Special Chapter 02

31.6K 1.2K 464
                                    

Happy 100k reads Kai & Roen! So, here's another special chapter to celebrate. Hope you enjoy this one. Thank you so much po!

• 🏐 •

"From the Philippines, outside spiker, wearing jersey number eleven, Roen Alejo!"

Natawa ako nang magsigawan ang mga supporters ng Team Philippines dito sa loob ng arena. Actually, kanina pa nga sila nagchi-cheer sa bawat player namin na tinatawag para sa starting six. Parang mga hindi napapagod, e. Pero sobrang nakakatuwa kasi ang dami nila rito sa venue. Karamihan ay mga OFWs at may ibang dumayo pa talaga rito all the way from Pinas.

Iba talaga sumuporta ang mga Pinoy. Pangalawang national team stint ko na 'to pero naa-amaze pa rin ako sa support ng mga kababayan natin. Hindi rin talaga papatalo sa mga Vietnamese na nandito rin since sila ang kalaban namin ngayon tapos sila rin ang host.

Mas malakas nga lang ang sigawan nila no'ng si number eleven na ang tinawag. Napaka-famous naman talaga ng baby na iyan. At syempre, nakisabay rin ako sa cheer para sa kaniya.

"Go Philippines! Go number eleven!" Sigaw ko.

Nakita kong nilingon ako ni number eleven. Ngumiti siya saka kumindat sa 'kin at namalayan ko na lang na mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao. Iyong iba naming mga teammates ay inasar at tinulak tulak pa ako.

Natawa na lang ako at kinilig at the same time. Naku, for sure may Tiktok video na naman kami nito. This time, international edition na. Hindi na rin ako magugulat kung laman na naman kami ng mga social media pages ng ibang bansa.

Syempre, tuwang-tuwa na naman iyong isa. Hindi lang inaamin ni number eleven pero mas kinikilig pa siya sa 'kin kapag may napapanood kami na video naming dalawa. Lalo na iyong may mga romantic background music tapos slide show ng mga pictures namin. Grabe ang pamumula ng tenga ng baby kapag gano'n.

Inaasar ko siya madalas pero isusubsob lang ang mukha niya sa leeg ko. Nahiya pa, e, most of the time, siya naman ang dahilan kung bakit lagi kaming trending.

"Sana manalo tayo," sabi ko kay Jerome na kasama ko rin ngayon sa national team.

Iyon nga lang, bench players kami. Hindi pa part ng first six. Siya iyong backup setter at ako naman ang backup libero. Pero kung ako ang tatanungin, mas okay nang second libero muna ako ng team. Iba kasi sa international, e. Doble iyong kaba. Isa pa, sobrang galing din naman kasi ng starting libero namin na si Kuya Mikey.

"Mananalo iyan. Nandiyan si Alejo, e," sagot niya.

"Sana nga," huminga ako nang malalim habang pinapanood si number eleven na seryoso na ngayon.

Naka-game face na agad siya. Akala mo ay hindi mahilig magpa-baby sa 'kin, e.

"Pero nanininago pa rin talaga ako na hindi ka naka-jersey number eleven," sabi ni Jerome.

Napatingin ako sa jersey ko. Number 27 iyon. Iyon ang napili ko kasi birthdate iyon ni number eleven.

"Ako rin. Hindi rin ako sanay," natawa ako. "Pero okay na iyan. Bangko naman ako."

"Sabagay," natawa na rin siya. "Kung makatawa ako, akala mo, hindi rin bangko, e."

Humagikhik kami pareho ro'n. Pero napaayos ako ng tayo nang maabutan si number eleven na nakalingon pala sa 'min habang nakakunot ang noo.

Badtrip. Nakuha pa ngang magselos no'ng isa.

Partida, mag-uumpisa na iyong game, a?

Natigil ako sa pagtawa habang si Jerome naman ay hindi pa rin mapigilan na ngumisi. Inakbayan pa ako ng loko para lalong bwisitin si number eleven. Napailing na lang ako saka nginitian iyong nakasimangot na baby kasi baka mamaya ay masira pa ang laro.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon