06

26.7K 1K 521
                                    

• 🏐 •

"Saan ang punta natin, Kai?"

Nilingon ko si Jerome na nasa lobby pala ngayon ng dorm namin. Kumakain siya ng paborito niyang popsicle. Ano ba iyan... dapat pala binilisan kong naligo kanina. Naabutan ko pa tuloy itong isang 'to rito. Kukulitin ako nito for sure.

"May bibilhin lang," palusot ko.

"Weh? Anong bibilhin mo at naka-porma ka pa?"

"Porma na ba 'to?"

Napatingin tuloy ako sa suot ko. Plain black t-shirt, khaki cargo shorts, at white Crocs lang naman. Pinag-isipan ko pa 'to, a. Ito iyong napili kong isuot para chill lang ngayong gabi. Mabilis na dinner lang naman ang gagawin ko.

Pagtingin ko ulit kay Jerome, hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa 'kin. Automatic tuloy akong napaatras lalo na no'ng bigla niya akong amuyin. Aso ba 'to?

"Ang bango pa! Hindi ka naman nagpapabango kapag may bibilhin ka lang, e," sabi niya na nakangisi na.

Iyong ngisi niya, nakakaasar. Parang may nalalaman siyang dapat alam ko pero wala naman talaga akong alam. Nagsisisi na talaga ako na nagtagal pa akong mamili ng damit kanina.

"May kikitain ka, 'no?"

"Wala-"

"Sino? Iyong girlfriend mo ba sa Baguio? Nandito siya sa Manila?"

"Hindi-"

"Alam ba 'to ni coach, Kai? Naku! Pero 'wag ka mag-alala. Secret lang natin 'to," sabay akto pang z-in-ipper niya iyong bibig niya. Loko-loko talaga!

"Hindi nga-"

Natigilan ako nang bigla siyang umakto na parang nagulat at may pagtakip pa sa bibig na nalalaman.

"H'wag mo sabihing ibang babae 'tong kikitain mo, Kai? Two-timer ka? Gago-"

"Hindi nga! Wala akong kikitaing babae! Ang kulit mo!"

"So lalaki ang kikitain mo?" Mas lalo siyang umakto na nagugulat. Parang tanga.

"Ewan ko sa 'yo! Do'n ka na! Maligo ka! Ang baho mo!"

"Gusto mo samahan kita-"

"Ayaw!" Sabay mabilis kong lakad palayo kay Jerome. Gago talaga ng isang iyon minsan lalo na kapag tinopak siya.

"Uwi kang maaga Kai ha! May curfew tayo! Bilhan mo na rin pala akong pasalubong! Thank you! Love you!"

Hindi ko siya pinansin. Pati iyong guard ng building, e, napapatingin sa kaniya. Buti na lang, mag-isa siya ngayon. Kung kasama pa niya iyong iba, hindi ko na talaga alam ang gagawin.

Paglabas ko ng compound ay dumiretso na ako sa sakayan ng jeep papunta sa Westmore University. Pagkabayad ay nilabas ko ang phone ko para tignan iyong oras. 6:32 na ng gabi at 7PM iyong usapan namin ni number eleven.

At speaking of number eleven, may DM siya.

roenalejo11: Here na.

Conyo talaga ni MVP! Pero ang aga niya, a? 10 minutes ago na iyong lumipas simula no'ng s-in-end niya iyong message. Pero alangan namang ma-late pa siya, e, malapit lang naman iyong dorm nila sa mismong school niya?

kaireyes: Nasa jeep na. Wait lang ha? Nagpa-gas pa si manong.

roenalejo11: It's fine. Ingat ka.

Hindi na ako nagreply. Tinago ko na iyong phone ko kasi knowing kalsada ng Manila, mataas ang chance na mai-snatch 'to.

At speaking of my phone, napuyat ako kagabi kaka-chat kay number eleven. Paano ba naman kasi, ang gullible pala ng isang iyon. Sineryoso niya talaga iyong sa Thailand!

Jersey Number ElevenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora