35

25K 1.3K 586
                                    

• 🏐 •

Nagising ako na nasa ospital na. Sa totoo lang, no'ng ma-realize ko kung nasaan ako, doon lang talaga nag-sink in sa 'kin na hindi pala panaginip iyong nangyari.

At mas lalo kong napatunayan iyon nang makita kong nakapatong na iyong binti at tuhod ko sa mga matataas na unan habang may nakabalot na compression wrap. Pinakiramdam ko iyon at medyo masakit pa rin kaya kahit gusto kong maupo ay hindi ko na pinilit at baka lumala pa.

Huminga ako nang malalim.

Gusto kong maiyak sa totoo lang.

Aware naman ako na may possibility na mangyari 'to mga nasa mundo ng sports pero hindi ko naman in-expect na isa ako sa makaka-experience.

At hindi rin naman sa pagiging negative pero sa sakit na naramdaman ko kanina sa court, alam kong malaki ang chance na ACL tear injury ang nangyari sa 'kin. Iyon pa naman ang pinakakinatatakutang mangyari ng isang athlete. Mabuti sana kung ankle sprain lang, e. Kapag ganitong tuhod ang problema, most likely ay hindi agad makakabalik sa paglalaro.

Napailing ako at tumitig sa kisame nitong kwarto.

Nakaka-frustrate.

First game ko pa lang this season, e. Start pa lang ng campaign namin. Sayang iyong playing year ko. Kung ACL tear nga 'to, baka next year pa ako makabalik. Ang malas mo naman, Kai.

Mas gugustuhin ko na lang na ma-facial nang ilang beses kaysa ganito. Nakakainis na nakakaiyak talaga. Tsk.

Kasi sayang, e. Gusto ko sanang bumawi kami ng team ngayong season na 'to. Gusto kong makabalik ulit kami sa podium. At kung papalarin ay makapasok sa finals. At kung talagang sasamahan pa ng swerte ay makuha ang gold medal.

Pero... paano kung hindi na bumalik iyong laro ko pagkatapos nito?

Paano kung... matagalan pa ako bago maka-recover?

Tsk. Kalma, Kaizen. Iyan ka na naman, e. Nag-o-overthink ka naman.

Pero hindi ko kasi maiwasan. Tapos hindi ko pa alam kung nanalo ba kami kanina against Easton.

Nanalo ba kami?

Alam ko, one point na lang ang kailangan namin kanina... o kahapon? Ilang oras ba akong nawalan ng malay? At bakit nga ba ako hinimatay? Nakakahiya naman iyon. Nakita ako live on national TV na nawalan ng malay-tao!

"Kai, gising ka na pala."

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumukas iyong pinto at tumambad sa 'kin si coach kasama ang strength and conditioning coach namin. Wala pa ako sa sarili nang tawagin nila iyong doktor.

Maraming pinaliwanag sa 'kin at maya-maya lang din ay namalayan ko na lang na inumpisahan na iyong mga tests (X-ray at MRI) para malaman kung ACL tear nga ang nangyari. Masyadong mabilis iyon na hindi na ako nabigyan ng chance para makapagtanong kina coach. Kinakabahan din kasi ako sa magiging resulta kahit pa may feeling na ako na malala nga ang nangyari sa 'kin.

At nang i-confirm ng doktor na ACL tear nga ang injury ko ay doon na talaga ako naiyak.

Nakakahiya nga kina coach, e. Hindi ko na kasi napigilan. Pero wala, e. Nagluha agad iyong mga mata ko.

Malas. Iyon na lang ang nasa isip ko ngayon.

Ang malas ko. Tsk.

Alam ko namang malaki ang chance na gano'n kalala ang nangyari pero masakit pa rin pala kapag na-confirm na sa 'yo. Na official nang hindi ka muna makakapaglaro.

Grabe... one year na walang volleyball. Kaya ko kaya iyon? Kung hindi pa makikisama ang katawan ko, pwede pang maging more than a year ang recovery time.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon