That Annoying BOY - 40

15.3K 469 7
                                    

Umalis ako ng Basketball Gym na tumutulo ang mga luha ko sa mga mata ko. Sinubukang akong icomfort nila Luisa at Maj pero ewan ko ba ayaw talagang tumigil ng mga luha kong to. Ang sakit lang talaga dahil simula ngayon tapos na yung pagkakaibigan namin ni Sam.

Nasabi ko pa noon na mas okay nang mawalan ng jowa wag lang ang best friend, pero napaka hirap pala nun ngayon dahil mahal ko talaga si Damon.

Sana maayos pa to.
Gusto kong maayos to.

"Amber, tahan na.. palamigin mo lang muna ang sitwasyon, magkakaayos din kayo." Maj said trying to comfort me.

"Sana nga." I said sobbing.

"Hinihintay ka pa ni Damon, remember?" Pagpapaalala ni Luisa. "Baka sumugod na yun dito dahil wala ka pa." Dagdag niya.

Shocks, tama siya. Baka mas lalong magkagulo pag pumunta pa dito si Damon. Alam kong hindi kami ayos ngayon ni Sam pero sana pag nagkaayos kami sila naman ni Damon ang sunod na magkaayos dahil pareho silang importante sakin.

Pinunasan ko yung luha ko and i cleared my throat. "Pupuntahan ko na si Damon." They just nodded. Nag madali na kong puntahan si Damon sa parking dahil baka totohanin nga niya yung sinabi niya na pupuntahan niya ko para rumescue.

Nakita ko siyang nakasandal sa kotse at patiently nag hihintay, base sa pagyugyog niya ng paa niya.. ano bang tawag dun? Kuyakoy ba yun? Basta halata sa kilos niya ang pagkainip.

Lumapit na ko sakanya. "Damon." I called, softly.

Tumingin siya sa direksyon ko at halatang nagaalala siguro dahil halata sa mga mata ko na kagagaling ko lang sa pagiyak. Hinawakan niya agad ako sa magkabilang pisnge. "Ayos ka lang baby?" He asked.

"I hurt him." Shit! Nararamdaman ko na namang tumulo yung mga luha ko. Bat ba ang babaw ng luha ko ngayon?

"Hey, don't say that. I don't want to say it's fine coz i know it's not.. but, one thing for sure magkakaayos din kayo. Hindi ka niya matitiis at promise pag dumating ang araw na magkaayos kayo babawasan ko na ang pagseselos." Niyakap ko agad siya at sinuksok ang mukha sa dibdib niya, di ko na napigilang umiyak ulit. Sana nga di ako matiis ng best friend kong yun, sana nga kausapin na niya ako.. gusto ko agad agad pero alam kong napaka selfish na nun. Alam kong kailangan na muna niyang mag laylo.

"Stop crying baby." He said tapping my back to comfort me.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya. "Sorry di ko alam kung bat ang iyakin ko."

"Ayos lang baby, but i don't want to send you home kung ganyan ang mga mata mo."

I cleared my throat, trying to stop my sobbed. "Okay, i understand."

"May gusto ka bang puntahan muna bago kita ihatid?" Tanong niya. I just shake my head. He sighed. Hinawakan niya yung kamay at pinasakay na ng kotse. Tsaka siya pumwesto sa driving seat.

Sinimulan na niyang mag maneho at di ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Mukhang alam na niya kung saan kami pupunta kaya di na ko nagtanong at hinayaan na siya kung saan niya kami dadalhin.

Dinala kami ni Damon sa isang Condominium kaya di ko maiwasang tignan siya ng nagtataka. Anong gagawin namin dito? Bakit dito niya ko dinala?

Bumaba siya ng kotse niya at pinagbuksan niya ko ng pinto sa kotse. "What are we doing here?" I asked.

"Uh.. ipapakita ko lang sayo yung secret place ko."

"Secret place?" Gulat kong tanong. Tumango lang siya at di nag salita basta hinawakan niya yung kamay ko at sinimulan na namin pumunta sa elevator. Nang makasakay kami, pinindot niya ang 17th Floor.. so dun ang punta namin.

May secret place si Damon? Para saan at nagkaroon siya ng secret place?

Nang lumabas kami sa elevator, naglakad na kami papunta siguro sa Unit niya. May kinuha siyang susi sa packet niya at binuksan na yung Unit. Hinawakan niya ulit yung kamay ko at pumasok na sa Unit.

Unang mapapansin sa Unit na to.. pintura, paintings and.. walang gamit pang bahay maliban sa sofa at refrigerator.

"You paint?" Gulat kong tanong.

"Uh.. sometimes yes." He shyly said.

"What do you mean sometimes?"

"If I'm just you know.. frustrated, mad or sometimes sad."

"Did you do all of this??" I said pointing all the paintings na nakasadal lang sa pader yung iba pinagpapatong patong nalang niya.

"Yup."

"Pwede ko bang tignan?" I asked ng hindi inaalis ang tingin sa mga paintings. He just nods. Dahan dahan akong naglakad papunta sa mga paintings niya para makita.

I really don't know how to described all his paintings, kasi wala naman akong alam pag dating sa mga ganito pero masasabi kong malungkot ang mga paintings niya. Is still because of pinagdaanan niya nung bata siya?

But still ang galing niya.

"Ano bang hindi mo kayang gawin? Feeling ko kasi kaya mo lahat."

"Shoot a ball." He answered making me look at him and laughed softly. Yah as i remembered natalo ko siya dun. He grins at me. "Salamat naman at tumawa ka na." Lumapit siya sakin. He bend down to kissed my lips.

Hinawakan ko yung mga kamay niya after niya kong halikan at iniyakap to sa bewang ko, tsaka isinuksok ko ulit yung mukha ko sa dibdib niya at niyakap siya.

"I can't dance too." He said. Hmm? I look up at him. "Another thing, i can't do." He said.

"Well i guess nalamangan na naman kita dyan." I said grinning.

He grins back. "You dance?" I nod confidently. "Show me!"

Okaaay.. since he requested it. Kinuha ko yung cellphone ko at pinatugtog yung kanta na My Boo.

"Join me, okay?" I said. He shakes his head, chuckling.

The music finally started and nag simula na kong sumayaw ng running man kaya di niya mapigilang tumawa. Sornaman! Yun lang ang alam kong sayawin. Hinila ko siya para sabayan ako nung nag hehesitate pa siya pero napilit ko din kaya this time ako naman ang tumawa sakanya. Tama siya, di siya marunong sumayaw. Parehong left ang paa niya sa pagsasayaw.

And by that.. my mood change. Thanks to Damon.

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now