46

24.9K 884 113
                                    

• 🏐 •

"Kai, malapit na birthday mo, a? Saan mo kami balak ilibre?" Tanong ni Jerome sabay inom sa tumbler niya.

Pinagitnaan nila akong dalawa ni Drew habang ang tatlong kolokoy na sina Vince, Kiko, at Paul naman ay mga nakahiga sa harap namin. Iyong iba rin ay nakakalat ngayon sa school gym para magpahinga sa malalang training ni coach.

Wala nang klase ngayon sa Creston. Officially summer vacation na pero hindi naman uso sa 'min iyon. Since ongoing pa rin ang season, mas focus na talaga ang lahat sa training at sa upcoming games. Well, maliban sa 'kin kasi ang focus ko ngayon ay sa recovery ko.

Kinakabahan nga lang din ako kasi next week na iyong release ng grades namin. Distracted pa naman ako no'ng finals week. Tsk. Sana talaga pumasa ako kasi kung hindi, made-delay na nga ang graduation ko, hindi pa ako makakapaglaro.

Kumunot ang noo ko kay Jerome. "Anong date na ba?"

"April 3," si Drew ang sumagot.

Napatingin tuloy ako sa phone ko. At oo nga, April na pala? Hindi ko na namalayan sa totoo lang. Ang bilis talaga lumipas ng mga araw lalo na kapag ang dami mong iniisip at ginagawa.

Akalain mo iyon, tatanda na naman pala ako. Eight days na lang ay 20 na ako. Hindi na ako teen.

"Hala, oo nga..." sabi ko at wala sa sarili na inabutan ng towel sina Jerome at Drew.

"Magbi-birthday na si Kai?" Tanong ni Kiko sabay hubad ng training shirt niya.

"Oo. Sa eleven. Manlilibre raw siya," sabay tawa ni Jerome.

"Iyan ang gusto ko kay Kai, e. Pwede sa unli buffet tayo?" Si Vince na umandar na naman ang pagiging walanghiya.

"Okay na ako sa samgyup, Kai," si Paul. "Thank you!"

"Ang kakapal ng mukha n'yo!" Sabat ulit ni Kiko sabay upo. "Ako, Kai, okay na sa 'kin unli chicken wings."

"Basta, ako, kahit saan. Libre naman, e," ginatungan pa ng captain namin.

Sumimangot ako sa mga mokong. "Ako nga dapat nililibre n'yo, e. Sino ba may birthday?"

Pero parang wala silang narinig. Panay suggest kung saan ko sila ililibre. Akala mo naman, e, may patagong pera.

"Advance happy birthday, Kai," sabi ni Drew na siyang pinakamatino sa lahat.

Ngumiti ako sa kaniya. "Thank you. Ikaw lang ililibre ko," at natawa kami pareho.

"Puro kayo palibre, e, wala naman iyan si Kai sa birthday niya," sabi ni Jerome.

"Saan naman ako pupunta?" Tanong ko.

"Ay, oo nga! Sigurado may birthday date iyan siya with his bebe Alejo!"

Para silang mga gago ro'n na biglang nagsigawan. Natawa na rin ako lalo na no'ng kumanta pa sina Vince at Kiko ng kanta na hindi ko alam ang title pero parang narinig ko na kung saan. Nakuha siguro nila sa Tiktok kakanood do'n sa video edit namin ng ate ni number eleven.

"Ano, Kai? Sa'n ang date n'yo ni Alejo?" Nagtaas baba pa ang mga kilay ni Jerome.

Hindi agad ako nakasagot kasi sa totoo lang, wala naman kaming napag-usapan o napagplanuhan ni number eleven. I mean, wala pa. Hindi ko nga namalayan na malapit na iyong birthday ko, e. Kung hindi nabanggit ni Jerome, baka makalimutan ko na talaga.

Isa pa, hindi ko rin naman alam kung alam ba ni number eleven kung kailan ang birthday ko.

Ako, alam ko iyong kaniya. May 27. Hindi ko siya tinanong about do'n, a. Alam ko, g-in-oogle ko iyon dati no'ng nag-i-ilusyon pa lang ako sa kaniya.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon