13

25.7K 1K 365
                                    

• 🏐 •

At dahil nanalo kami laban sa Westmore, syempre tutuparin ko iyong pinangako kong libre kay number eleven. Ayaw pa nga niya no'ng una pero pinaalala ko na may deal kami. Hindi ko nga alam kung nahihiya lang ba si MVP o baka naman iniisip niyang wala akong pera panlibre sa kaniya.

Pero kahit ano pa iyon, hindi ako papayag na hindi siya i-treat lalo na ngayong sobrang saya ko pa rin na nanalo kami sa Westmore after 3 long years. Wala na akong pakialam kahit team B nila ang natalo namin. A win is a win, 'no. May feeling din kasi ako na baka last win na namin iyon sa kanila, e.

Sabi kasi ni coach na baka bigla nilang ipasok ang ibang member ng team A nila sa lineup lalo na't palapit na ang semifinals.

Pero syempre kahit sino pa iyan, go Creston U pa rin!

One game at a time.

Hanggang makarating sa finals and hopefully makuha ang championship.

Malaking boost kasi iyon sa team sa pagpasok ng mismong season. Pero at the same time, nakakatakot manalo sa mga off-season tournaments. May sumpa raw kasi.

Kung sino ang mag-champion sa off-season, e, hindi magcha-champion sa in-season.

At iyon ang nangyari sa Easton. Sila ang reigning champions ng off-season pero alam ng lahat na silver medal lang sila no'ng in-season na. At wala pang nakaka-break ng sumpa na iyon.

Sana Creston na.

kaireyes: Dito na ako.

Inagahan ko ang punta rito sa meeting place namin ni number eleven. Dito pa rin sa may waiting shed na nasa tapat lang mismo ng main building ng Westmore University.

Naupo muna ako saka nanood lang ng mga rabbit video sa IG. Nang ma-satisfy ay in-open ko naman iyong front cam ng phone ko para tignan kung okay pa iyong hitsura ko.

Nadala kasi ako no'ng una kaming nagkita ni number eleven, e. Posturang postura siya tapos ako madungis. Kaya nag-effort talaga akong magbihis ngayon. White shirt na pinatungan ng dark brown na plaid long sleeved polo. Hinayaan kong nakabukas lahat ng butones. Tapos maong pants at black Converse. Nagdala na rin ako ng maliit na sling bag para sa cellphone at wallet ko.

Inasar pa nga ako kanina ni Jerome bago umalis na may ka-date daw ako. Pinipilit niya pa rin iyong idea na may girlfriend ako. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang isipin.

Aalis lang, may ka-date na agad?

Hindi ba pwedeng kakain lang kami ni number eleven?

"Ay number eleven!"

Napatalon ako sa gulat nang biglang may bumusina sa harap ko. Pagtingin ko ay may kulay dark blue na sasakyan doon. Nakababa na ang bintana at napatayo ako nang makita sa loob no'n si number eleven!

Wait, siya ba iyon? Naka-kotse siya?

Kumurap ako. Oo nga... naka-kotse nga siya! Marunong pala siyang mag-drive.

Alam kong rich kid si number eleven pero bakit may dala siyang sasakyan? Saan ba balak kumain nito? Hindi niya pa kasi sinasabi sa 'kin, e. Tinanong ko siya kagabi pero isang maikling secret lang ang sagot niya. Pa-suspense pa si MVP.

Ngumiti siya nang magkatinginan kami saka sumenyas na pumasok na ako. At kahit medyo naguguluhan, e, sinunod ko siya.

Pagkaupo ko sa passenger seat ay may inabot siyang iced coffee. Naks! May pa-kape!

"Good morning," bati niya.

"Good morning," bati ko rin. "Thank you sa kape," sabi ko saka nilibot ang tingin sa loob nitong sasakyang dala niya. Sa kaniya kaya 'to? Ang ganda, e. Ang linis pa tapos mabango rin. Hindi nakakahilo iyong amoy.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon