37

26.7K 995 785
                                    

• 🏐 •

Baby.

Baby raw.

Tsk. Kainis.

Ang sakit na ng pisngi ko kakapigil ng ngiti dahil sa word na iyon. Baby niya raw ako. Potek na iyan. Ang laki ko namang baby. Nakakaasar naman itong si number eleven. Ang dami palang alam ng isang 'to? Hindi kasi halata sa kaniya na ang itatawag niya sa 'kin ay... baby.

Shit na malagkit naman talaga, oo. Syempre kilig na kilig naman ang Kaizen. Iyong mga daliri ko sa paa, e, kanina pa naka-curl. Akala mo, e, first time makarinig ng gano'ng tawagan.

Pero iba naman kasi kapag ikaw mismo ang tatawagin na baby! Medyo cringe kapag sa iba mo narinig pero ang sarap pala sa tenga kapag ikaw na nakaka-experience. Gets ko na sila ngayon.

So... baby na rin ba itatawag ko sa kaniya?

Ang laki niya ring baby, a. Mas malaki pa nga sa 'kin, e.

Sa totoo lang, okay lang naman sa 'kin. Pero si number eleven na kasi siya sa isip ko, e. Ang hirap nang tawagin siya sa ibang pangalan. 'Tsaka sabi niya, siya raw si number eleven ko, e...

Number eleven ko.

Tangina. Maawa ka naman sa pisngi mo, Kaizen! Kanina pa iyan nagpipigil ng smile! Harot, harot mo! Tsk.

Pero naisip ko lang din, hindi ko pa siya pwede tawaging baby. Hindi pa niya alam na kami na. Sabi niya, willing to wait naman daw siya pero paghihintayin ko pa ba ang isang 'to? Sigurado naman ako sa feelings ko. Isa pa, baka mainip siya tapos makawala pa, e.

"Number eleven," tawag ko.

"Yes, babe? You need something? Anything?"

Umawang ang labi ko at ginawa ko ang best ko para 'wag ipahalata na kinikilig na naman ako sa tinawag niya sa 'kin. Tsk. Doon ko lang din talaga napatunayan na hindi pa rin ako expert pagdating sa pagiging chill lang sa harap ni crush, e. Matatapos yata ang araw na 'to na may sugat iyong pisngi ko.

Hindi pwede 'to. Siya naman dapat ang kiligin ngayon.

"Okay," sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Okay? What's okay?"

"Tayo na," ngumiti ako.

Nakita kong unti-unting nanlaki ang mga mata niya at sinabayan iyon ng ano pa nga ba? Para bang switch iyong sinabi ko and as if on cue ay pumula na naman ang mga tenga niya. Natawa ako. Para siyang si Rudolph. Iyon nga lang, hindi ilong ang pula sa kaniya kundi tenga.

Ang cute mo, number eleven!

Bumuka ang labi niya kaya ro'n na napunta ang focus ko. At sino ba ang nagsabi na tenga niya lang ang mapula ngayon? Hindi ko alam pero dini-distract na ako ng lips niya. Parang ang lambot no'n...

"Are you for real, Kai?" Tanong niya.

Pero hindi ko pinansin iyon. Sa labi niya na lang ako nakatingin. Ano kayang feeling... mahalikan iyon?

Shit.

Iyong imagination mo, Kaizen!

Pero titignan ko lang naman kung malambot nga!

"Number eleven," tawag ko ulit sa kaniya. "Lapit ka nga nang kaunti."

"Huh? Why?" Wala pa sa sariling tanong niya pero lumapit pa rin naman.

Lumaki ang ngiti ko at bago pa siya makapag-react ay hinila ko na iyong kwelyo ng polo shirt na suot niya saka siya hinalikan sa labi.

Naramdaman kong nagulat si number eleven sa ginawa ko. Pero mabilis din naman siyang nakabawi nang maramdaman kong hinawakan niya iyong magkabila kong pisngi para palalimin iyong halik.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon