumabay ako sayo sa pagkain?"

"Uhm.. yah, sure." He smiled, widely at me. Himala ata gusto niya akong kasabay kumain, talagang may nakain to eh. Sabay kaming naglakad ni Damon papunta sa canteen kaya pinagtinginan kami ng mga schoolmates namin. Siguro bumabalik na naman sa mga utak nila yung issue saming dalawa, Haay.. di pa ba tapos yun? May Sam na ngang nanliligaw sakin. Speaking of him.. magpapakita kaya siya sakin ngayon? Siguro dapat kausapin ko na siya.

Bumili na muna kami ng kakainin namin bago tuluyang umupo sa table mung nasaan sila Majah, Luisa at Riza..

"Ay ano meron bat magkasama ang AMBON?" Luisa asked, smirking teasingly to us.

"Ambon?" Pagtataka ko.

"Oo.. combination ng Amber and Damon.. AMBON!" Are you kidding me?? Like seriously Luisa, im with Damon?? Duh! Behave yourself!! I want to yell that to her pero di ko na ginawa dahil nakakahiya.

Tumawa lang silang lahat maliban samin ni Damon kasi nagtinginan kami, ako sa hiya malamang siya siguro dahil sa pagtataka.

"Tumahimik ka nga, yang mga names mo.. wala na sa hulog." Sarkastiko kong sabi kay Luisa.

"Ayos naman ah." Damon said, grinning. Sinamaan ko siya ng tingin at tinignan ng shut-up look.

Maj cleared her throat making us all look at her. "Ang sama ng tingin ni Samie dito." Napatingin ako sa direksyon ng table nung mga Basketball player at tama si Maj.. nakatingin samin si Sam at ang sama ng tingin niya dahil siguro kasama ko si Damon sa iisang table.

Umiwas na ng tingin si Sam nung makitang tumingin ako.

I stand. "Saan ka pupunta?" Damon asked.

"Kakausapin ko lang si Sam." I answered.

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now