03

28.4K 1K 367
                                    

• 🏐 •

kaireyes: Bawi sa game 2!

Sent.

Actually, kanina ko pa pinag-iisipan kung ise-send ko ba iyon. Baka kasi isipin ni number eleven, feeling close na ako.

Pero wala na, e. Na-send ko na.

Iyon nga lang, hindi yata siya online kasi hindi pa niya nari-read iyong message ko. Baka nagte-training na sila ngayon. Ewan ko. Gano'n kasi si coach sa 'min kapag natatalo kami. Back to the drawing board agad. Idi-discuss niya agad sa 'min kung ano iyong mga mali at kulang sa nilaro ng team.

O baka naman hindi talaga nag-online si number eleven ngayon para hindi na rin makabasa ng mga negative comments. Minsan kasi iyong mga gano'n, galing pa mismo sa mga schoolmates mo. Hindi na constructive criticism iyong iba, e. Bashing na.

Napakalupit na lugar pa naman ng social media.

Depende sa tao kung kaya niyang i-handle lahat ng mababasa niya. May iba na walang pakialam. May iba na gaya ko na hindi talaga tumitingin sa mga comments. At may iba na nasisira agad ang laro at bumababa ang confidence dahil do'n.

Ewan ko rin ba sa ibang tao. Hindi muna pinag-iisipan iyong mga ipo-post nila online. Palibhasa matatapang kasi mga nakatago sa likod ng mga cellphone nila. Kapag na-callout naman, papa-victim tapos sasabihan pang pumapatol at may attitude iyong player.

Kung alam lang talaga nila na ang hirap maging student-athlete.

"Good morning, Kai," bati ni mama pagkagising ko kinabukasan.

"Morning po," sagot ko, pupungas pungas pa.

Naabutan ko siya sa na naghahain na ng almusal. Na-excite naman akong kumain kasi may fried rice tapos tocino. Naku. Tataba talaga ako nito. Dapat maghinay-hinay na ako sa pagkain.

Habang kumakain kami ni mama, abala rin siya sa video call nila ni papa. Ako naman, heto, nanonood highlights ng naging game kahapon nila number eleven.

Easton University ang kalaban nila. Sila iyong kino-consider talaga na rivalry, e. Pangatlong taon na nilang magkalaban sa finals. Last season, na-sweep ng Westmore ang finals series pero parehong 5 sets iyon tapos dikit din ang scores.

Medyo kinabahan nga ako habang pinapanood sila no'n.

Naisip ko, sila ba talaga ang makakalaban ko pagdating sa college? Tama ba 'tong pinasok ko? Hindi ba mababali iyong braso ko kapag d-in-ig ko iyong mga palo nila?

Grabe kasi talaga 'tong dalawang school na 'to. Halos pantay silang dalawa sa lahat ng skill set. Breaks of the game na lang talaga at errors ang poproblemahin nila.

Sa sobrang equal nila, nanalo iyong Easton no'ng round 1 ng elimination round pero binawian sila ng Westmore no'ng round 2. At ano pa nga ba? 5 sets pareho iyon. Hindi naman na kataka-taka. Mas magugulat siguro ako kung straight sets lang ang laban nila.

Siguro ang pinagkaiba lang ng dalawang school ay mas maangas maglaro ang mga tiga-Easton habang mas chill naman ang mga tiga-Westmore.

At mukhang iyon ang ginamit na advantage ng Easton kahapon sa game. Naapektuhan yata iyong mga players ng Westmore sa kaka-swag ng mga kalaban nila tapos may mga fans pa iyong kabila na nagbu-boo kapag nagse-serve sila number eleven.

Ayoko ng gano'n pero sabi nga nila, part of the game.

Pero, 'di ba, pwede naman i-cheer ang school mo na hindi kailangang i-boo ang kalaban?

Tumunog ang cellphone ko sa isang notification. Pag-check ko, may reply si number eleven.

roenalejo11: We will. Thank you.

Jersey Number ElevenOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz