26

24.6K 956 315
                                    

• 🏐 •

Nandito sa Baguio si number eleven!

Anong ginagawa niya rito?! Magba-bakasyon? 'Di ba may pasok pa ngayon sa Westmore? Wala ba silang finals week? O hindi uso sa kanila iyon? Badtrip! Kaya nga ako umuwi para makaligtas muna sa kaniya tapos nandito rin siya?

Iyong rational part ng utak ko, sinasabing hindi ko naman pagmamay-ari ang Baguio kaya pwede siyang pumunta rito kahit anong oras niya gusto.

Pero iyong malanding part ay sinasabing sumunod siya rito sa 'kin no'ng nalaman niyang umuwi ako!

Tangina.

Ibang klase talaga mag-isip itong utak ko sa mga ganito, e. At this point, bukod kay number eleven na binibigyan ako ng napakaraming tanong at delusyon, e, kasalanan ko rin kasi grabe na talaga ang pag-a-assume ko. Hindi ko na talaga alam!

Tanungin mo na kasi si number eleven, Kaizen, kung ano ba talaga itong ginagawa niya sa 'yo. E, 'di tapos na?

Iyon na nga!

Wala namang problema sa pagtatanong. Madali lang naman iyon. Ang problema ay kaya ko bang marinig iyong sagot. What if nag-i-imagine lang talaga ako? What if hindi naman pala talaga niya ako gusto? What if... umiyak ako? Gago, Kai!

Pero seryoso, what if hindi ko magustuhan iyong sagot niya sa tanong ko, 'di ba?

Hay naku! Sinundan ka na nga rito sa Baguio, e! Hindi ka pa ba gusto no'n? 'Wag ka nang mag-overthink!

Ah, basta!

Kailangan kong marinig iyon mula sa bibig niya mismo. Pero at the same time, e, ayoko rin magtanong. Magulo pero... wala, e! Gano'n nga talaga.

Yep, what I'm doing right now is delaying the inevitable. Iyong pwede akong masaktan just in case one-sided nga lang lahat 'to. Part naman kasi iyon kapag nag-umpisa kang magkaro'n ng feelings para sa isang tao, e. Pero sabi nga rin nila, ignorance is a bliss.

Tignan mo, napapa-english na rin ako!

Pero hindi nga, corny man pakinggan o sabihin pero bahala na si tadhana gumalaw.

Nag-cringe ako sa naisip. Dami mong alam, Kaizen! Basta, go with the flow lang! Hangga't walang naaapakan at nasasaktan na ibang tao, go lang!

"Saan ang punta mo, Kai, at nagmamadali ka?" Tanong ni mama pagkalabas ko ng kwarto.

Actually, ang sarap talaga batukan ng sarili ko. Hindi naman halatang hulog na hulog ako kay number eleven, 'no? Ni hindi ko na natapos iyong pagkain ko at mabilis akong pumasok sa kwarto para maligo nang makita ko iyong selfie niyang... seryoso, bakit ang kinis ng isang iyon? Wala yatang pores sa mukha.

Tapos nahirapan pa akong mamili ng isusuot!

Ewan ko sa 'yo, Kai! Si number eleven lang naman iyon! Bakit kailangan mo pang pag-isipan kung anong isusuot mo? Nagpapa-impress ka ba? Tama na iyang t-shirt at shorts lang! Para namang hindi ka local citizen ng Baguio City niyan, e.

Pero nakita mo naman ang pormahan ni number eleven kanina sa selfie niya, 'di ba? Ang lakas, lakas ng dating kahit hoodie lang ang suot ni sir!

Papayag ka ba, Kai, na magmumukha kang basahan sa tabi niya?

Kaya iyon, nag-settle ako sa white shirt at dark blue na hoodie tapos maong pants and white sneakers. Nag-pabango pa nga ang Kaizen! Idagdag pa na naka-dalawang gargle yata ako ng mouthwash kanina. Akala mo naman talaga...

Tsk. Badtrip na iyan. Ba't ba ako nape-pressure at the same time, e, na-e-excite? Hindi 'to date, Kai! Inuunahan na kita! Tour guide ka ngayon tandaan mo!

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon