Epilogue 02

25.1K 960 259
                                    

• 🏐 •

"Let's go Creston U! Let's go!"

Sumabay ako sa sigawan ng mga supporters ng school namin. Winagayway ko iyong hawak na lobo habang halo-halo na iyong kaba, excitement, at thrill na nararamdaman ko. Pagkatapos ay nilingon ko si number eleven sa tabi ko at kinuha iyong kamay niya tapos ay winagayway rin. Ngumiti lang siya at hinayaan na lang ako.

It's game day today between Creston and Easton. Sobrang mahalaga ang game na 'to para sa team kasi kung matalo kami rito ay Easton na ang aabante sa finals. Pero kung manalo kami, magkakaro'n ng do-or-die game.

Stepladder ang nangyari ngayong semifinals. Na-sweep ng Westmore ang buong season. Wala silang talo kaya diretso na sila sa finals. Naghihintay na lang sa kung sino ang mananalo sa ranks 2, 3, and 4.

Easton ang nag-rank 2 at sila ang nakakuha ng twice-to-beat advantage. Pareho kami ng win-loss record pero natalo nila kami sa set points. Tinalo namin sila no'ng round 1 in 5 sets pero natalo nila kami no'ng round 2 in 3 sets lang kaya Creston ang rank 3.

At sa totoo lang, medyo naaawa na ako sa team kasi sila talaga ang pinakapagod going into today's match. No'ng nakaraang araw ay tinalo nila in 5 sets ang rank 4 na Northville tapos ngayon ay lalaban ulit sa may advantage na Easton.

Pero sabi nga ng mga kolokoy kong teammates, nagpapatayan pa iyong ibang mga schools pero Westmore pa rin naman ang magcha-champion sa huli.

Well, tama naman sila.

Pero palagi ko ngang sinasabi, bilog ang bola.

Pero at least, kahit anong mangyari, secured na ang podium finish ng team this season. Last year, 4th place lang kami, e. Kung matalo ngayon, bronze. Pero kung manalo sa Easton, sure silver na at may shot pang maka-gold kung maghihimala na manalo kami against Westmore.

Nilingon ko ulit si number eleven na matangkad na nakasandal ngayon sa upuan niya. Iyong isang braso niya ay nasa likod ng upuan ko.

Naramdaman niya siguro na nakatingin ako sa kaniya kaya nilingon na rin niya ako. Mabilis siyang ngumiti sabay kalabit sa tungki ng ilong ko.

"Yes, baby?" Bulong niya.

"Anong feeling na champion na naman this season?"

Natawa siya. "It feels great."

Pabiro kong pinalo iyong hita niya pero tinawanan lang ako. Napakayabang ng isang 'to! Palibhasa totoo ngang champion ulit sila, e. For fomality purposes na lang talaga ang game na 'to sa totoo lang.

"Baby," bulong niya ulit.

"Hm?"

"I love you," malambing na sabi niya.

"May kasalanan ka, 'no?"

"What?" Natatawa niyang tanong.

Bago pa ako makapagsalita ay narinig na lang namin na nagsisigawan ang mga tao lalo na itong mga nakapaligid sa 'min. Automatic na napatingin ako sa screen sa itaas at ang bumungad sa 'kin ay ang mukha namin ni number eleven.

Naramdaman kong nag-init ang mukha ko pero itong katabi ko ay hindi man lang nilayo ang mukha niya. Dikit na dikit pa rin iyong ilong niya sa pisngi ko.

Wala talaga siyang pakialam kung PDA kami, e.

Pero deep inside, kilig din naman ako na ganiyan siya.

Hindi pa nakakatulong na pareho pa kami ng suot ngayon. White oversized shirt to support Creston, cargo pants, at white shoes. Si number eleven talaga may pakana nito, e. Tinanong niya kasi ako kanina kung ano raw isusuot ko para gano'n din daw ang isusuot niya. Para raw matchy, matchy. Hinayaan ko na lang kasi gusto ko rin naman iyon.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon