12

24.2K 1.1K 375
                                    

• 🏐 •

Natalo kami.

Straight sets.

Tapos muntik pa akong ma-facial hit. Nakakainis. Buti na lang ay naiwasan ko iyong bola kasi nakakahiya naman kung talo na nga kami tapos natamaan pa ako ng bola sa mukha.

Tahimik ang buong team habang pabalik kami ng Creston. Sina coach lang ang maingay at chi-cheer up kami pero walang epekto. Paano ba naman kasi, ito na yata iyong masasabi kong pinakamalalang talo namin sa buong off-season.

Ni hindi man lang umabot ng 20 iyong scores namin. Muntik pa ngang ma-single digit no'ng 3rd set. Kung hindi pa nag-service error ang Easton, hindi pa aabot sa 10 points ang score namin.

Alam naman naming malakas ang Easton pero we could have done better. Kaya naman makadikit, e. Siguro naunahan lang ng pressure at kaba na hindi dapat.

Tapos hindi ko na rin yata makakalimutan na ang unang point ng Easton kanina ay dahil sa service ace nila sa 'kin.

Sa 'kin na libero!

Hindi ko matanggap.

Nakakahiya talaga kapag gano'n. Libero tapos misreceive agad sa umpisa? Buti na lang talaga ay nakabawi ako kahit paano. Gusto ko na nga rin sana magpa-subout kay coach kanina pero sino naman ang papalit sa 'kin? Nawala sa isip ko na ako na nga lang pala ang libero ng team.

"Lakas ng Easton," bumuntong hininga si Jerome sa tabi ko.

"Oo nga, e," huminga rin ako nang malalim.

Natawa siya. "Wala pa si John no'n, a? Ano na lang kapag naglalaro na rin siya?"

Sabay kaming bumuntong hininga ulit.

"Basta semis muna ang i-goal natin," sabi ko. "Kaya natin iyan, cap. Think positive."

"Daming error ng team kanina," sumandal siya saka pumikit. "Mamamatay yata tayo kapag hindi nag-error. Iyon ang trabahuin natin."

Tumango na ako kasi totoo naman iyon. Guilty rin ako ro'n. Iyon na nga yata ang pinakamasamang nilaro ko, e. Kailangan naming bumawi lalo na't Westmore na ang sunod naming kalaban.

At mukhang narinig yata ni number eleven na iniisip ko na kung paano tatalunin ang school niya. Pag-check ko kasi ng phone ko pagbalik namin sa dorm ay may message siya.

roenalejo11: Still a good game, Kai. Rest well and bawi next game.

Oo nga pala. Nawala na rin sa isip ko na nanood nga pala kanina si number eleven-

Nanlaki ang mga mata ko nang may na-realize.

Shit... Nakakahiya! Nakita niya iyong misreceive ko no'ng umpisa! Iyong MVP namin, nakita akong nagkalat! Ano ba naman iyan, Kaizen! Kung kailan nanood nang live si number eleven, doon pa talaga sa natalo kayo? Kung kailan off game mo?

kaireyes: Thank you. Pero gusto mo talaga bumawi kami next game? Westmore next na kalaban namin.

roenalejo11: Oh.

Natawa ako sa sagot niya. Tignan mo, MVP? Sabi ka pa diyan ng bawi, e, school mo na ang next naming makakalaro? Buti na lang talaga at hindi siya kasali sa lineup nila kundi patawarin na lang talaga. Awa na lang din talaga na matatalo namin sila.

Hindi naman sa negative ako mag-isip pero syempre kailangan din natin ng reality sa buhay.

Maraming trainings pa ang dapat naming gawin para makasabay talaga sa sistema na meron ang Westmore at Easton.

At doon na papasok ang positive thinking na kaya namin iyon. Alam kong kakayanin ng Creston iyon.

kaireyes: Kaya pakisabi sa kanila na 'wag masyado galingan ha? Have mercy on Creston kamo hehe.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now