• 🏐 •
"Hey," mababa ang boses na bungad ni number eleven.
Shit... bakit ganito ang boses niya sa call? Tunog kagigising pa lang. Malalim ang boses niya sa personal pero hindi ko in-expect na may mas ilalalim pa pala iyon. At nakakainis kasi isang salita pa lang ang naririnig ko sa kaniya, e, nanginginig na iyong tuhod ko.
Parang ewan, Kai!
Miss mo na agad? Ilang araw mo pa lang hindi kinakausap iyong tao? Ano nang nangyari ro'n sa after na lang ng off-season mo kakausapin? Tsk.
"Uy," sagot ko. Hindi ko alam kung paano at saan ko nahugot ang lakas para magtunog casual ang boses ko. Nakaka-amaze nga kung paano ko nagawa, e. At dapat maging consistent ako.
Hindi niya pwedeng mahalata na may... something na ako para sa kaniya.
Kailangan kong kumalma.
Buti na lang talaga ay hindi niya ako nakikita ngayon. Para kasi akong high school student na nagpa-panic kasi kausap niya sa phone ang crush niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko tapos para akong naiihi na hindi.
Chill lang kasi, Kaizen!
"I'm-"
"Wait lang," putol ko sa kaniya.
"Huh?"
"Uh, punta lang akong lobby."
"Oh. Okay..."
Mabilis akong bumaba sa lobby. Mas okay na ro'n ko kausapin si number eleven. Una, para hindi ako kulitin ng mga teammates ko just in case makita nila ako sa hallway. Pangalawa, hindi ko yata kakayanin na nakatayo lang kasi nga nanghihina talaga iyong mga tuhod ko.
Nang makaupo na ay huminga ako nang malalim. Kaya ko 'to. Kakausapin lang naman sa phone si number eleven, e. No big deal.
"Hello?" Sabi ko.
"Hey," sagot niya agad. Shit na boses iyan talaga.
"Uy."
Katahimikan.
Napatingin ako sa phone ko. Akala ko kasi, e, naputol na iyong call pero nando'n pa rin naman.
"Hello? Diyan ka pa, MVP?"
"Yeah."
"Akala ko, pinatayan mo na ako, e."
Tumikhim siya. "I'm sorry for calling without asking your permission first."
"Okay lang naman," sagot ko kahit halos madapa na ako kanina nang makita kung sino iyong tumatawag. "Uhm... bakit ka nga pala napatawag?"
Narinig kong natawa siya nang bahagya. Bakit gano'n? Iba rin iyong boses niya sa call kapag tumatawa. At mas lalong grabe ang epekto no'n sa 'kin. Parang na-bless iyong mga tenga ko.
"I actually don't know. I think I just got too excited when you finally replied after almost a week?"
Ewan ko pero mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig iyon. Huminga ulit ako nang malalim at sumandal sa kinauupuan.
"Ah..." dinaan ko sa tawa ang pagiging guilty ko. "Ano kasi, medyo intense itong week na 'to sa 'kin. Alam mo na, school works. Tapos medyo malala na rin iyong mga trainings namin kasi nga malapit na iyong semis. Kayo kasi kalaban namin, e."
"I understand, Kai. Akala ko kasi..." napaayos ako ng upo nang mag-Tagalog siya. "... I just thought I said something that made you mad at me."
Napangiti ako kasi hindi niya napanindigan iyong pagta-Tagalog niya. Pero at the same time, e, kumunot din ang noo ko sa huling sentence niya.
YOU ARE READING
Jersey Number Eleven
RomanceIt all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.