05

27.7K 1.2K 621
                                    

• 🏐 •

Westmore University won the championship series.

At ano pa bang ie-expect sa laban nila ng Easton? 5 sets na sobrang dikit ng mga scores! Grabe. Sobrang intense na halos nakatayo na lahat ng tao sa arena. Sulit na sulit iyong bayad ng fans sa tickets kasi quality volleyball talaga ang napanood ng lahat.

Tapos no'ng nanalo na nga ang Westmore, e, hindi ko na napigilan na mapasigaw. Hindi ko na lang nilingon iyong mga katabi naming supporters ng kabilang school.

Ang winning point ay block ni number eleven against sa go-to spiker ng Easton. Ang galing nga timing niya ro'n sa block, e. Paano ba naman kasi, halos buong game yatang hindi nila mahuli-huli iyong palo ni number seven ng Easton kaya sobrang satisfying na iyon pa talaga ang nagpanalo sa kanila.

Tapos doon ko lang din nalaman na Best Open Spiker at MVP pala si number eleven! Well-deserved naman kasi magaling talaga siya.

So okay lang pala talaga na magpalibre sa kaniya.

3-peat champion na, MVP pa! Idol!

kaireyes: Congratulations, MVP Champ! 🥳🏆💪🏻

Pagka-send ko no'n ay tinago ko na iyong phone ko at nakisama na kina Jerome. Nandito kami ngayon sa isang unlimited chicken wings restaurant na malapit lang sa labas ng arena. Nagyaya pa kasi silang kumain muna bago umuwi kasi napagod daw sila sa game kahit hindi naman sila ang naglaro.

"Sana mag-finals din tayo next year, 'no?" Sabi ni Jerome.

"Magfa-finals tayo kapag hindi na ma-error 'tong si Vince," sabi ni Kiko at nagtawanan kaming lahat. Totoo naman kasi iyon. Hindi yata kumpleto araw ni Vince na hindi siya nag-e-error. Mapa-attack man iyan o sa service line.

"Gago! Ma-error ba talaga ako?" At nagtanong pa. Sabay-sabay lang kaming tumango sa kaniya.

"Ang ganda ng pasa ni Kai tapos ang ganda rin ng set ni Jerome tapos not over iyong palo mo? Anong klase iyon?"

"Tapos late pa iyan magising," nakisali na rin si John na madalas ay tahimik lang.

"Hoy! Ako na naman pinagtutulungan n'yo-"

"Hep! Hep! Bago kayo magsisihan, nasaan na iyong pusta? Panalo Westmore! Nasaan na bente n'yong dalawa?" Sabi ni Jerome kina Kiko at Vince.

"Grabe! Para sa bente, lumalabas iyong ugali!"

"Ang pusta ay pusta! Bayad na! Bilisan n'yo."

Hanggang sa umuwi kami sa dorm ay hindi pa rin natapos iyong bangayan nila sa pustahan. Hinayaan ko na lang sila at nauna na akong mag-shower para makatulog na. Maaga pa kasi kami bukas kasi balak daw nila mag-jogging na feeling ko ay hindi matutuloy.

Pagkabihis ay dumiretso na ako sa kama. Pipikit na nga sana ako pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Kaya heto, silip ulit muna sa social media.

Bumungad agad sa 'kin iyong mga posts tungkol sa championship ng Westmore. Nakakita pa nga ako ng picture nila number eleven na buhat iyong coach nila habang hawak nito iyong trophy. Nag-react lang ako do'n saka nag-scroll pa nang kaunti hanggang sa mapunta ako sa IG.

Pwede pala iyon, 'no? Kahit hindi mo fina-follow ay makikita mo iyong mga posts nila? Ang dami ko kasing nakikitang mga posts ng mga players ng Westmore. Syempre lahat iyon tungkol sa pagiging 3-peat champion nila.

Na sobrang deserved din talaga nila.

Ang galing nilang lahat. Walang butas iyong buong team.

Actually, lahat naman ng teams, deserving na manalo. Pero syempre, at the end of the day, iisa lang ang magiging champion.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now