47

25K 919 106
                                    

• 🏐 •

"What did you wish?" Tanong ni number eleven pagdilat ko at pagkatapos hipan iyong kandila.

"Bawal sabihin, 'di ba? Hindi magkakatotoo."

"You can't say it even to your boyfriend?"

Natawa ako saka siya pinahiran ng icing sa ilong. "Kailan pa nagkaro'n ng exception na pwedeng sabihin ang wish sa boyfriend?"

"Fine," ngumuso lang siya ro'n. "But if it's my birthday, I won't wish for anything anymore."

"Bakit naman? Kahit world peace na lang sana."

Natawa siya at ako naman ang pinahiran ng icing sa tungki ng ilong ko. Naparami pa nga iyong lagay niya. Hindi ko alam kung dahil ba mas malaki ang daliri niya kaya gano'n o maliit lang talaga iyong akin.

"Silly," sabay gulo niya sa magulo ko nang buhok. "That's because my wish has already been granted."

"At ano naman iyon?"

"It's you, baby."

Napakagat labi ako para pigilan ang ngiti pero mission unsuccessful. Malakas din ang kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko, e, namumula na rin iyong buong mukha ko. Mas good pa sa good ang morning natin, Kai!

Ang aga naman magpakilig nitong si number eleven.

Kung nakakapagsalita lang siguro iyong cake, ang sasabihin niya, Really? Right in front of my salad?

"Kilig?" Tinanong pa talaga iyong obvious!

"Medyo," sabi ko saka natawa. "Pwede na."

Natawa lang din si number eleven saka hinapit ang bewang ko palapit sa kaniya gamit ang isang kamay. Hinalikan niya iyong noo ko kaya napapikit ako saka ko naramdaman ang mahigpit na yakap niya.

Huminga ako nang malalim at inatake agad ang ilong ko ng pamilyar at nakaka-relax niyang bango. Parang gusto ko na lang tuloy tumira sa dibdib niya.

"Happiest birthday to my baby," bulong niya at hinalikan naman ngayon ang tuktok ng ulo ko. "I love you."

"I love you," sagot ko.

Shit... pwede bang 'wag nang matapos ang oras na 'to? Pwede bang ganito na lang palagi? At ano rin kaya ang ginawa ko sa past life ko para mangyari 'to sa 'kin? Siguro, dati akong Katipunero na sumali sa pagpunit ng sedula sa Pugadlawin.

Tapos iyon pala, dati akong aso, 'no? Iyong aso na mabait at masunurin kaya binigyan ako ng gwapo, mabait, at mabangong number eleven ngayon.

"Pack your things, baby," rinig kong sabi ni number eleven kaya tumingala ako sa kaniya habang nakayakap pa rin ako sa bewang niya.

"Bakit?"

"We're going somewhere."

"Saan?"

"It's a surprise."

"Wait, wala kang training ngayon?"

Umiling siya kaya napangiti ulit ako. Mabuti nang sigurado, 'no. Ayoko namang tumatakas siya sa training nila dahil lang aalis kami sa birthday ko. Okay na nga ako kahit dito lang kami, e. Gets ko iyon kasi player din ako.

Pinapasok na niya ako sa kwarto para makaligo na at makapag-ayos. Sinabi kong pwede naman siyang maghintay sa 'kin sa loob pero lilinisin daw muna niya iyong mga confetti na nagkalat sa hallway.

Syempre pinigilan ko kasi nakakahiya naman sa kaniya pero hindi na talaga siya nagpapigil at inabot na sa 'kin iyong towel ko. Maligo na raw ako.

Tsk. Lagot talaga sa 'kin sina Jerome. Pinaglinis nila iyong star player ng Westmore. Hindi naman sa pangmamaliit sa cleaning skills ni number eleven pero hindi ko lang ma-imagine na may hawak siyang walis at basahan.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now