50

26.2K 938 218
                                    

• 🏐 •

Rinig na rinig ko iyong sigawan ng mga tao sa announcement ni number eleven na nagde-date kami. May iba pa akong nakikitang nagtutulakan at naghahampasan sa kabilang side ng arena. Tapos sinasabayan pa sila ng mga loko-loko kong teammates na parang mga bulateng inasinan sa tabi ko.

"Tangina, sa lovelife na lang talaga ng iba ako kinikilig, e!" Sabi ni Kiko sabay sigaw ulit.

"Grabe si Alejo! Idol! Paturo naman ng mga ganiyang moves, senpai!" Si Paul naman sabay tayo at pabirong sumaludo.

"Iba pala mga galawan ni Alejo! MVP na sa court, MVP pa sa puso ni Kai!" Syempre hindi papatalo si Vince.

Tawa naman nang tawa sina Jerome at Drew.

Ako naman, e, hindi alam ang gagawin. Nakailang ayos na ako ng upo pero for some reason, e, hindi ko mahanap ang tamang pwesto. Basta ang alam ko lang ay malakas ang kabog ng dibdib ko ngayon at sobrang init ng buong mukha ko. Alam kong nakatutok sa 'kin ngayon ang camera pero hindi ako tumitingin sa screen sa itaas.

Kunwari ay wala lang sa 'kin pero sa totoo lang ay gusto ko nang magtago sa likuran nina Jerome.

Pero bakit ko naman gagawin iyon, 'di ba?

Si number eleven nga, proud na proud na sinabing nagde-date kami. Binati pa nga ako on national TV. Kaya bakit naman ako mahihiya?

Napangiti ako.

At nagsigawan ulit ang mga tao.

Mukhang trending na naman sa social media ang Kai at Roen nito, a? Parang kailangan ko na yatang mag-ready sa mga Tiktok edits namin ni number eleven.

Matutupad na yata ang pangarap niya na magkaro'n kami ng video na may romantic background music.

Pero seryoso, ewan ko, no'ng nakita ko iyong ibang mga tao na parang, alam mo iyon, masaya at nakangiti nang sabihin iyon ni number eleven... aaminin ko, nakakataba ng puso.

Hindi ko sigurado kung ang mga ngiti at cheer ba nila ay dahil suportado o tanggap nila kami bilang magkarelasyon pero nakakatuwa lang makita na gano'n ang naging reaksyon nila... na kahit paano ay may mga tao na rin pala ngayon bukod sa teammates, coaches, iilang kaibigan, at pamilya ni number eleven na bukas ang isip pagdating sa mga ganitong bagay.

Na kung itatanong mo noon ay marami ang magagalit at manghuhusga kasi sensitive na topic kapag nagkagusto ka sa same sex. Nakakatuwa lang na iba na kahit paano ngayon.

"Thank you, guys," sabi ko kina Jerome nang ihatid nila ako sa parking lot ng arena pagkatapos namin makatakas sa mga nagpapa-picture sa 'kin.

Iyon naman ang hindi ko inasahan. Hindi ko in-expect na lalapitan ako ng mga tao para magpa-picture! May bigla na lang dumikit ng mukha niya sa mukha ko. May iba naman na hinila ang damit ko. Tapos may iba pa na ako pa ang pinaghawak ng phone nila para mas maayos daw ang kuha.

Hindi ko tuloy alam kung ngingiti ba ako o kung maayos man lang ba ang ngiti ko ro'n. Baka nga nakangiwi pa ako, e. Buti na lang ay nando'n sina Jerome at sinabihan iyong iba na 'wag masyadong maging agresibo dahil injured pa rin ako.

Hindi ko talaga alam ang gagawin kung ako lang mag-isa kanina. Baka naningil na siguro ako ng 20 pesos sa bawat magpapa-picture.

Nahagip pa nga ng mga mata ko no'n si number eleven, e. Gusto sana niyang lumapit pero ang dami talagang tao. Hanggang sa hinila na yata siya ng teammate niya.

Buti na lang din ay may usapan kami ngayon na magkita rito sa parking lot pagkatapos ng game.

"Trending agad kayo, Kai," sabi ni Drew na nakatingin sa phone niya.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon