That Annoying BOY - 6

16.6K 557 4
                                    

"What??" I freaked out, yelling.

"Woe, calm down." She said laughing.

"Saan mo naman nakuha yang tsismis na yan?" Fuck! Sa dinami dami ba naman ng pagtsitsismisan ako pa? Kaya ba kakaiba yung tingin ng mga schoolmates ko kanina? Langya!

"Naka post sa Facebook group ng school, spotted kayong nag check in sa hotel may pictures pa nga eh. Here oh.." pinakita niya yung yung pictures..

Me and Damon, talking with the receptionist.

Me and Damon, holding hands in front of elevator.

Me and Damon, entering the elevator.

Fuck!! May nakakita samin? Sino?? Di kaya yung stalker ni Damon? Kung siya nga bakit niya ikakalat? Baka na galit dahil akala niya may jowa na yung kinababaliwan niyang si Damon. Haaay! Bakit pati ako dinamay niya?

"For real Amber?" Majah asked, shockingly.

"So, si Damon na yung napili mo? Paano na si Hottie Samie?" Lusia said.

"Woe wait, cut the may napili words na yan." I snapped. "First, di kami nag didate, second.. i was just helping him yesterday para tigilan siya nung stalker daw niya. Kaya yang pictures wala lang yan!" Pagpapaliwanag ko.

Syete naman oh!!!

"So, magkasama kayo sa hotel pero wala manlang nangyari?" Malisyosang tanong ni Luisa.

"Wala nu!!!" Haay! Pambihira! Nakakapanginit ng ulo. Aakma na sana akong lumabas ng locker pero pinigilan ako ni Majah.

"Girl may practice tayo remember?" She said.

"Sandali lang to, pupuntahan ko lang si Damon para linawin niya to!"

"May mamaya pa girl, gusto mo bang magalit si Coach?" Shit! Tama siya, pag nalalate pa naman sa practice pinaglilinis ng buong court. I sighed heavily.

Sabay sabay na kaming nag puntahan sa court sa nang matapos kaming makapag bihis. Tingin ko di rin naman ako makakapag practice ng matino kung ganito naman kagulo yung utak ko.

Nag stretching lang muna kami, bago tuluyang sinimulan ang practice. Kaya lang ang isip ko lumilipad kaya nasesermunan ako ni Coach, pati ni Maj na captain ball.

Haay! Dapat di ko nalang nalaman yun eh, dapat di nalang ako pumayag na sumama sa kalokohan ni Damon.

Natapos finally ang practice at syempre ako ang nangungunang umalis ng court pero biglang humarang sa daan ang crush na crush ni Maj na si Mario.

"Amber, may problema." Hingal na hingal niyang sabi.

"A'Ano yun?"

"Si Sam kasi eh, sumugod sa football field at sinuntok si Damon kaya pinatawag sila ni Dean." Fuck!

"Bakit daw?" Pagtataka ko.

"Nakita niya yung pictures niyo sa Facebook group, ayun sumugod sa galit si Sam." Diyos ko naman ano bang parusa to? Dagdag problema na naman!

"Naloko na, nag suntukan na ang magkaribal!" Luisa said. Haay!

Nag madali akong mag shower at mag bihis sa locker room namin tsaka nag madali puntahan si Sam sa Dean's office. Sinamahan ako ni Majah at Luisa, siguro para makiusyoso din.

Dahil mukhang kumalat sa school ang nangyaring suntukan sa field, pinagtitinginan na naman nila ko. Siguro iniisip na ng mga baliw na to, na two timer ako. Langya!

Sakto pagkalapit namin sa office ang paglabas nung dalawa na halatang inis pa sa isat isa at may mga pasa sa mukha.

"Bawiin mo yung sinabi mo kanina!" Sam said to Damon.

"Dude, wag kang pikon! I was just saying the truth!" Damon, smirked at him. Kwinelyuhan siya ni Sam, kaya mas lalo akong nagmadali makalapit sakanila para pumagitna.

"Tama na yan!" I almost yelled. Bumitaw sa pagkakakwelo ni Sam kay Damon at dinaanan lang ako na akala mo di ako nakita o narinig.

I glared at Damon. "Fix this!!" Irita kong sabi. Pagkasabi ko nun, sinundan ko na si Sam dahil sigurado akong galit siya.. hindi lang kay Damon o sa nakita niya sa Facebook pati sakin.

"Sam!" I called, shouting. Hindi niya ko pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. I run closer to him and grabbed his arm to face me. He gives me a blank stare.

"Siya pala yung kasama mo, kahapon. Sa Hotel siya nag pasama? Amber naman, di ka ba mag iisip talaga bang magpapahotel ka na nga lang sa walang kwentang lalakeng pang yun?"

I slapped him, angrily. "Parang sinasabi mo na kaladkarin ako dahil sumama ako sakanya! Hindi ako makapaniwalang sayo talaga nanggaling yan, sayo na best friend ko? Ganun ba kababa ang tingin mo sakin?"

"Kung ganun bakit ka sumama sa lalakeng yun sa hotel? Ano bang ginagawa ng lalake at Babae sa Hotel?"

"Alam mo di ko kailangan mag paliwanag sayo! Isipin mo kung anong gusto mong isipin, bahala ka na!" Binungo ko siya sa paglalakad para lang malaman niya na di lang siya ang galit. Akala niya ata maganda sa pandinig yung sinabi niya. Ni hindi manlang niya inisip yung sasabihin, parang di niya ko kaibigan.

Dumiretso ako sa kotse ko at walang pinansin na kahit na sinong tumatawag sakin kahit pa sila Maj at Luisa yun, gusto kong mapagisa at lumayo sa school na to.

Ang bilis kong pinatakbo ang kotse ko papunta sa di ko alam.. basta gusto ko lang mag magmaneho at makalayo, gusto kong sumigaw ng sumigaw para mawala tong inis ko.

Nakarating ako sa isang over looking na lugar na ngayon ko palang napuntahan. Pagkakataon ko na ngayong sumigaw ng malakas.

"Aaaaaaaaaaaaahhhhhh!" I scream, loudly as i can. I don't care kung mapaos ako, kung ito lang naman ang paraan para gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi ko matangap na ang best friend ko pa talaga ang unang kukwestyon s pagkatao ko. Siya na kasama ko halos buong taon ko sa mundo. Nakakabwiset! Akala ko di niya ko masasaktan, pero nagawa niya! Kagagawa niya lang! Fuck!!

That Annoying BOYजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें