07

27.4K 1.2K 424
                                    

• 🏐 •

Nakarating kami sa Thai restaurant na medyo tahimik si number eleven. Mga 5 minutes na lakad din iyong ginawa namin na hindi siya gaanong nagsasalita. Ewan ko pero feeling ko, tensed siya. Kinakabahan siguro?

Hanggang sa matapos na lang kaming mag-order ay patingin-tingin lang siya sa 'kin. May mga times pa na naabutan ko siyang nakaawang ang ang labi na para bang may sasabihin tapos kapag tinanong ko naman, wala naman daw.

Naku, hindi pwede 'to... Medyo kinakabahan na nga ako tapos kabado rin siya? In the first place, bakit ba siya kakabahan, e, siya itong nagyaya manlibre? Ito talagang si MVP, e.

Dapat isa lang sa 'ming dalawa ang tensyonado.

Kaya sige, ako na mag-a-adjust para hindi na gano'n ka-awkward. Feeling ko rin kasi, medyo tahimik talaga siya in real life base sa kung paano siya sumagot sa mga interview kapag siya iyong Player of the Game.

Sige, Kai, kunwari i-interview-hin mo si MVP.

"Congatulations nga pala ulit Mr. Champion MVP," simula ko habang naghihintay kami dumating iyong pagkain.

Pad thai nga lang talaga ang in-order ko, e, para hindi na siya gagastos nang malaki. Pero sinamahan iyon ni number eleven ng mango sticky rice na hindi ko na tinanggihan.

Tumingin siya sa 'kin at ngumiti na hindi labas iyong ngipin. "Thank you, Kaizen."

Natigilan ako saglit. Bukod sa parents ko, siya lang ang tumatawag sa 'kin no'n. Madalas kasi ay Kai ang tawag sa 'kin ng mga kaibigan at teammates ko. Ewan. Medyo weird pala kapag hindi lang sa DM ko nababasa.

Pero weird not in a bad way ha?

Good weird. May gano'n ba? Ah, basta.

"At thank you sa libre," sabi ko. "Hindi na nga 'to kailangan, e. Okay naman iyong mukha ko. Hindi naman ako nabungi."

"But still, I'm sorry again for what happened."

"Wala na iyon, ano ka ba. Malayo sa bituka. 'Tsaka ililibre mo naman ako kaya mas lalong okay na."

Napangiti na si number eleven. This time, labas na iyong ngipin. Wow. Ang ganda naman ng ngipin ng isang 'to. Pantay-pantay na kulay white. Siya siguro iyong tipo na twice a year talaga bumibisita sa dentist niya.

"Next year, ako na manlilibre kapag kami naman na ang nag-champion," mayabang akong ngumisi sa kaniya.

Natawa siya. "Noted."

"Grabe! Iyong pagkakasabi mo ng noted, parang sure kang hindi kami magcha-champion, a?"

"What? I'm just having a mental note."

Umiling ako sa kaniya. "Ay, burahin mo na sa isip mo iyong sinabi ko. Baka mamaya, hindi mo galingan kapag magkalaban tayo, e. Mas gusto kong manalo na pinaghirapan namin iyong panalo namin."

Unti-unti siyang tumango habang nakangiti pa rin. "Yeah. I agree."

"Pero ano munang sikreto n'yo? Ba't ang gagaling n'yong lahat sa Westmore?"

"Hardwork and discipline?" Pa-inosente pa iyong boses nitong si number eleven. Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa sagot niya.

"So, kulang pa kami sa hardwork at discipline?"

"No. What I mean is, we just apply what we do in our trainings to the actual games. We listen to the instructions of our coaches. We form strategies and game plans that will work against our opponents."

Pumangalumbaba ako habang nakatingin sa kaniya na nagpapaliwanag. Naka-serious mode na si MVP.

"Ginagawa rin naman namin iyan pero iba talaga kayo. Pati iyong mga tiga-Easton. Every year, parang bronze medal na lang pinaglalabanan."

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon