33

25K 1K 280
                                    

• 🏐 •

Natapos ang hell week na medyo distracted ako dahil sa sinabi ni Jerome. Epal talaga no'n, e. Imbes na sa exams namin ang focus ko ay napupunta pa iyong utak ko kung paano ko ibi-bring up iyong... wait, ano bang dapat itawag ko sa setup namin ni number eleven?

Friends na masaya?

Badtrip. Ano iyon, Kai? May gano'n ba? Tsk.

Parang nagbalik na naman tuloy iyong mga pag-o-overthink ko bago pumunta si number eleven sa Baguio. Iyong mga panahon na sabay-sabay ang pagkalito ko, pag-a-assume, pagtatanong, pagde-delusyon, pag-i-imagine, at pagka-kilig sa mga sinasabi at ginagawa niya.

Kasi kung ako lang talaga, wala namang problema ang umamin, e. Muntik na nga akong mag-confess, 'di ba? Kung same kami ng nararamdaman, e, 'di masaya. Kung hindi, e, 'di iiyak saglit. Saglit lang kasi may mga iba rin naman akong ginagawa, 'no.

Ehem. Volleyball. Ehem. Studies. Ehem. Future.

Si number eleven lang naman ang iniisip ko.

Baka kasi hindi pa siya ready. Baka may mga tanong pa siya tungkol sa sarili niya. At ayoko naman magtanong kasi nga hindi naman dapat tinatanong ang tungkol sa bagay tulad ng gender. Nasa tao mismo kung handa na ba siyang sabihin sa iba lalo na sa sarili niya kung sino siya.

Kung hindi pa siya ready, sino ako para pilitin siyang sabihin iyon, 'di ba?

Pero at the the same time, e, para rin namang hindi niya tinatago na may gusto siya sa 'kin. Medyo slow at tanga ako minsan pero hindi gano'n katanga para hindi mahalata kung ano iyong kinikilos at pinaparamdam sa 'kin ni number eleven.

Kasi kung iisipin, tama naman si Jerome, e. Action speaks louder than words pero iba pa rin kapag sinasabi sa 'yo. Iba pa rin kapag naririnig mo. Iba pa rin kapag may label mismo through words iyong kung ano man ang meron sa inyong dalawa.

Ini-imagine ko pa nga lang na lumalabas mismo sa bibig ni number eleven na gusto niya ako, e, talo ko pa iyong mga strawberries sa Baguio sa pagkapula ng mukha ko, e. Imagination pa lang iyon, a? Ano na kapag totoo na talaga? Tsk. Ang landi mo, Kai.

Pero gets naman ang point ko, 'di ba?

Ikaw na kasi maunang umamin, Kaizen. Kailan ka pa naging torpe? No'ng kay Reena noon, ang bilis mo sabihin na gusto mo siya at manliligaw ka. Anong nangyari ngayon?

Iba nga kasi itong kay number eleven! Tsk.

Paano iba? Kasi lalaki rin siya? May pinagkaiba ba iyon? Walang iba kapag love, Kai! Kahit sino pa iyan basta mahal mo, mahal mo, tanga!

Tsk. Kaunti na lang talaga, e, iisipin ko na ring may sariling utak ang utak ko. Umiling ako hindi dahil wala siyang point pero para pigilan ang sarili ko kasi malapit ko na talagang sundin ang pasaway kong utak.

"Is there a problem, Kai?"

Napalingon ako kay number eleven na nakatingin na pala sa 'kin. Nandito kami ngayon sa isang café slash study hub na malapit sa Creston. Dapat nga ay sa Tanay ulit kami pupunta pero dito ko na lang napili para malapit lang at makapag-aral itong si number eleven kasi siya naman ang may exams next week.

"Are you okay?" Tanong niya ulit nang hindi ako agad sumagot. Magkatabi kami at sinara niya muna iyong librong binabasa niya saka hinarap ang katawan sa direksyon ko.

Nagkatinginan kami.

Tinapangan ko ang sarili ko at nakipaglaban ng titigan sa kaniya. Huminga ako nang malalim at pilit na hindi alisin ang mga mata ko sa mga mata niya.

Delusyon pa bang matatawag kapag naiisip kong may gusto siya sa 'kin?

Assuming pa ba ako kung iisipin kong hindi lang kaibigan ang turing niya sa 'kin?

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now