02

31.7K 1K 673
                                    

• 🏐 •

"Kai, kain na!"

"Yes po, ma!" Sagot ko saka na tumayo sa kama.

Grabe. One week na ako rito sa Baguio pero iba pa rin talaga iyong feels ng kama ko sa mismo kong kwarto. Simula no'ng dumating ako, puro higa at tulog lang ang ginawa ko. Idagdag pa na ang lamig kahit summer. Wala pa rin talagang tatalo dito sa amin.

Para na nga rin akong patabaing baboy, e. Bukod kasi sa tulog ay puro lang din ako kain. Paano ba naman kasi, itong si mama, panay luto ng masasarap. Sa mga mata niya, nangayayat daw ako kaya maya't maya ay pinapakain ako ng kung anu-ano.

Though na-miss ko rin naman talaga ang mga luto niya.

Tapos ang fresh pa palagi ng mga ingredients dito. Malapit lang din kasi ang bahay namin sa wet market na bagsakan ng mga gulay at prutas.

Iyon nga lang, sure akong pagagalitan ako ni coach pagbalik ko ng Creston. Feeling ko kasi, tumaba na naman ako. 'Di bale na nga. Magwo-workout na lang ako nang matindi pagbalik.

"Nakahiga ka na naman sa kwarto mo, Kaizen," sabi ni mama habang kumakain kami.

"Ang lamig po kasi. Do'n sa Manila, ang alinsangan, e," sagot ko.

"Lumabas labas ka. Sumama ka sa mga pinsan mo. Namumutla ka na. Hindi na normal iyang kaputian mo."

Ano naman kasi ang gagawin ko sa labas?

Tiga-rito na ako, e. Nalibot ko na ang buong Baguio. Alam na alam ko na nga kung saan makakahanap ng mga legit na matatamis na strawberries, e.

Ngumiti na lang ako kay mama saka naglagay ulit ng rice sa plato ko. Pangalawa ko na 'to. Ang sarap kasi ng ulam. Nag-request ako ng strawberry sinigang kay mama. Hindi na healthy pero minsan lang naman ako umuwi rito kaya lulubos lubusin ko na.

Pagbalik ko kasi ng Manila, estudyante na naman ako. Focus ulit para sa grades. Tapos mamalayan ko na lang na balik na rin ulit kami sa training kasi sabi ni coach ay sasali raw kami sa isang off-season tournament.

Ang hirap talaga maging student-athlete.

Ang hirap pagsabayin ng pag-aaral at trainings. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapasa sa mga subjects ko, e. Mas marami pa kasi iyong mga times na nag-pray ako kaysa nag-aral.

Sophomore na ako next academic year. Applied Corporate Management ang course ko at ang sabi ay mas mahigpit daw sa second year. Aside sa final 4 para sa team next season, ang goal ko rin ay ma-maintain iyong mga grades ko kung gusto kong makalaro.

Strict pa naman ang Creston pagdating sa mga student-athletes. Sabagay, wala naman kasi kaming binabayarang tuition fee. Kami pa nga ang binibigyan nila ng allowance.

Sana kayanin ko.

Pagkatapos kumain ay sinamahan ko si mama na tumambay muna sa terrace. Magtsa-tsaa raw kasi siya. Hindi ako mahilig sa tea kaya nag-coffee ako. Grabe nga, e. Na-miss ko pala talaga ang Baguio. Lalo na 'tong mga ganitong moments namin dito sa terrace ng bahay namin. Tapos ang lamig pa. Parang ayoko na muna tuloy bamalik sa Manila.

"Kumusta, 'nak? Panalo ba kayo?" Tanong ni papa nang i-video call namin siya ni mama. Nasa Canada siya ngayon. Doon kasi siya nagtatrabaho as head nurse. Next year pa ang uwi niya.

"Hindi po, e," sagot ko. Na-facial pa nga po ako.

"Sus! Okay lang iyan. Bawi na lang kayo sa susunod. Kaya n'yo iyan," aniya na sobrang supportive talaga sa 'kin simula no'ng magkaro'n ako ng interes sa volleyball. "Palagi kang mag-iingat do'n ha? Sumunod din palagi sa mga sinasabi ng coach mo."

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now