17

24K 1K 177
                                    

• 🏐 •

Nanalo rin kami sa last game namin ng preliminary rounds. Masaya ang buong team kasi sa 9 games ay 8 ang panalo at isa lang ang talo namin. Kami ang number 2 sa standings. Easton naman ang number 1 since wala silang tao. Kinakabahan na ako sa kanila ngayon pa lang. Tapos iyong Westmore ay number 3 na may 2 losses at Northville naman ang nag-number 4.

Ten teams ang naglaban pero top 4 lang ang papasok sa semifinals. Rank 1 vs. rank 4 then Rank 2 vs. rank 3 ang format ng semis.

Which means Westmore ang makakalaban namin.

Nakakatakot sila kalaban sa totoo lang.

Wala ngang silbi iyong kaba namin sa Easton kasi sa Westmore pala kami dapat kabahan muna. Oo, natalo namin sila no'ng preliminaries pero umabot ng 5 sets iyon. Wala pa namang twice-to-beat advantage ang rank 1 and 2 hindi gaya ng sa in-season tournament. Best of 3 ang semis kaya twice-to-win ang kailangang gawin.

Kaya sobrang crucial ng game number 1.

Kung sino ang manalo ro'n, ang laki na ng advantage.

Pero 3 days before ng umpisa ng semifinals, e, parang lumabo bigla iyong chance namin na makapasok sa championship game. Nalaman na lang namin na may ilang member ng team A nila ang maglalaro!

Nagkasakit daw kasi iyong iba tapos may isa raw na na-injure during training. Sumakit iyong ulo ko bigla no'ng sinabi iyon nila coach.

Grabe. Hirap na hirap na nga kami sa team B pa lang nila tapos ngayon, e, maglalaro na iyong team A nila?

Hindi ba pwedeng ibigay na lang nila sa 'min 'to? Bawi na lang sila sa in-season!

Tsk. Mukhang malalang training ang kailangan naming gawin, a?

"Tangina. Ang daya naman! Allowed ba iyon na magpalit sila ng players sa gitna ng tournament?" Galit na sabi ni Jerome na nasa tabi ko no'ng sabay-sabay kaming kumakain pagkatapos ng training.

"Ch-in-eck ko. Pwede magpalit or magdagdag sa lineup kapag may sakit o injured ang player," sagot ni Drew habang nakatingin sa phone niya.

Sabay-sabay kaming bumuntong hininga.

"Kaya iyan, guys! Natalo na nga natin sila, e. 'Wag n'yo sabihing iniisip n'yo na tsamba lang natin iyon?" Si Vince.

"Hindi ba?" Natatawang sagot naman ni Kiko.

Nagtinginan kaming lahat at sabay-sabay ulit na bumuntong hininga. Ayaw sana naming isipin na naka-tsamba lang kami kahit pinartidahan na nila na team B ang ipadala pero sabi ko nga, e, kailangan din natin ng reality check sa buhay.

Nahirapan kami sa game na iyon.

Muntik pa nga kaming matalo.

Ang mas maganda na lang na isipin namin ngayon, e, palagi namang may chance manalo dahil bilog ang bola. Hindi pa rin namin masasabi hangga't hindi umaabot sa tatlong sets ang nakukuha ng kalaban.

Basta, laban lang. Kaya nga kami nagte-training, e. Basta mag-enjoy lang kami at walang mai-injure sa kahit na sino sa kahit saang team. Knock on wood.

Pero alam kong kaya ng Creston iyan. Kaya namin iyan.

"Sus! Kaya iyan! Ilaban na natin. Nasa semis na tayo, e," sabi ni Jerome at tumango naman ako. Pareho pala kami ng iniisip.

"Oo nga! Basta hindi mag-e-error si Vince!" Si Paul na nag-umpisa na namang mang-asar.

"Gago! Mag-block ka muna!"

Napailing na lang ako nang magbangayan na sila.

"Sa tingin mo, Kai, maglalaro kaya si Alejo?" Sabi ni Jerome na hindi na nakisali sa asaran ng team.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon