That Annoying BOY - 34

14.9K 470 12
                                    

Nagising akong yayakap ang napakalaking teddy bear na regalo ni Damon sakin. Gustuhin ko mang yakapin pa si Baby Bear kaya lag kailangan ko ng bumangon dahil may pasok pa ko.

Natapos na ko sa pag prepare ko sa pagpasok at narinig kong kumatok si Mama mula sa labas.

"Sweetheart, may mga sundo ka." She said, making me look at her. Mga?? "Nadyan si Samuel at yung Damon."

I sighed. Kaya pala! Yung dalawa ang may gustong sumundo sakin. "I'm sorry Mom."

"Sweetheart, you don't have to say sorry. Hindi mo kasalanan na mahulog sayo yung dalawang yun. Just make sure na alam mo yung ginagawa mo."

"Yes, Mom." Sinabayan ko na si Mama sa pagbaba papuntang sala dahil nandun daw yung dalawa na sana naman hindi nagaaway at nagbabangayan. Haaay! Mukhang iinit na naman ulo ko.

Laking luwag sa dibdib ko ng makita kong nakaupo lang sila at di nagpapansinan. Sabay silang tumayo ng makita ako. "Goodmorning." Sabay nilang bati sakin.

"Anong ginagawa niyo ditong dalawa?" Tanong ko kahit obvious naman kung bakit nga sila nandito.

"Ihahatid kita school." Sam said.

"Yun din sana ang plano ko." Damon said.

"May sarili akong kotse, marunong akong mag maneho. Pupunta ako sa school magisa. Magsialais na kayo!"

"Sige."

"Okay." Sabay nilang sabi. Buti naman at madali silang kausap ngayon.

"Please lang pag labas niyo wag na kayong magaway!" Tumango lang sila tsaka nag simulang maglakad paalis. Huminga ako ng malalim at timingin kay Mama.

"Aalis na po ko." I kissed her cheek.

"Sige, magingat ka."

Naglakad na ko palabas ng bahay at naabutan ko pa yung dalawa na nakasandal lang sa mga kotse nila. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy tuloy lang sa kotse ko at pinaandar to palayo.

Gusto ko sanang isipin na nasa same school lang kami kaya nila ako sinusundan pero mas malakas ang paniwala ko na dahil gusto lang talaga nilang sumabay, dahil kilala ko silang ang bilis mag maneho samantalang ako ang bagal.

Pag dating ko ng school dumiretso na ko sa classroom ko. Gusto ko na munang makaiwas sakanila dahil sumasakit ang ulo ko sakanila. Pero kahit anong iwas ko, classmate ko naman si Damon.

Nakakapanibago lang dahil ako ang nauna saming dalawa sa classroom. As expected uupo siya sa tabi ko..

"Hi?!" He greeted. Mukhang binabalanse niya kung tama ba ang timpla ko ngayon o hindi.

"Hi." I greeted back. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko, kaya yung sira ng araw ko parang nawala. Ano to? Hawak lang ng kamay okay na agad? My subconscious said.

"Pwede ka bang tumingin sakin?" Sumunod ako sa request niya. "Mahal kita." OO NA SIGE NA, KINILIG NA KO! Mokong na to kailangan ba talagang sabihin pa yun sa kalagitnaan ng galit ko?

"Don't used that words when im mad." I said trying to hide my kilig. Hinalikan niya yung kamay kong hawak niya habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.

"Hindi ka ba muna matutulog bago dumating yung prof.?" Tanong ko.

"No, mas gusto kong titigan ka." He said grinning. Hinawi ko yung mukha niya, kasi naman ang lagkit niyang tumingin. Pag ganitong alam niya kung anong nararamdam ko para sakanya baka tadtarin ko siya ng halik na talaga namang sobrang tempting gawin.

"Kinilig ka!" He teases.

"Hindi nu!"

"Lier!" He said laughing. I slapped him on the back of his head. "Awww!" He pouts. Isa nalang talaga! Isang isa nalang hahalikan ko na to!

Salamat nalang at dumating na yung professor namin at natigil ang pangungulit ni Damon sakin pero yung paghawak sa kamay ko hindi nahinto. Hindi na ko nagabalang hilain pa yun kasi alam kong hindi naman niya bibitawan yun.

So, hangang matapos ang klase ayun hawak kawak lang niya yung kamay ko, ni hindi nga siya nakapag sulat ng lessons namin dahil mas inabala pa niya ang hawakan ang kamay ko.

"Sabay tayong kain?" Tanong niya nang matapos ang klase.

"Plano kong kausapin si Samie ngayon eh." Biglang sumeryoso na naman yung mukha niya. Ibig sabihin selos mode na naman siya. Pinisil ko yung ilong niya, bilang ewan.. siguro paglalambing? "Kakausapin ko lang siya." Paniniguro ko.

"Samahan kita?"

"Magaaway lang na naman kayo, kaya wag na. Kaya ko na yun." Ang hirap hirap pa naman nilang awatin.

"Paano kung halikan ka na naman niya?"

"Hindi niya gagawin yun." Hindi nga ba?

"Paano mo nasabi?"

"May tiwala ako sakanya!"

"Ako wala!"

I sighed. "Damon, best friend ko parin siya."

"I know sorry." He quickly apologized.

"Pwede ko na ba siyang puntahan?" I asked.

He nods. "But promise me one thing!"

"Ano yun?"

"Pupuntahan mo ko after niyong magusap."

"May practice kami eh." Pagpapaalala ko.

"After, practice?" I nodded. "Hihintayin kita sa field." I just nodded again. He kissed my forehead first, bago tuluyang naglakad na siya palabas ng classroom. Hindi tuloy maiwasang tumingin ng mga classmates namin sakin dahil sa paghalik sakin ni Damon sa noo. Haay! Yung mokong na yun talaga kahit kailan, napaka pasaway. Pwede naman naming gawin yun in private, sa classroom pa talaga niya ginawa.

Lumabas nalang ako ng classroom dahil pinagpifiestahan na nila ko ng tingin tsaka sinimulan ko na ang hanapin si Sam. Syempre nahanap ko siya na naglalakad paputa ng Basketball gym..

"Samie.." i called. Tumingin siya sakin at blangko lang ang reaksyon. "Can we talk?" I asked as i walk closer to him.

"Sorry Mama Ber, may gagawin pa kasi ako eh." He said then walk away. Pinagmasdan ko lang siya maglakad palayo sakin at hindi ko na siya pinilit since mukha ayaw niya talaga. Ako lang ba nagiisip o parang umiiwas siyang magusap kami?

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now