10

27.1K 1.1K 390
                                    

• 🏐 •

roenalejo11: Good luck on your game today, Kaizen.

kaireyes: Thank you, MVP! Kinakabahan ako haha!

roenalejo11: Breathe. You got this.

Napangiti ako sa message na iyon ni number eleven. Naks naman. Ang supportive naman niya. Pero ewan ko. Parang mas lalo akong na-pressure kasi iyong isa sa mga rising volleyball stars ng bansa ang naggu-good luck sa 'kin. Parang hindi tuloy dapat ako magkamali mamaya sa game.

kaireyes: Kanina pa nga ako nag-i-inhale exhale, e. Malapit ko na masinghot iyong captain namin wahahaha!

roenalejo11: Haha

Ang tipid talaga nito tumawa sa DM. Pero okay na iyon kaysa iyong emoji niya na naka-regular smile lang. Hindi ko nga alam kung iyon lang ba emoji sa phone niya, e. And yes, may issue talaga ako sa emoji na iyon. Ang creepy kasi.

roenalejo11: Just enjoy the game, okay?

kaireyes: Yep! Kaya namin 'to. By the way, manonood ka ba?

roenalejo11: Unfortunately, I have classes today.

kaireyes: Ay, okay nga iyon, e. Para hindi mo makita kapag nag-misreceive ako.

roenalejo11: You rarely misreceive, though. You have an excellent ball control.

Natawa ako at medyo nahiya kahit wala naman sa harap ko si number eleven. Grabe! Excellent daw iyong ball control ko! Coming from the MVP Roen Alejo! Ang sarap sa tenga. Or should I say, ang sarap sa mata mabasa iyon.

Mas lalo tuloy akong na-pressure!

kaireyes: Thank you pero wala akong pera panlibre.

roenalejo11: It's fine. Ako na lang manlilibre kapag nanalo kayo.

kaireyes: Totoo iyan? Hindi ako tatanggi.

roenalejo11: Yes. Also, make sure that you don't get a facial hit.

Natawa ulit ako saka napailing. Grabe naman si number eleven! Kinakalimutan ko na nga iyon, e. Pinaalala pa.

"Coach, si Kai, nakangiti habang may ka-chat!"

Napatingala ako at naabutan ang lahat ng teammates ko na nakatingin pala sa 'kin. Hindi ko tuloy napigilan na sumimangot. Lalo na kay Jerome na tawang tawa sa kalokohan niya. Wala naman si coach dito sa dugout pero ewan ko, kinabahan pa rin ako ro'n.

"Gago, may girlfriend ka na Kai?" Tanong ni Vince.

"Meron na iyan! Hindi naman iyan ngingiti nang ganiyan kung walang nagpapasaya diyan."

Naghiyawan sila saka lumapit sa 'kin. Tinago ko agad ang cellphone ko.

"Patingin naman, Kai!"

"Pakilala mo naman sa 'min!"

"Oo nga! Baka mamaya, pareho pala tayo ng girlfriend! Naku!"

"Manonood ba siya? Pakisabi, cheer niya tayo."

"Wala akong girlfriend! Do'n na nga kayo!" Sabi ko saka tinaboy na sila. "Nagpapaniwala kayo diyan kay Jerome. Fake news iyan! May nakita lang akong meme."

Iyon nga lang, kahit ilang beses kong sabihin na wala akong girlfriend, hindi pa rin nila ako tinigilan. Ang kukulit talaga! Humanda lang talaga sa 'kin 'tong si Jerome mamaya pagbalik namin sa dorm. Sasabihin kong may nakita akong white lady sa banyo.

Pero sa totoo lang, mas gusto ko na rin 'tong balik sa pagiging maligalig ang mga teammates ko. Ayoko na iyong halos wala kaming energy at mga tahimik lang dahil sa mga nangyari sa team.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now