That Annoying BOY - 18

15K 489 14
                                    

Sa kotse ni Damon ako nakasakay samantalang sa kotse naman ni Luisa ang gamit nung dalawa. Hindi ko maiwasang antukin sa byahe dahil sa tahimik naming dalawa tsaka feeling ko talagang pagod na pagod ako.

Nagising ako ng wala parin kami sa bahay pero tingin ko malapit na kami, nakaidlip pala ako. I yawn looking at the road, nakasandal yung ulo ko sa bintana ng kotse.

"Malapit na tayo, don't worry makakahiga ka na sa kama mo." Damon said.

"Hmm." I just hummed. Hindi ko alam ang sasabihin kaya nag hummed nalang ako. "Pansin ko lang parang di ka inaantok?" Tanong ko.

"Kasi nagmamaneho ako." Tama nga naman. Sabi ko nga eh hindi na dapat ako nagtatanong eh. Minsan talaga mas okay nang di siya kausapin kasi puro pabalang naman lagi ang sagot niya.

Narating din namin finally ang bahay at laking kaba ko ng makita ko ang kotse ni Samie sa tapat ng bahay. "Anong oras na?" Tanong ko kay Damon ng di inaalis ang tingin sa kotse ni Samie.

"1:15am." He answered. 1am but still nandito parin siya? Kailan pa kaya siya nandyan? Alam kong magaalala sakin si Samie pero diba parang O.A na to? Anong oras na bakit di nalang siya umuwi at kausapin ako bukas?

I sighed. "Pagbaba ko umalis ka na." Hindi siya sumagot. Bumaba nalang ako ng kotse at ganun si Samie mula sa kotse niya na hindi maipinta ang mukha.

"Amber, anong oras na bakit ngayon ka lang?" He scolded. He sounded like my father.

"Galing akong birthday kaya anong ineexpect mo?" Hindi ko maiwasang pabalang magsalita. Kasi naman kung inis siya, inis din ako dahil sa pagiging possessive niyang manliligaw.

"Then why are you with him? Where is Luisa?" He asked pointing the direction from my back. Lumingon ako at nakita ko si Damon na bumaba ng kotse niya. Haaay! Bakit ba hindi pa siya nakinig sa sinabi ko at umalis? Mga lalakeng to, sakit sa ulo.

Buti nalang sakto ang dating nila Luisa kaya hinarap din niya si Samie. "Sam, you're still here?" Luisa asked.

"Bakit kasama niyo si Damon?"

"Dahil birthday ko." Damon answered Samie's question.

"Birthday niya?? Teka.. birthday ni Damon ang pinuntahan niyong party?" Gulat niyang tanong.

"Ganun na nga." I said.

"Nag sinungaling kayo sakin?" Inis niyang sabi na ikinainit ng ulo ko. Para kaming kriminal nito at talagang seryosong naiirita ako. Bakit ba ganito na kumilos tong si Sam?

"Guys, sige na umuwi na kayo." Kalmado kong sabi sa tatlo.

"Aalis ako pag nakapasok ka na ng bahay niyo." Pagmamatigas ni Damon. "Hindi kita iiwan sa possessive mong manliligaw."

Lumapit si Sam kay Damon sinuntok ito sa sobrang inis. "Anong sinabi mo?" Inis na sabi ni Sam after niyang suntukin si Damon. Pero di niya ginatihan si Sam, tumayo lang siya at inayos yung suot niya.

"Aalis ako pagnakapasok na siya." Pagmamatapang ni Damon habang nakatingin sa mga mata ni Sam. Dahil sa ginawang yun ni Damon sinuntok na naman siya ni Sam. Hinawakan ko sa braso si Sam at hinila palayo kay Damon.

"Tama na pwede?? Naiinis na ko sa pagiging possessive mo Samuel. Manliligaw palang kita at hindi boyfriend kaya itama mo yang kinikilos mo sa relasyon natin ngayon. Alam mo di ko maintindihan, simula ng manligaw ka nag bago ka na! Nagkamali nga ata akong pumayag na magpaligaw na sayo! Ngayon umalis ka na bago ko pa tuluyang patigilin ka sa panliligaw mo!"

Halata sakanya ang gulat sa mga sinabi ko, maski ako nagulat dahil hindi ko na napigilang nasabi sakanya yung nasa loob ko.. dala na rin siguro ng inis, antok at mga nangyayari ngayon. Nakakapagod na!

"Amber, sorry hindi ko alam na-"

"Umuwi ka na lang!" Pagpuputol ko sa sasabihin niya.

He sighed. "Okay." Naglakad na siya papunta ng kotse niya at sumakay tsaka sinimulang bumyahe pauwi.

He looks hurt. Shit! Haay! Napaka haba ng araw na to.

"Nangako ka diba?" Irita kong sabi kay Damon habang pinapaalala yung pinangako niyang hindi siya makikipag away kay Sam pagnagkaabot sila.

"Oo at ginawa ko naman. Kita mo naman diba? Di ako bumawi sa suntok niya dahil kung di ako nangako sayo ginulpi ko na yun."

Haay! Nakakapagod ng magisip.

"Amber sige na mag pahinga ka na, pagod ka na." Luisa said, sensing my thought. Niyakap niya ko at bineso. "Thank you at sinamahan mo ko."

"Okay, magiingat ka pauwi." She nods smiling. Tumingin lang ako kay Lucas bilang paalam at nakipagtitigan muna kay Damon para kaming naguusap sa pamamagitan lang ng tingin pero di ko naman alam kung anong pinaguusapan namin.

Pumasok na ko ng bahay at dumiretso sa kwarto ko.

Ang haba ng araw na to at sa totoo lang gusto ko ng matulog pero nahihirapan ako dahil sa mga sinabi ko kay Sam at sa halik namin ni Damon.

I yawned looking at the ceiling. Finally dinalaw din ako ng antok.

Katok mula sa labas ng kwarto ko ang dahilan para magising ako. Hmm.. ano bang meron? Wala naman pasok ah.

Pumasok si Mama ng kwarto ko. "Sweetheart are you okay?" She asked. What is she talking about? Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa noo. "You're sick."

What?? I groan silently.

"I'm okay Mom." I reassured. Umupo ako mula sa pagkakahiga at ngayon naramdaman ko na ang panghihina.

"Dadalhan kita ng breakfast, para makainum ka ng gamot."

"Okay." Mahina kong sabi. Pinanuod ko lang si Mama na lumabas ng kwarto ko.

Bakit bigla akong nagkasakit? Kaloka naman to!

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now