That Annoying BOY - 21

15K 487 17
                                    

Nag simula na kong puntahan si Sam sa table nila. Tingin ko hindi parin nawawala ang pagiging best friend side ko dahil hindi ko matiis na hindi kami naguusap.

"Sam.." tawag ko sakanya pagkalapit ko. Nilingon niya ko at tinignan ng blangko. "Can we talk?" I asked sana pumayag siya.

Tumango lang siya at tumayo. Tsaka naglakad palabas ng Canteen ng hindi manlang ako hinintay. Grabe siya! Sinundan ko lang siya sa paglalakad ng paglalakad hanggang sa makarating kami sa open ground ng school.

"Now what?" He asked, facing me. His face is unreadable.

"Uh.. tungkol dun sa mga sinabi ko sayo, pasensya ka na. Hindi ko sinasadyang sabihin yun."

"Pero yun talaga ang iniisip mo tungkol sakin diba?" Seryoso niyang tanong.

"Oo." I look down.

"Pasensya ka na." I look up at him. He still looks hurt. Shit! Talaga ngang nasaktan ko siya. Niyakap ko agad siya. "Pasensya ka na kung nasasakal ka sakin, mahal lang talaga kita at di ko kayang mawala ka sakin, lalong lalo na ang maagaw ka ng iba. Natatakot lang akong baka magmahal ka ng iba."

Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at hinawakan siya sa magkabilang pisnge. He's crying. Shit!! I hate myself for doing this to him. Maybe naging unfair din ako, hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na maging isang manliligaw sakin. Inuuna ko kasi ang mailang dahil best friend ko siya at pagiisip masyado kung tama bang pumayag na ko sa panliligaw niya.

I wiped his tears. "Sorry, mali ako.. pasensya ka na dahil hindi ko binigyan pansin yung ideang manliligaw ko na nga yung best friend ko. Ayoko lang talagang may magbago, pero wag kang magalala mag aajust na ko para sayo." I reassured.

"Pasensya ka na din, nakalimutan ko din na hindi mo lang ako maliligaw kundi best friend din. Ibabalik ko yung dati, pangako."

"So am i forgiven?" I asked.

"Yah." He finally smiles. Niyakap niya ko ng pabuhat na dahilan para mapatili ako pero tinakpan ko din naman agad yung bibig ko. Kasi nakakahiya pinagtitinginan na kami ng mga studyante.

"Don't do that again!" I scolded him.

He grins. "Namiss lang kita, Mama Ber." Niyakap niya ulit ako this time.. mahigpit na at talagang pinahalata niya sakin kung gaano niya ko namiss dahil sa higpit ng yakap niya.

"Okay, enough."

"Malapit na birthday mo, may plano ka na?" He suddenly asked. Oh!! Nakalimutan ko na tungkol dun. Oo nga pala malapit na birthday ko. "Nakalimutan mo nu?"

"Oo."

"Haay, paano ka nalang kung wala na ko." He jokes.

"Oo na! Ikaw na ang humihinga kong reminders at calendar."

"Speaking of Calendar.. malapit ka ng magkaroon diba?"

"Ay grabe siya oh! Sige pagkalat mo pa, ipangalandakan mo sa school." I roll my eyes on him. He grins at me, chuckling a little. Inakbayan niya ko at ginulo yung buhok.

"Wag ka magalala secret natin yun kaya di ko ikakalat yun." Kinurot ko siya sa tagiliran niya hanggang sa bumitaw siya sa pagkakaakbay sakin. "Aray!!" He groans loudly.

"Pumunta ka na nga sa practice niyo!" Irita kong sabi.

"Okay, bibisita ako mamaya sainyo ah."

"Okay, sige na.. umalis ka na." Pagtataboy ko. Sumunod naman na siya. Buti nalang kasi naman todo pangtitrip na naman siya. Pero kung tutuusin bumalik na kami sa dati kaya ayos na din, bumalik na yung pagiging mag best friend namin. Isa nalang ang kailangan kong gawin, ang matangap na manliligaw ko na nga siya.

Kailangan pa talagang umabot sa pag haheart to heart maayos lang kami ulit. Sana mag tuloy tuloy na to, sana lagi nalang ganito.

Dinala ako ng paa ko para bumalik sa canteen buti nalang at naabutan ko pa sila Maj, Luisa and Riza pero wala na si Damon. Baka tapos ng kumain.

"Nakapagusap na kayo ni Sam?" Maj asked.

"Yup, ayos na kami." Laking ngiti kong sabi.

"So panalo na ba ang team Samuel?" Maj asked, smirking teasingly at me.

"Asa ka captain, team Damon padin yan." Luisa said. "Ikaw Riza, kaninong team ka?" Luisa asked Riza. Haay! Ayaw talaga nilang tumigil.

Tila nag isip muna si Riza sa isasagot niya. "Team.. Samuel!" She almost screams.

I roll my eyes. "Alam niyo, mag practice nalang tayo.. para yung Team natin maganda ang laro sa myerkules!" I said as i stand.

"Tama ka!" Luisa agreed. Himala! "Maghahanap ako ng kapwa ko team Damon, sa ibang girls." She added then nagsimula ng maglakad. Ang kati nila sa ulo.

Nagsimula na kaming pumunta sa gym kasama ang tatlong hindi parin tumitigil sa paguusap about Team Damon at Team Samuel. Kailan kaya sila titigil. Siguradong magtutuloy tuloy hanggang mamaya dahil maghahanap pa ng kakampi si Luisa.

Nakasabay namin sa paglalakad sa hallway ang ibang player ng football team sina Lucas, Damon, isang di ko kilala at si Kevin yung ginulpi ni Damon dahil sa pangbabastos sakin. Gusto kong umiwas at baka makasampal ako ng manyak.

"Hi, Sweetie." Lucas greeted Luisa.

"Hi." Matipid na bati ni Luisa. Lumapit siya kay Luisa at hinalikan ito sa labi. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Damon dahil naalala ko na naman yung kiss namin. Pambihira, sana mabura na yun sa utak ko.

"Amber.." Kevin called. Nakaramdam ako ng irita sa pag tawag sakin ng mokong.

"What?" Irita kong tanong.

"Sorry dun sa ginawa ko nung nakaraan ah, ano lasing lang kasi talaga ako nun. Pasensya ka na." Abat marunong din naman palang mag sorry ang mokong na to.

"Just don't do it again." I hissed.

"Hindi na, pangako."

"So.. paano yun lang pinunta namin dito. Alis na kami." Lucas said then humalik ulit siya kay Luisa. Tumingin ako kay Damon na hindi manlang nagsalita mula ng makasalubong namin sila. Naglakad na sila lahat lahat, di parin niya ko pinansin ni di nga nagabalang tignan ako eh.

Ibang klase, kanina lang close na close kami ngayon dedma na naman siya. Ano ba talagang utak meron ang Damon na yun??

That Annoying BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon