That Annoying BOY - 13

15.5K 511 7
                                    

Nag prepared na ko para sa pagpasok kasi for sure pupunta na dito si Samie para sunduin ako. Isang linggo na din ang nakalipas mula ng manligaw sakin si Samie, sa inaasahang pangyayari natuwa ang both parents namin. Nagkaroon pa nga ng dinner between his family and family ko, tapos puro future na namin ni Samie ang pinaguusapan at kung gaano sila kasaya na sa wakas nilevel up na namin ang friendship namin.

Di nila itinatago na boto sila saming dalawa. Kaya nakakailang.

Halos isang linggo na din mula ng sinusubukan kong isauli kay Damon yung pinahiram niya saking jersey noong pinapunta niya ko ng field. Sa di kasi malamang dahilan parang iniiwasan niya ko, ni hindi ko na nga siya seatmate eh. Pumwesto na siya sa likod na upuan ang huli naming paguusap eh yung nagaway pa kami sa kotse ko. Akala ata ng mga lalake babae lang ang unpredictable, lalake din kaya.. duh!

Inilagay ko nalang ulit sa bag ko yung Jersey this day pursigido na kong isauli sakanya to, kahit na pinapahalata niyang umiiwas siya. Ayaw ko lang kasing makita pa ni Samie yung Jersey na yun pag selosan niya.

Kumatok si Mama sa labas ng kwarto ko. "Sweetheart, nandyan na sundo mo." Mama said, she's referring to Samie.. sino pa nga ba? Siya lang naman ang sundo ko palagi.

"Okay Ma, thanks." Lumabas na ko ng kwarto ko at nagpaalam na kela Mama at pinuntahan na sa labas si Samie, beso ang salubong niya sakin tsaka pinagbuksan ng pinto sa kotse na hudyat para sumakay na ko.

Tahimik lang ako habang nasa byahe, kung noon to baka ang daldal ko na. Ewan ko ba simula ng manligaw siya parang naging tahimik na ko at nawala ang pagiging madaldal at makwento ko sakanya.

Siya lang ang makwento saming dalawa, kinukwneto niya kung paano niya tinutulungan si Mario sa panliligaw kay Maj. Yup, nanliligaw na din si Mario kay Maj, syempre laking tuwa ng captain namin nagtatatalon pa nga siya nun sa locker room namin nung sinabi niyang nililigawan na siya ni Mario.

Nakarating na kami sa school at di na ko nag abalang pag buksan pa ko ni Samie ng pinto sa kotse, bumaba na ko at nagpaalam sakanya. Tsaka dumiretso sa classroom ko, syempre ieexpect ko ng nasa likod ng upuan ko si Damon at nakayuko na tila natutulog.

Pagod siguro dahil sa kaka practice kahapon, bukas kasi may laro na sila eh.

Umupo ako sa table ko at kinapa sa bag ko yung Jersey niya tsaka tumalikod para harapin siya. "Damon.." mahina kong tawag. Hindi siya sumagot o nag response manlang. "Damon!" I called again still no response.

Batukan ko kaya to ng magising? Good idea!

"Okay, class turn you module to page 86." Ma'am Borejon said as she entering the room and before ko pa magawa ang evil plan kong batukan ang natutulog na si Damon.

Naman eh!

Kinuha ko na yung module ko sa bag at nilagay sa page 86 tulad ng sabi ni Ma'am. "Ms. Tuazon." Ma'am called.

"Po?"

"Pwede paki gising yung natutulog sa likod mo bago ko pa maisipang sipain siya palabas ng klase ko." Oh shit! She's referring to Damon. Great!! Bakit ako pa? Ang daming pwedeng utusan eh.

Tumalikod ulit ako hinarap si Damon tsaka siya inalog sa balikat para magising, unti unti niyang inangat yung ulo at dedmang akala mo walang professor at nagunat lang sabay hikab. Tsaka tinangal yung earphones sa tenga niya.

Kaya naman pala di siya nag reresponse sa mga tawag ko dahil may earphone siya sa tenga. Napaka antukin niya talaga sa klase.

Natapos ang mga klase namin kaya nagkalakas na ko ng loob na harapin na ulit si Damon pero bago ko pa magawa yun nakatayo na siya at nagmadaling makalabas ng classroom. I groan, secretly.

Yung mokong na yun talagang hindi nagmimintis na inisin ako. Nagmadali akong lumabas ng classroom at nang makita ko siya naglalakad sa hallway at naglalagay ng earphone sa tenga niya binato ko sakanya yung Jersey niya na ikinagulat at ikinainis niya. Ayaw niya kong kausapin at dedma lang siya sakin edi ihahagis ko nalang sakanya yung Jersey niya at least di pa ko nag aksaya ng laway ipaliwanag kung bakit ngayon ko lang nasuli yun.

Humarap siya sakin at halata sa mukha ang inis dahil sa pag bato ko ng Jersey. "Hindi mo ba kayang iabot to ng maayos ha, Tuazon?" Oh!! Balik Tuazon na at wala ng baby.

"Paano ko maiaabot ng maayos sayo yan kung iniiwasan mo ko, Lawrence!"

"Sinong nagsabing iniiwasan kita?" Pagmamaangmangan niya.

"Alam mo di mo man sabihin halatang halata sayong iniiwasan mo ko, kaya salamat nalang sa pagpapahiram niyan." Nagsimula na kong maglakad at di na hinintay pa ang sasabihin niya dahil baka malate pa ko sa practice at paglinisin pa ko ni Coach ng buong gym.

Nakarating ako ng locker room saktong at nag bihis na ng pangpractice habang busy yung iba sa pagtatawanan at pagkuwentuhan.

"Guys sino sasama sakin sa Party ng mga football player bukas?" Luisa asked as she enter the locker room.

"Invited ka dun?" Joan asked.

"Yup, may kafling kasi akong football player eh." She said grinning. Haay! Ibang klase talaga.

"Paano na si Rafael? Akala ko ba bet mo siya?" Maj asked.

"He's so pakipot like duh, ano tingin niya siya lang lalake?" Paano si Justin? Syempre tanong ko lang sa loob loob ko yun.

"Mama Ber, sama ka?" Luisa asked. Simula ng nililigawan ako ni Samie yan na ang tawag niya sakin kaya nakakainis.

"Tigilan mo nga kakatawag ng Mama Ber sakin." Irita kong sabi.

"So sasama ka nga?"

"Kung party ng mga football player yan, salamat nalang dahil makikita ko lang dun ang annoying na si Damon."

"Birthday ni Damon eh, kaya malamang nandun siya." I look at her in shocked.

"Birthday ni Damon bukas?"

"Yup." She said nodding.

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now