That Annoying BOY - 14

15.3K 521 8
                                    

Kinukulit pa din ako ni Luisa para pumunta sa pa birthday party ng teammates ni Damon para sakanya, mamayang gabi. Wala daw kasi siyang kasama, ang pinagtataka ko bakit ako ang kinukulit niya.

"Amber, ano sama ka na.. sige na!" Pangungulit ni Luisa. Nasa canteen na kami ngayon, para kumain. "Manunuod pa tayo ng game nila. Ano game ka?"

"Iba nalang kasi isama mo, bakit ako pa? Yayain mo si Maj o kaya si Joan." I said pointing them.

"Magkikita kami ng girlfriend ko, di pwede." Joan said.

"Kami din ni Mario." Majah said.

"See, mga taken na to. Kaya sumama ka na!"

I sighed. "Paano si Samie? Alam mo naman yun gustong gusto kasama ako, baka di rin yun pumayag."

"Ay boyfriend na ang peg?? Ako bahala sakanya. So, sasama ka na?"

"Okay, sige." She stands in excitement at hinila ako patayo.

"Tara na, manunuod pa tayo ng game nagsisimula na yung game nila."

"Ngayon na?" Gulat kong tanong. "Kalahati palang nakakain ko sa pagkain ko."

"Sa kotse ka na kumain."

"Paano si Samie?"

"Tawagan mo kakausapin ko sa cellphone." Sabi niya sabay hila sakin. Ayy, excited lang ang peg? Birthday niya, birthday niya??

Wala na kong nagawa kundi magpakaladkad sakanya papunta sa kotse niya tsaka sumakay, siya sa driving seat ako sa passenger seat at dinial ko na yung number ni Samie para makausap na siya ni Luisa. Dalawang ring lang sinagot na agad niya.. niloudspeaker ko para marinig ko yung paguusapan nila.

"Mama Ber, namiss mo ba ko?" He said from the other line, making Luisa laughed.

"Kakausapin ka ni Luisa." Tumingin ako sakanya at nag go sign.

"Hey, Samie.. Amber and i were going on my friend's birthday party, tumawag ako para di siya ipaalam sayo kundi sinasabi lang namin ang plano namin hanggang mamayang gabi para di ka magalala." Salamat nalang at di niya sinabing birthday ni Damon ang pupuntahan namin kasi baka sumugod dun si Samie at magkagulo pa.

"Kaninong birthday?" Samie asked.

"A friend you haven't met yet." Luisa said. Galing nitong magpalusot ah, paturo nga ko next time.

"Sabihin mo sakin kung saan para masundo ko siya mamaya." Oh no!! I shake my head to Luisa saying wag mong sasabihin.

"Ako bahala." She mouthed at me. She cleared her throat. "Wag na, ihahatid ko naman siya pauwi eh. Wala ka bang tiwala sakin?" She makes a fake insulted sounds voice. Gusto ko siyang bigyan ng clap clap pero mamaya nalang.

"Di naman gusto ko lang masiguradong safe siya."

"Safe siya." Paniniguro ni Lulu.

We heard Samie sighed, sign of his giving up. Luisa gives me a mission accomplish smile. I grin at her. "Okay, nakikinig ba si Amber?" Samie asked.

"Yes." I speak.

"Magtext ka ha."

I sighed. He sounded like a possessive boyfriend kahit hindi naman kami. "Okay." Pinatay ko na yung tawag at ngumiti kay Luisa.

"Ang galing mong gumawa ng mga palusot ah." I said grinning.

"Naman nu, ako pa." Kompyansa niyang sabi.

"Turuan mo ko ah, para magamit kay Samie."

"Tanong ko lang ah, plano mo bang sagutin si Samie?" She asked.

"Honestly, di ko pa alam. Kasi naman parang mas sanay akong maging best friend lang siya."

"Kung ganun bakit ka pumayag na manligaw na siya?"

"Sabihin nalang natin na preparation lang yun para kung sakaling maka graduate kami, medyo sanay na ko."

"So.. you're still looking for someone na mag bibreak ng deal niyong yun?" She asked smirking.

"I uh.. never thought about that. Kasi nanliligaw na siya ngayon eh." Nauutal kong sabi.

"Paano kung merong magparamdam maliban kay Sam?"

"Imposible yun, bantay sarado ako ni Samie eh."

"Hindi ngayon." Pagpapaalala niya.

"Mag focus ka na nga lang sa pagmamaneho mo, mamaya maaksidente pa tayo." Pagbabago ko ng topic. Di ko siya maintindihan kung bakit bigla siyang nagtatanong ng mga ganung bagay. Well siguro kung may iba ngang magparamdam maliban kay Samie kung ako naman wala din maramdaman para sakanya baka si Samie padin ang piliin ko.

Narating namin ang Stadium kung saan ang laro ng Football team, tsaka kami humanap ng mauupuan. Tulad ng ineexpect kunti lang ang nanunuod ng hindi kasi ganun kasikat ang Football team ng school kahit na nagbigay na sila ng dalawang championship para sa school.

Nag sisimula na ang laro at hinanap agad ng paningin ko si Damon dahil siya lang naman ang kaclose ko sa football team kahit na siya ang pinaka kinaiinisan ko. Nakita ko siyang hingal na hingal at pawis na pawis na marahil dahil sa pagtakbo ng pagtakbo, siya ang madalas bantayan dahil nga siya ang star ng team.

Wala naman akong maintindihan sa rules ng football basta ang alam ko lang kung sino ang maka goal siya ang may score, pero pareho pang walang score ang magkabilang team.

"Sino pala yung kafling mo sa football team?" I asked Luisa.

"Si Lucas ang goal keeper." Tumingin agad ako sa goal keeper nila, medyo malayo pero masasabi kong cute siya at siya ang tipo ni Luisa malamang kasi never naman niyang ididate yun kung di niya type.

May narinig kaming tilian na nagaganap sa di kalayuan samin. Pareho kaming napatingin sakanila at tumingin sa field kung bakit sila nagtitilian yun pala ay dala dala na ni Damon yung bola at sumusugod na papunta sa goal ng kalaban madami siyang nadaanang kalaban pero dahil sa galing ni Damon magdala ng bola naiwasan niya ang mga yun. Nag dirediretso siya sa goal at sinipa ang bola at mas lalong lumakas ang tilian ng mga babae sa di kalayuan samin dahil naka goal si Damon.

I grin watching Damon, he obviously enjoy this sport. Tumakbo siya palibot ng field nung maka score siya habang yung ibang teammates niya ay hinahabol siya at nung may nakaabot sakanya sinakyan siya nito sa likod. Ganyan siguro sila mag diwang pag nakaka goal.

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now