That Annoying BOY - 52

16.1K 593 16
                                    

"Sweetheart, nandyan na si Damon." Mama yelled outside my room.

Dali dali akong lumabas ng kwarto nang marinig ko palang na nandyan na yung boyfriend ko. "Salamat Ma, alis na po kami." Pagpapaalam ko kay Mama tsaka dali daling pinuntahan si Damon.

I saw him seating on the couch. "Baby, let's go?" I asked making him looked at me.

"Okay."

Magkahawak kamay kaming lumabas ng bahay hangang sa makarating kami ng kotse niya. Pinag buksan niya ko ng pinto at pag kasakay ko nag seat belt naman agad ako.

"Buti nag long sleeves ka." Sabi niya pagkaupo niya ng driving seat. Halata parin sakanya yung galit sa nakita niyang pasa sa braso ko. "Sana lang hindi natin makita o makasalubong yung gagong Sam na yun dahil sisirain ko talaga mukha niya!" He dryly said.

"Baby, ayos lang naman ako eh hayaan mo nalang." I lied. Ayoko lang talaga ng gulo at gusto ko na ng katahimikan samin ni Samie.

"Ayos?? Nang makita kita kagabi you're shaking, he leaves you bruises then sasabihin mong ayos ka lang? Alam kong sinasabi mo lang yan dahil kahit papaano best friend mo siya pero pasensya ka na baby, wala akong pakialam kung best friend mo siya. Hindi niya dapat ginawa sayo yan, walang kapatawaran yung ginawa niya sayo." He angrily said.

"Ayoko lang na kumalat pa sa school yung ginawa niya."

"Isang sapak lang, siguro naman alam na niya ang ibig sabihin nun kahit hindi ako mag salita." Mukhang sarado na talaga yung utak niya. Siguradong di ko na siya mapipigilang suntukin si Samie. Sana lang talaga hindi sila mag kaabot sa school, sana wag nalang mag pakita si Samie tulad ng ginagawa niya noong umiiwas siya sakin. Para peaceful ang araw na to.

Sinimulan na namin ang byahe ng tahimik lang, wala akong maisip na sasabihin at mukhang ganun din siya.

Naramdaman ko ang pag hawak niya sa kamay ko, kaya napatingin ako sakanya. Naka focus lang siya sa pagmamaneho, dahan dahan niyang nilapit ang kamay ko sa labi niya at hinalikan ito.

Bilang sukli sa paglalambing niya, hinalikan ko nalang siya sa pisnge.

Nakarating kami ni Damon sa school, hindi ko na hinintay na pag buksan pa niya ko ng pinto at bumaba na agad ng kotse sakto naman ang kita ko kay Samie na papalapit sa direksyon ko kaya bigla akong kinabahan.

Kinabahan ako dahil maliban sa ideang pagtatangka niyang halayin ako na talaga namang nag bigay trauma sakin, kasama ko si Damon na kanina pa nanggigil na makita siya para masuntok.

"Amber.." Samie called, walking closer to me.

"Lumayo ka nalang muna pwede?" Pagtataboy ko. Mahirap maging referee sakanilang dalawa, pambihira naman! Bakit ba hindi muna niya ipagpaliban ang kausapin ako hangang sa lumamig ang lahat?

"Wag na wag kang lalapit sa girlfriend ko, Samuel." Damon warns, angrily.

"Wag kang makialam dito!" Samie said. Before pa ko makapag salita at pigilan sila sa pag aamabahan ng tingin, nasugod na siya ni Damon at sinuntok na kinatumba ni Samie.

Fuck!

Nag madali akong lumapit kay Damon dahil kahit natumba ni Samie sa lakas ng suntok niya plano pa niyang sugurin to, hinila ko siya sa damit niya at pumagitna.

"Tama na baby, please." I begged. Thank God nakinig naman siya, dahil umatras siya pero yung tingin niya kay Samie nakamamatay padin. Kung nakakapatay nga lang yung tingin baka wala na tong si Samie.

"Tandaan mo to Samuel, sa oras na hawakan mo ulit si Amber mag pasensyahan tayo pero gugulpuhin kita wala akong pakialam kung matalik kang kaibigan ng mahal ko. This is not a warning this is a threat, understand?" Damon says. Hinawakan na niya ko da kamay at hinila na palayo kay Samie, nilingon ko siya sandali kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi sa ginawa niya sakin.

Nag patuloy ang pag hila sakin ni Damon hangang sa makarating kami sa classroom namin at umupo. "Ayos lang sakin na magalit ka sa ginawa ko kay Sam, pero hindi parin ako mag sosorry sa ginawa ko. He deserves that, kulang pa nga eh."

Haay! I understand na galit siya, ako din naman. Pero best friend ko padin yun eh, ngayon.. nakikita ko ng malayo na ngang mangyayaring magkakasundo pa sila ni Samie.

Sana matapos na tong hidwaan nila.

Dumating na yung prof. namin at nag simula din naman agad tong magturo samin kaya di na kami masyadong nakapag usap pa ni Damon.

Pero sa kalagitnaan ng busy naming prof, naramdaman ko ang pag hawak ni Damon sa kamay ko kaya di ko maiwasang mapatingin sakanya.

Nakatitig lang siya sa kamay ko at di nakikinig sa klase. Nang mapansin niyang nakatingin ako, tumingin din siya sakin.

Yung mga mata namin parang nag uusap, pero di ko nga lang alam kung ano yun.

"I love you." He mouthed.

I smiled. "I love you too." I mouthed back. Siya din naman ang unang bumitaw sa pakikipag titigan at hinalikan ang kamay ko.

Nang matapos ang lahat ng klase namin...

Hawak lang ni Damon yung kamay ko habang papunta kami ng canteen, dumiretso na siya sa bilihan ng pagkain habang ako dumiretso sa table kung nasaan ang girls.

"Hey beb, how are you?" Luisa asked.

"Better." I reassured.

"Good to hear that." Majah said.

"Anyways, Damon called us.. you're with him all night, so anong ginawa niyo?" Malisyosang tanong ni Luisa.

I rolled my eyes. "Private!"

She laughed. "Alam na!"

"Grabe ka talaga Luisa!" Majah said laughing.

"Tumigil na nga kayo!" Sabi ko na mas lalong nagpalakas ng tawa nila. Grabe talaga.

"Nagkaabot na ba yung magkaribal?" Luisa asked. I know she's referring to Damon and Samie.

"Yah, kanina."

"Amber.." I heard Samie's voice calling me. Tumingin ako sakanya at sinamaan siya ng tingin. "Can we talk?"

"Bakit ba hindi ka muna lumayo at palamigin muna yung sitwasyon? Ayokong mag away na naman kayo ni Damon."

"Gusto lang kitang makausap at mag sorry."

"Madali lang sabihing pinapatawad na kita pero mahirap kalimutan yung kababuyan mo sakin Samie, please if you really want my forgiveness lumayo ka muna samin o sakin."

"Okay, if that's what you really want." He seriously said. "I'm really sorry, Amber." He sincerely apologized.

--

Keep voting babies. ☆

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now