That Annoying BOY - 15

15.2K 507 11
                                    

Natapos ang game na ang team ng school ang panalo dahil sa goal ni Damon. Hindi na nakakagulat.

Nag stay lang kami ni Luisa sa parking kasi dun daw kami kikitain ng mga football player. Kaya medyo nakakailang kasi naman sinama lang ako ni Luisa at feeling ko di naman ako invited sa birthday party ni Damon. Tsaka huli ko siyang nakausap nagkainitan pa kami ng ulo, tapos wala pa kong gift. Haay! Kaloka!

"Luisa!" We heard boy called her. Sabay kaming napatingin sa lalakeng tumawag sakanya. Nakita na namin ang buong football team.

"Lucas!" Lulu called back.

"Hi, Amber buti nakasama ka." Lucas said to me. Kilala niya ko?

"Uh.. Hi, din."

"Tuazon?" Damon called me. Halata sa mukha niya ang pagkabigla dahil nakita niya ko dito. "Anong ginagawa mo dito? Nanunuod ka ba ng game?" Damon asked.

"Yah. Nice goal." I said trying to be nice kasi birthday niya.

"Tara na, inuman na!" Lucas shouted making his teammates screaming the word Birthday while jumping and tinutulak tulak nila si Damon. Ang ingay nila.

"Luisa, ayos lang bang sumabay ako sa kotse mo? Para sabay na tayong pumunta sa location?" Lucas asked Luisa.

"Yah, sure." She answered smiling.

"May dala kang kotse?" Damon asked me. I shake my head. Hinawakan niya ko sa wrist. "Dun na siya sa kotse ko." Damon said to Luisa. Nag thumbs up lang sakanya si Luisa tsaka kumindat sakin.

Bago pa ko makaangal kay Luisa na sakanila na ko sasabay nahila na ko ni Damon papunta sa kotse niya. Haay! Kaladkarin ata ako ngayong araw kasi dalawa na silang kumaladkad sakin. Kaloka sila.

Si Damon ang nasa driving seat malamang ako naman sa passenger seat. "Happy birthday." I greeted him habang iniistart niya yung kotse. Tumingin siya sakin. "Sorry wala akong gift, hinila lang ako dito ni Luisa eh."

"Ayos lang, tsaka ko na kukunin yung gift ko sayo."

"Ha?" I asked confused. Di niya pinansin yung sinabi ko at tuluyan ng inistart yung kotse at sinimulan na namin ang byahe papunta sa kung saan man yun. Sana marating na namin yun, kasi naman ang awkward nitong katahimikan namin. Sana talaga dun nalang ako sumakay sa kotse ni Luisa eh.

"Buti pumayag yung manliligaw mong pumunta sa birthday ko?" He asked, making me look at him. He's focusing on driving. Alam niya palang nanliligaw na sakin si Samie.. malamang kantahan ba naman ako sa canteen eh, ewan ko lang kung di pa yun kumalat.

"Magaling mag palusot si Luisa, di niya sinabing birthday mo ang pupuntahan namin kaya napapayag niya si Samie." Speaking of Samie.. ang sabi pala niya mag text ako. Haay! Pag di ako nag text baka magtanong na yun kung kani-kanino.

Kinuha ko yung cellphone ko at nakita kong may mga text na mula kay Samie..

*** Nasaan na kayo? ***

*** Sinabi ba ni Luisa kung saan yan? Pwede ba kitang puntahan? ***

*** Magtext ka naman! ***

I sighed heavily. I knew it!! Nag reply na ko bago pa niya ko ipablater na nawawala ako.

*** Papunta palang kami, I'm safe nothing to worry about. Calm yourself. ***

Itinabi ko na ulit yung cellphone ko at tumingin sa road, baka sakaling alam ko kung saan kami pupunta.

Sa byahe namin nakarating kami sa isang resort. So dito pala nila planong mag celebrate? Taray ah, paresort resort nalang. Halos magkakasabay lang kaming nakarating sa resort at hinanap agad ng paningin ko si Luisa at nung makita ko siyang pababa ng kotse niya mula sa passenger seat nilapitan ko agad siya at iniwan na si birthday boy.

"Kamusta ang byahe?" Luisa asked, smirking.

"Boring." I mouthed. She laughed.

"Hey, Amber." Lucas greeted.

"Hey." I greeted back, smiling.

"Shall we go?" Lucas asked us. We just nodded our head to him. Umakbay si Lucas kay Luisa, kaya di ko tuloy alam mung saan ako pupuwesto kung tatabi pa ba ko kay Lulu o maglalakad nalang sa likod nila.

So, kesa naman ang awkward kung katabi ako nung dalawa sumunod nalang ako sakanila sa paglalakad at dumiretso kami pool area at laking gulat ko na may mga girls na nakabikini at tila kilala sila ng buong football team. Actually nagkanya kanya na silang partner. Oh.my.god! Bakit ba ko sumama dito? Parang di ako belong.

"Amber.." Luisa called running closer to me. Naging statwa na kasi ako sa entrance kaya tumakbo siya papalapit sakin.

"Bakit di mo naman sinabing pool party to?" I asked.

"Eh alam ko kasing di ka sasama pag sinabi ko."

"Don't worry may dala akong bikini para satin." She winks playfully.

"Di ako makapaniwala, di nalang dapat ako sumama."

"Don't say that. You should enjoy your freedom hangga't free ka pa. Kasi yung Samie mo, possessive na manliligaw palang paano pa kaya pag kayo na?"

"Ako lang ba nakakahalata o talagang di ka boto kay Samie?"

"Look.. i was just saying na habang kontrolado mo pa, enjoyin mo na." She explained. "Ano tatayo ka nalang ba dito at magpapakabog sa mga babaeng nakabikini dyan? Hello mas sexy tayo sa mga yan nu." She added making me laughed, softly.

"Alam mo namang di ako sanay sa mga ganyan."

"I know, pero hindi ito ang first time mong magsuot nun kaya wag ka ng ano dyan!!" Hinila na niya ko papunta sa changing room at inabot niya sakin ang red bikini.

"Wala bang iba?" I asked.

"Yan na, wag ng choosy girl." Nag simula na siyang magpalit samantalang ako nagiipon pa na ng lakas ng loob. Oo nag bikini na ko dati pero mga friends ko ang kasama ko hindi mga strangers tulad ng football team at nung mga chicks nila.

"Ay ano girl, magdadasal muna bago mag bihis?" Luisa asked nang matapos siyang magbihis, suot na niya yung blue bikini niya. Buti pa siya confident magsuot nun samantalang ako wala.

"Eto na, pwedeng kumalma?" Pumasok na ko sa changing room at sinuot na yung bikini at nung magawa ko yun lumabas ako at laking ngiting tinignan ako ni Luisa.

"You look hot Mama Ber, ewan ko lang kung di maglaway ang mga football player sayo."

I roll my eyes. "Shut up, Lulu."

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now