25

24.2K 1K 226
                                    

• 🏐 •

"O, 'nak, anong ginagawa mo rito?" Bungad ni mama pagpasok ko ng bahay namin.

Gulat na gulat sila ni Tita Melba pagdating ko. Well, iyon naman talaga ang gusto ko, e. Iyong ma-surprise sila sa pag-uwi ko rito sa Baguio. Mission accomplished! Natawa pa nga ako kasi naabutan ko pa silang sobrang seryoso na nanonood ng Korean drama.

Nag-bless ako sa kanilang dalawa.

"Ma, parang ayaw mo pa yata akong makita?" Pabiro akong sumimangot kay mama.

"Syempre gusto ko! Nagulat lang ako kasi hindi ka man lang nag-text na uuwi ka pala. Hindi man lang ako nakapagluto."

"Busog pa naman po ako. Tuloy n'yo lang iyang panonood n'yo diyan."

"E, bakit ka nga pala umuwi, hijo? Tapos na ba ang klase mo?" Tanong naman ng Tita Melba.

"Sembreak po, 'ta," sagot ko saka na dumiretso sa kwarto ko pagkatapos makipag-usap saglit sa kanila.

Grabe. Madalas naman akong umuuwi rito sa 'min pero ang sakit pa rin talaga sa katawan iyong almost 5 hours na byahe. Sa susunod talaga, e, iyong ia-avail ko na bus ay iyong pwede kang humiga. Medyo mas mahal kaysa regular na bus pero at least komportable ka. Ang alam ko, may libreng unan at kumot na rin iyon, e.

Nakakatakot nga lang kapag naaksidente kayo tapos tuluyan ka nang hindi magising. Knock on wood!

Thank you po, Lord, at nakarating akong safe dito sa 'min. Grabe. Miss ko na pala itong kwarto ko. Syempre iyong lamig din ng Baguio. Ang hindi ko na-miss, e, iyong traffic kanina no'ng malapit na kami. Grabe na rin talaga kasi ang dami ng turista rito. Walang peak season sa kanila, e. Parang all-year round ay may mga umaakyat dito.

"Kai," tawag ni mama nang sumilip siya sa kwarto ko.

"Po?"

"Anong gusto mong ulam? Pupunta kaming palengke ng tita mo ngayon."

"Uh, kahit ano po."

"Gusto mo ng sinigang?"

Hindi agad ako nakasagot. Iyon lang. May tao na akong naaalala sa sinigang. At iyong taong iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit napauwi ako ngayon dito.

"Kakakain ko lang po no'n no'ng isang araw. Pero kayo na po bahala."

"Okay," ngumiti si mama. Akala ko ay aalis na siya pero umupo siya sa dulo ng kama ko. "Ilang araw ka rito? Mabilis lang ang sembreak n'yo, 'di ba?"

"Balik na po ako sa Manila ng Tuesday," sagot ko. "Enrolment na po kasi agad para sa second sem."

Tumango si mama. "Okay ka lang ba, 'nak? May problema ba?"

Nagkatinginan kami. Kumunot ang noo ko at pasimpleng nag-iwas ng tingin. Grabe naman. Totoo pala talaga kapag nararamdaman ng parents mo kapag may problema ka, 'no?

Pero considered bang problema iyong kay number eleven?

E, kasalanan ko naman iyon.

Sa totoo lang, bukod sa makulit na tibok nang tibok sa loob ng dibdib ko kapag kausap at kasama ko si number eleven, e, wala naman talaga akong ibang problema.

Bronze medal kami sa off-seasom tournament. Easton ang nag-gold habang silver naman ang Westmore. Nagkaro'n kami ng celebration kasi nanlibre si team manager pero ako lang itong uwing-uwi na rito sa 'min. Tapos na-survive ko naman iyong finals week kahit ilang beses akong naging lutang habang nag-e-exam. Medyo kabado sa paglabas ng grades pero feeling ko naman ay pasado ako at makakapag-enroll para sa second sem.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now